❤️Chapter 39❤️

4.9K 125 1
                                    

Ilang minuto na yata akong tumatakbo, pagod na pagod na ako. Nang maramdaman kong medyo naka layo na ako sa kanila ay naghanap na ako ng maaaring mapagtaguan.

Nakakita naman ako ng isang malaking puno, naliliwanagan iyon ng buwan kaya Hindi nakakatakot atsaka pag may nakahanap sa akin mabilis lang akong makapagtatago.

Umupo na ako roon at nagpahinga,
Saka ko lamang napagtanto na andami ko na palang gasgas dala ng pagtakbo sa masukal at mabatong daan.

Ang mga gamit ko kaya, saan nila inilagay?
At Sino ba naman ang magpapadukot sa isang tulad ko?!

"Aray!" Daing ko ng maramdaman ang hapdi dala ng bawat galos.

Tumahimik ako ng makarinig ng kaluskos,
Hindi ko na alam ang gagawin ko, natatakot na ako, naiiyak.

Nakarinig ako ng ilang tunog ng mga kabayo, mas lalo akong naiyak.
Nagtawag kaya sila ng mga kasamahan nila?

"Sir Wala po rito." Aniya ng isang malaking boses.

"I can feel, she's still here!" Mariin ang pagkakasabi ni Kalix nun! Si Kalix ba ang nagpakidnap sa akin?!

Bakit niya ito gagawin sa akin?!
Tahimik lang ako, Hindi ko Alam kung magtitiwala ba ako sa kanya.
Paano kung siya rin pala ang may gawa non Kay papa?!
Hindi ko na kaya ang mga iniisip ko.

"Aray." agad kong pinutol ang sigaw ko, may natusok sa binti ko dala ng pag galaw ng aking mga kamay.

Naramdaman kong gumalaw ang mga kabayo, mas lalo akong natahimik.
Bakit ba napakamalas ko naman?

"Baby, Please come out. I know you are there." malamyos na boses ang narinig ko Kay Kalix.

"Please baby, I'm worried." naiimagine ko na ang mukha niya, agad ko itong iwinaglit.
I miss him so damn much, I miss his touch, I miss his voice, I miss everything in him.

"Baby... Please, I'm begging you." pinipiga ang puso ko sa bawat salitang binibitawan niya.

"Samantha please, come with me, I'll keep you safe." Ani niya, tila nawawalan na ng pasensiya at Alam kong ilang Segundo na lang ay mahahanap niya na kung nasaan ko. Tingin ko nga Alam niya na kung saan ako nagtatago eh, ayaw niya lang akong pilitin.

"Diyan ka l-lang!" Sigaw ko kahit pa nanghihina, napapikit ako ng marinig ang pagkabasa ng boses ko.
"Don't come near me! I'm disgusted with you!" Napapikit ako ng mariin, please not now, itago mo ang nararamdaman mo Samantha, please lang.

"Baby." malambing at nanunuyo ang boses ang iginawad niya, mas lalo akong napapikit, ang rupok rupok ko pag dating sa kanya, paano ko siya nagawang pakawalan?

"Baby, please. Let's talk." Wala na, natalo na ng pagmamahal ko sa kanya ang galit at puot na inalagaan ko para sakanya.
Atsaka bakit ba ito narito?! Eh kailan lang ng Makita ko siyang may kahalikan!

Lumabas na ako sa pinagtataguan ko at tama nga ako malapit siya sa akin.
Itinutok niya sa tabi ko ang dala dala niyang flashlight.

Bumaba siya sa kanyang kabayo at agad akong nilapitan. Dahan dahan niyang hinawakan ang mga braso ko, napansin niya siguro ang pagdurugo non dala ng mga sugat.

Hinawakan niya ako na tila ba nagiingat dahil baka mabasag niya ako sakaling mahawakan niya ako.

Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap.
"Are you okay?" Namamaos niyang tinig, mahigpit ang yakap niya ngunit nararamdaman kong ayaw niya akong masaktan.

Tumango ako, at mas lalong humigpit ang yakap niya, narinig ko pa siyang nagmumura.

"I'm so sorry, I'm sorry I left you." humiwalay siya sa yakap niya sa akin at napansin ko agad ang mga butil ng luha sa kaniyang mga pisngi, oh please, dinudurog ang puso ko pag nakikita kung nasasaktan siya.

Billionaire's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon