❤️Chapter 28❤️

3.7K 101 0
                                    

Kinaumagahan ay maaga kaming nagising ni Kalix, sa Private plane na nila kami sasakay dahil biglaan Ito.

Inayos ko muna ang aking sarili bago inayos ang aking mga gamit.

Habang nag aayos ay naramdaman ko ang init ng braso ni Kalix sa aking bewang, habang niyayakap niya ako Mula sa likuran.

"I'm sorry baby, it's a party again." malungkot niyang sabi. Hinarap ko siya at marahang hinalikan sa labi.

"It's okay, Marami naman tayong nagawang memories dito eh." ani ko.

Tumango siya kahit na Hindi kuntento Alam kong gusto niya pa rito manatili ngunit kailangan na namin umuwi, dahil naghihintay si Mrs. Carmela.

Kumain lang kami at sa huling pagkakataon, tinignan ko muli ang view ng Paris sa malaking bintana, I'll comeback here, I promise!

Tahimik lang kami sa biyahe ni Kalix, tila andami niyang iniisip. Ayaw ko rin namang magsalita dahil nadismaya din ako na ngayon nga ang uwi namin.

After 5 hours we ate our lunch.

"We'll be arriving there at 9 PM, you should rest." si Kalix ang bumasag sa katahimikan, tumango lang ako at nagpatuloy na sa pagkain.

Sobrang komportable nang flight na iyon dahil pwede naming iadjust at ilipat ang mga upuan namin. Mayroon ring dalawang kuwarto ngunit mas pinili namin ni Kalix na manatili sa upuan, pwede naman kasing gawin iyong higaan.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako nagising na lamang ako ng nasa airport na. Hindi ko pa pala nasabi kila mama na ngayon na ang uwi ko, kaya pagkababa na pagkababa ko palang ay 'yon na ang ginawa ko - ang tawagan sila.

"Mom, I'm home." bungad ko ng sagutin niya ang tawag. Lumipas ang Ang minuto ngunit walang nagsasalita sa kabilang linya ang naririnig ko lang ay ang mabigat na paghinga ng aking ina.

"Ma?!"

"Oh, what is it anak?" Nabalik sa ulirat ang aking Ina at natuon na ang atensyon sa akin.

"I'm home."

"Hah?!" Tila gulat na gulat pa siya na narito na ako sa Pilipinas.

"Yes po, I'm currently at the airport, hinihintay na lang po namin ang sasakyan ni Kalix para maihatid ako diyan."

"O-oh s-sige Hija." naninibago ako sa kilos at boses ng aking ina, bakit tila aligaga siya?

Hindi pa ako nakakapagpaalam sa kaniya ay pinutol na niya kaagad ang tawag. Kumunot na nang husto ang noo ko.

"Why does your face like that?!" Natatawa si Kalix ngunit Hindi manlang ako makangiti sa kanya. Unti unting napawi ang mga ngiti niya, at napalitan ito ng kaniyang seryosong mukha.

"Is there something wrong?"

"Wala naman naninibago lang ako Kay Mama." sakto namang dumating ang sasakyan niya agad akong pumasok roon.
Dumaan na lang kami ng dinner namin sa isang fast food chain.

"Pasok ka?" Tanong ko ng nasa harap na kami ng bahay.

"Hindi na, hinihintay na din ako ni mama eh." Ani niya, lumapit siya sa akin at dumapo na ang labi niya sa aking noo.

"Have a good sleep, see you tomorrow at the party." ngumiti ako, at niyakap siya.

"Have a good night, mag iingat ka." pagpapaalam ko rin.

"Wala ba akong goodbye kiss?" Nakanguso niyang saad, napahalakhak ako bago siya hinalikan sa labi. Ngumisi siya bago ako niyakap muli.

"Pumasok ka na bago ako umalis." tumango ako at pumasok na sa gate namin. Nang makapasok ay pumasok na rin siya sa kaniyang sasakyan at lumayo na rin Ito.

"Ma, I'm home." ani ko, napakatahimik ng bahay, Hindi ko manlang ma feel na masaya sila sa pag uwi ko.

"Oh Hija, andito ka na pala, kumain ka na ba?" Imbis na sagutin si mama ay tinanong ko din siya.

"Si papa, ma?" Kinagat niya ang kaniyang labi bago nagsalita.

"Nasa opisina pa." kumunot Lalo ang noo ko.

"Ilang araw na siya doon?" Mapupunit na yata ang labi ni mama dahil sa diin ng pagkakakagat niya rito.

"Dalawang araw, a-anak." I knew it, there's something wrong in the office, bukas na bukas tatanungin ko si Kalix sa party dahil sa kompanya nila nagtratrabaho si papa. Baka kung ano na ang nangyayari sa kompanya nila!

Ganitong ganito tuwing may problema sa kompanya, halos Hindi umuwi ng bahay si papa para lang maayos iyon.
At nagkakandaugaga naman si mama.

Binisita ko si Skye sa kuwarto niya bago nagtungo sa aking kwarto. Naligo muna ako, bago nahiga sa aking higaan.

"I'm home." mensahe galing Kay Kalix.

"Let's rest. I can't wait to see you tomorrow❤️." dagdag pa niya, ngumiti nalang ako. Buti na lang narito si Kalix kahit na may problema, nagagawa niya akong pasayahin.

"Good night, I love you." reply ko at agad nang pinatay ang cellphone. Antok na antok na ako, dala ng pagod ay naging mahimbing nga ang naging tulog ko.

Billionaire's WifeWhere stories live. Discover now