❤️Chapter 3❤️

7.4K 174 1
                                    

Nang makarating na kami sa kanilang mansion ay agad na bumaba si Kalix at mabibigat na hakbang ang iginawad nito, at tahimik ko naman siyang sinundan.

"Ah Hija, Ano ang nangyare?" Tanong ni Mrs. Carmela ng nakita ang pagmamartsa ng anak.

"Hindi ko po alam kay Kalix, Mrs. Carmela. Nais lang naman po sanang tumulong ni Ace sa pagbibitbit ng mga bilihin pero ayaw po ni Kalix kahit pa madami na po siyang hinahawakan." napahalakhak si Mrs. Carmela sa mahabang paliwanag ko.

"Naku Hija." natutuwang aniya niya.
"Pasensya ka na sa ugali ng batang yun, ganyan talaga 'yun eh." dagdag pa niya.
Matapos non ay sinundan ko si Kalix sa kusina.

"Ano bang Problema mo?!" Pinangunahan ko ang aming usapan.

"Hindi mo ba naiintindihan Samantha?! My mom wants you for me! She wants you to be my wife! Kaya nga nandito ka diba? Dahil gusto niyang magkamabutihan tayong dalawa!" Napatulala ako sa mga salitang binitawan niya. Ano? Si Mrs. Carmela nais ako para maging asawa ng kaniyang anak?

"You have so much flings at sa harap ko pa talaga kayo nagharutan!" His voice thundered.

"Ano bang sinasabi mong humaharot?! Nagmamabuting loob na nga si Ace tapos ganon pa ang iniaasta mo!" Umigting ang kanyang panga at matalim akong tinitigan.

"Ano ba ang nangyayare Hija, Hijo? Bakit ba kayo nagsisigawan?" Si Mrs. Carmela.

"Pasensya na po Mrs. Carmela." humingi ako ng paumanhin sapagkat bisita lamang ako rito at anak niya Ang nakakabangga ko.

Lumabas si Kalix at iniwan kami ni Mrs. Carmela sa kusina.

"Pasensya na din Hija sa asal ng anak ko hayaan mo at kakausapin ko siya." binigyan niya na lamang ako ng pilit na ngiti.

Pagkatapos noon ay nagtungo na ako sa aking kuwarto upang mapalamig ang aking isip. Habang iniaayos ang aking buhok ay may kumatok sa aking pintuan.

"Pasok po."

"Sam?" Si Kalix pala.

"Ano nanaman?!"

"Hihingi na nga ako ng tawad tapos sisigawan mo pa ako!" Bawi niya.

"Ganyan ba ang humihingi ng tawad?! Sinisigawan ako at mukhang napipilitan lang?!" Nangangalaiti kong saad.

"Kung ayaw mo edi huwag!" Malakas na sigaw nito at padabog na isinarado ang aking pintuan, napabuntong hininga na lamang ako, siya na nga 'tong hihingi ng tawad siya pa ang may kapal ng mukha na sigawan ako.

Dumating ang hapunan at tahimik kaming kumakain, Si Mrs. Carmela ang nasa gitna at si Kalix ang nasa aking tapat.

"Ano ang plano mo bukas Hija?" Tanong ni Mrs. Carmela sa akin.

"Nais ko po sanang magdrawing Mrs. Carmela." nahihiyang aniya ko dahil wala naman akong dalang materials para makapagdrawing.

"Saktong sakto Hija! Madaming drawing materials sa Library namin doon ka nalang mag tungo kinabukasan! Hayaan mo at pagkatapos ng ating umagahan ay ipapaturo ko sa Kasambahay ang Library." mahaba at masayang litanya ni Mrs. Carmela, nginitian ko ito at nagpasalamat.

Kinaumagahan, Gaya ng nais ni Mrs. Carmela ay inihatid nga ako ng kasambahay sa Library ng Mansion, namangha ako sa nagtataasang cabinet na naglalaman ng napakaraming Libro.

"Doon po ang drawing place Miss." Ani ni ate Rose, Isa sa mga Kasambahay. Tinignan ko naman ang kanyang tinuturo at nakitang sa gitna ito at napapalibutan din ng mga lamesang pahaba.

"Maraming salamat ate, Sam nalang po." Ani ko, tumango naman ito at lumabas na.

Samantalang ako ay tinahak na ang daan patungo sa gitna at sinimulan ng mag-isip ng kung ano Ang ipipinta.

Makalipas Ang tatlong minuto ay nagbukas Ang pintuan ng Library at iniluwa nito si Kalix na nakabusangot na mukha. Hindi ko ito pinansin at ipinagpatuloy nalang Ang pagguhit ng Vase at Bulaklak na nasa harapan.

Gamit ang gilid ng aking mga mata ay nakita ko itong umupo sa isa sa mga lamesang pahaba at kinalikot ang dala dala niyang laptop.

Sinilip ko ito at 'di ko namalayan na nagtagal na pala ang tingin ko na dapat ay silip lang. Napabaling ito sa akin at nag taas ng kilay, inilipat ko naman ang aking tingin sa iginuguhit.

Billionaire's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon