❤️Chapter 17❤️

4.4K 117 0
                                    

Late na akong nagising dahil sa kakaisip ko sa nangyari sa Amin ni Kalix, Hindi ko na ata iyon maalis sa utak ko. Ngayong araw ko naman napagdesisyonan na Humanap ng Gown na maaaring isuot.

As usual, narito nanaman si Kalix sa bahay namin at sasama nanaman sa akin sa pamimili, ngunit sa pagkakataong Ito ay Wala si Skye iniwan kasi siya nila mama sa bahay ng kaklase niya.

"Let's go?"

"Nanay ung mga invitations daw po, mamaya daw po idedeliver kayo na po muna ang bahala roon kung Hindi ko maabutan." Ani ko sa mayordoma namin atsaka ko tinanguan si Kalix na pwede na kaming umalis.

Nagulat ako na Hindi ang van Ang dala dala niya! Kundi isang mamahaling sports car! Maaagaw niya ang atensiyon ng kahit Sino gamit ang sasakyang ito not that he can't get the attention just by his looks.

"Bakit Ito ang dala mo?" Ako na pinipigilan ang pagkakairita.

"I'm from a business meeting 'yan ung dala ko kanina, Hindi na ako nakauwi sa suite kaya si mama na ang nagpadala niyan." Ani niya, tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

"Business meeting nga ba talaga o Date?" Nakakunot noo kong tanong ngunit tumaas lang ang sulok ng labi niya habang tinitignan ako.

"Nevermind, let's just go."

Pinuntahan muna namin ang Isa sa mga pinakamahal na designer, she's also known for making elegeant gowns.

Nahuli si Kalix dahil may inayos pa yata sa sasakyan niya.

Napakadami ng pinasukat sa akin ng designer ngunit Wala akong nagustuhan, not until nakita ko ang isang Olive green gown na nakalagay sa isang glass box.

Nilapitan ko ito.
"Can I try this one?" Habang tinuturo ko ang gown.

"I'm sorry ma'am but that's for VIP's." Ani ng designer napairap naman ako sa kawalan, naiirita na ako sa babaeng ito Ha!

Natigil siya ng may nakita sa likod ko tila gulat na gulat siya.

"Mr. M-Monteverde? Ano po ang kaylangan niyo?" Tanong nito sa taong nasa aking likuran, tinanguan lang siya ni Kalix at sa akin na ulit itinuon ang atensyon.

"Done picking?"

"Not yet I really like this one, but they said it's not available." tumaas ang kilay ni Kalix sa akin.

"Ahm Actually m-ma'am it's available." kinakabahang Ani ng designer, kumunot ang noo ko.

"Hah? You told me it's not."

"I'm sorry ma'am, I didn't know you're the girlfriend of Mr. Monteverde, he's one of the VIP's here." pagpapaliwanag nito, binalingan ko si Kalix na nakita ko ang pagliwanag ng kanyang mga mata at ang mga ngisi niyang lumitaw muli.

"I'm not his gir-" bago ko pa matapos ang nais kong sabihin ay pumagitna na si Kalix.

"Hmm, can you assist my wife to wear that gown." Ani niya at itinuro ang dressed na gusto ko.

The gown is Olive green, fitted, and an off shoulder, hanggang sa paanan ko Ito at may hati sa right side ko.

"Are you done?" Si Kalix sa labas ng fitting room.

"Uh-huh."

"May I see it on you?" Ani niya.

"No you can't! It should be a surprise on my birthday!" Sigaw ko, narinig ko lamang ang pagtawa niya sa labas.

"I know you'll look beautiful with it, kahit ano naman bagay sayo." uminit Ang mukha ko sa sinabi niya, nakita ko namang ngumiti ang nagaassist sa akin.

Nang sinabi Kong bibilhin ko na ito ay lumabas na kami ng fitting room nong assistant at nagtungo na sa cashier, nagulat pa ako ng isinabay ni Kalix ang napili niyang tuxedo siguro ay isusuot niya sa birthday ko.

Isa rin itong olive green, tinaasan ko siya ng kilay.

"It's for your birthday, so that we are match, I want to be your escort." Ani niya na para bang nabasa niya ang tanong sa aking isip.

"I don't need an escort, it's not my 18th birthday." Ani ko.

"Even so." nagkibit balikat na lamang ako, Alam kong hindi siya papayag na Hindi ko siya magiging escort.

Nagtungo na kami sa isang shop at bumili ako roon ng isang white fitted dressed, tube iyon at isang palda, Makikita ang puson mo.

Sa next na shop naman ay bumili ako ng isang black dressed, it's for my last change, ganon Rin si Kalix bumili siya ng itim na Tuxedo para makapareha na naman kami, buti nga at Hindi siya bumili kanina ng white na tuxedo eh, siguro iisa lang ang isusuot niya para sa white and black dresses ko.

Kumain muna kami ng tanghalian bago nagtungo sa last na shop na pupuntahan.
Ito yung friend ni mama na designer at dito Rin niya ako gustong bumili ng damit na isusuot niya at ni Skye, Pati na rin si papa ay bibilhan ko na ng tuxedo rito.

Bumili ako roon ng after birthday party dressed, white dress lang 'yon at hanggang tuhod lang ang haba, Hindi na rin Ito fitted.

Dito na din ako bumili ng tatlong sapatos na babagay sa mga damit na binili ko.
Si Kalix naman ang pinapili ko sa tuxedo ni Skye at ni papa, kulay black ang napili niya.

Billionaire's WifeWhere stories live. Discover now