❤️Chapter 20❤️

4.3K 125 3
                                    

Lumipas ang mga ilang araw at dumating na nga ang 24th birthday ko.

"Hija, the make up artist is here." si mama ng pumasok sa kwarto ko, sinabi kong 'wag na siyang mag hire ng make up artist kasi marunong naman na ako ng kaunti sa paglalagay ng kolorete sa mukha ngunit Hindi siya pumayag.

Tumango ako, Alas otso palang ng umaga ay naghahanda na ang lahat para birthday ko mamayang 6 PM.

"Hija we need to see your dresses para malaman ang bagay rito." ang baklang make up artist, inilabas ko naman ang tatlong dress na napili.

"Dyosa is perfect for this Olive Green dress! Perfect!" Ani nito.

"I'll make you an angel in the white one and a little devil with black." ngumisi pa Ito sa akin, tila naiimagine niya na ang magiging itsura ko pagkatapos kong maayusan.

We eat our breakfast first, usap rito usap roon, Wala si Kalix dito dahil susunduin pa daw niya sila Mrs. Carmela sa bahay nila sa Probinsya.

Si Mama na ang nagmanage about sa Venue na inaayusan na ngayon dahil Hindi ko na din mahaharap ang mga Ito.

Pagkatapos ng lunch ay sinimulan na nila akong ayusan.

Natapos rin ito ng mga 4:30 ng hapon,
Ipinasuot na nila saakin ang dress na isusuot ko sa first change, Ang Olive green kong dress.

Pinasadahan ko ng tingin ang suot ko sa salamin, Tama nga ang sinabi ng make up artist, mukha akong Dyosa.

"We'll go to the venue 15 minutes from now, anak." si Mama, pumasok Ito ng tuluyan sa kwarto ng makitang tapos na akong ayusan.

"My baby is now a woman." naiiyak na sabi ni mama. Natawa naman ako dahil dito, nagdradrama nanaman siya dahil tumatanda na ako.

"Ma." natatawa parin ako.

"I can't wait for you to get married, Hija. Surely you'll be the most beautiful bride." Ani niya, na mas lalo akong natawa.

"Matagal pa po iyan mama, I don't think Me and Kalix would marry anytime soon." Ani ko, napansin kong nalungkot siya.

"I understand Hija, I'm just excited." nagpatuloy kami sa usapan hanggang sa si Papa naman ang kumatok, kailangan na raw naming umalis.

"My two woman with their jaw dropping beauty." Ani ni papa ng makita kami, tinawanan lang namin ito ni mama at sumakay na sa van na maghahatid sa Amin sa Venue.

Nagpunta kami sa isang room na inupahan para lang sa akin, Dito ako aayusan at dito din ako magpapalit. Nasa likod ito ng stage.

Lumipas nga ang isang oras at magsisimula na raw kami.

May grand entrance pa raw ako kaya sa baba na kami magkikita ni Kalix.

"Let's welcome, Ms. Samantha Llaine Martinez." Ani ng MC.

Lumabas na ako sa kwarto at umakyat na sa stage, Hindi ko pa pala sila nakikita sa labas dahil may kurtina pang bubuksan para Makita ako.

Nang bumukas Ito ay nagsipalakpakan ang mga bisita ngunit ang atensyon ko ay agad na naagaw ng lalaking sobrang gwapo na naghihintay sa akin sa ibaba, walang iba kundi Si Kalix.

Tila bumagal ang takbo ng oras at aking galaw habang pababa.

"You look so beautiful." Sabi ni Kalix ng makababa na ako, iwinestra niya sa akin ang braso niya agad ko naman itong hinawakan. Nginitian ko siya.

"You look handsome too." nginisihan niya ako, tila proud na proud siya sa narinig mula sa akin.

Umikot kami at binati ang mga bisita, pagkatapos nito ay kainan na.

"You two look a beautiful couple." A Family friend said, nahihiya akong lumingon kay Kalix, ilang beses na kaming naiisyu sa ganito.

Ngunit ng binalingan ko si Kalix ay Hindi man lang ito tumanggi bagkus ay nakangiti pa!

"We indeed are." nagulat ako sa sinabi niya, seryoso ba siya?

Lumapit pa ang iilang kakilala kaya nawala ang attention ko sa kanya, ngunit batid Kong tinititigan parin niya ako, ramdam ko iyon.

Nang mag alas syete na ay sinimulan na ang kainan.

Pagkatapos noon ay sayawan na, si papa ang first dance ko.

Isinayaw rin ang ako ng ibang kaibigan, ngunit Hindi sila ang hinihintay ko kundi Si Kalix ang hinihintay ko.

Malapit na mag Alas diyes ngunit Hindi niya padin ako isinasayaw, Hindi ko rin siya makita, umuwi na kaya siya?

Billionaire's WifeWhere stories live. Discover now