❤️Chapter 36❤️

4.2K 110 0
                                    

Kumain na lang ako ng sandwich bago nagpunta sa trabaho, I'll stay here for week, siguro naman tapos na ang imbestigasyon pagkatapos non. Ito ang pinagisipan ko buong Gabi.

Nagulat pa ako ng si Kian ang bumungad sa akin pagkalabas ko sa kusina.

"Good morning Sam! Pinapasok na ako ni manang para hintayin ka, sabay na tayong pumasok." ani niya, tumango ako at kinuha na ang bag na may nilalamang kakailanganin para sa trabaho.

Nagistay din ako rito para sa trabaho, kahit one week lang, nakakagulat naman kasi na kailan lang ako natanggap tapos aalis na agad ako.

Nakakahiya rin iyon Kay Kian kung nagkataon.

Nang makadating sa kompanya nila, ay may iilang mga matang mapanghusga ang nakatingin sa akin. Wala naman silang sinabi kaya medyo maayos na rin iyon, kaysa sa pinaparinggan nila ako.

Nagtungo na ako sa table ko at sinimulan nang magtrabaho. Padabog na umupo ang babaeng nag abot sa akin ng papeles kahapon.

"Hayaan mo na 'yang si Kylie, may gusto kasi 'yan kay Kian kaya nagkakaganyan yan." si Elle na kadarating lang din sa table niya.

Hindi na ako magtataka, halata ngang gusto niya si Kian.

Bumaling ako sa kaniya at nakitang masama at matalim ang titig nito sa akin, nginisihan ko siya.

Sa palagay ko ay Hindi niya pa nasasabi Kay Kian ang nararamdaman niya at ibinubunton na lang sa akin ang pagkairita dahil hindi niya makausap si Kian.

Lunch time na at niyaya ako ni Kian na sabay na daw kaming kumain. Napansin ko agad ang mga mata ni Kylie na nakatitig sa Amin.

Ngumisi ulit ako bago sumabay kay Kian.
Umupo kami sa isang round table,
Habang kumakain ay napansin ko ang mga tingin ni Kian na tagos sa likod ko.

Binalingan ko kung Sino ang naroon at nanlaki ang mga mata ko dahil si Kylie ang tinititigan niya!

"Malusaw 'yang tinititigan mo." humalakhak pa ako nang matapos kong sabihin iyon, nagiwas siya ng tingin sa akin.

"You like Kylie." Hindi iyon tanong kundi Isa iyong pahayag, kailangan ko lang ng kasiguraduhan. Nakita kong lumunok siya nang malalim at dahan dahang tumango.
Mas lalo akong natawa, Duwag Hahaha.

"Why don't you invite her to eat with us?!" Masaya kong tanong.

"I don't know if she'll like it, before I always invite her to eat with me then she looks intimidated with me." seryoso ang kaniyang mukha, tumango ako bago nagtaas ng kamay.

"Hi, Kylie!" Kumaway ako sa table nila, kasama niya pala si Elle eh.
"Sumabay na kayo dito sa table namin, maluwang dito!" Anyaya ko, agad namang tumango si Elle sa akin at tumabi, sumunod si Kylie at Wala na siyang nagawa kundi umupo sa tabi ni Kian.

I don't think she looks intimidated, kinakabahan siya dahil sa presence ni Kian!
Nakita ko pang namumula ang mukha niya bago sinimulan ang pagkain.
Bumaling ako Kay Kian at kinindatan siya, I know Kian very much he's like a brother to me.

Nang matapos na kaming kumain at halos hindi na makatigin sa akin si Kylie, kaya nauna na silang maglakad patungo sa mga table namin.

"You should date her, she's a nice girl." Aniya ko Kay Kian na agad niya naman itong tinangunan.

"Huwag na huwag mo lang siyang sasaktan Kian at ako mismo ang papatay sayo!" Humalakhak ako matapos sabihin iyon, nginisihan niya naman ako.

"You think I'll hurt the girl I like?" Namula ako sa tanong niya, ibang sakit ang pumasok sa isip ko, masyadong green ang utak ko! I should stop this!

Nagpatuloy lang kami sa trabaho at nang matapos kami roon ay umuwi na din ako.
Nadatnan ko si mama na naglalabas ng mga bagahe niya sa Salas, she really looks excited.

May hawak hawak siyang News paper sa kaliwang kamay, I never thought that she read those kind of News, ang Alam ko lang na binabasa niya ay tungkol sa mga Fashion.

"I don't know that you like that kinds of news ma." Saad ko at bumeso sa kanya.

"It's just Beatrice Mc Cartney." nagulat pa ako.

"Sinong Beatrice Mc Cartney ma?" Ipinakita niya ito sa akin at Tama nga ang nasa isip ko si Beatrice nga, ang babaeng naghagis sa akin ng pera!

"Why is she, ma?" Tanong ko, habang nakakunot ang noo. Bumaling naman si mama sa akin bago sumagot.

"They are loosing their company Hija, buti na lamang at Hindi ako nag invest sa kanila, Beatrice is a model, Hija. Buti na lamang at nalaman kong Hindi maganda ang ugali ng Tao sa Kompanya nila kaya Hindi na ako nag invest." mahabang salaysay ni mama. I'm glad that she's trying again to live a normal life, sinusubukan niya ulit magtrabaho kahit na sa simpleng pag iinvest man lang.

Ngumiti ako Kay mama bago nagpaalam na tutungo na ako sa kuwarto.

Billionaire's Wifeजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें