Nakaramdaman naman tuloy ako ng ackward sa amin ni josh, kaming dalawa kase ang naiwan dito at wala pa ni isang nagsasalita sa amin, gusto ko sana siyang kamustahin kaso umuurong dila ko eh.

Napabungtong hininga nalang ako at sumandal sa upuan at pinaglaruan ang aking kuko.

Medyo nagulat naman ako ng bigla siyang nagsalita.

"K-kamusta ka e-elise?" Pangangamusta niya inangat ko naman ang ulo ko para tignan siya.

"Hmm ok naman ako ikaw?" Sagod at balik kong tanong sa kaniya.

"A-Ayos lang din" wika niya, at nararamdaman ko pa rin ang ilang ilang ko sa kaniya, naiisip ko pa rin kase yung ginawa niyang paghalik sa akin dati sa mall na ikinagalit pa ni cyrus.

Hindi ko pa rin talaga alam kung bakit bigla nalang niya akong hinalikan nun at bigla pa siyang tumakbo.

"Amm n-naiilang k-kaba sa akin? Tanong niya ulit, napakurap kurap naman ako at yumuko.

"Hmm h-hindi naman" sagot ko.

"S-sorry" bigla naman niyang wika na ikinatingin ko sa kaniya, FOR WHAT?

"H-Ha? P-para saan?" Takang tanong ko? Tungkol ba yun sa kiss?

"Doon sa...a-ano... s-sa kiss" utal niyang wika saka napayuko ulit.

Tama nga ako.

"Amm n-nagtataka nga ako k-kung bakit mo yun ginawa" wika ko sa kaniya na ikinatingin naman niya sa akin.

"A-amm... i have a deep reason kung bakit ko ginawa yun" wika naman niya, parang naging interesado naman ako sa kaniyang sinabi... anong dahilan?

"E-ewan ko k-kung manhid ka lang para hindi mo maramdaman" wika niya na napakamot pa siya ng batok.

"A-anong h-hindi ko m-maramdaman?" Utal kong takang tanong.

"Amm... s-simula bata pa tayo... alam kong iba ang nararamdaman ko sayo" seryosong wika niya na ikinataka ko.

"A-anong nararamdaman mo?" Takang tanong ko?.

"I-I mean... h-higit pa sa kaibigan ang nararamdaman ko sayo... ok hindi ko napatatagalin..." sandali siyang huminto at nagsalita din ulit "Elise gusto kita.... s-simula bata pa tayo gusto na kita" wika niya naikinagulat ko, s-so t-tama ang hinala ni cyrus na talaga ngang may gusto sa akin ni josh.

A-anong gagawin ko?

"Sana bigyan mo ako ng chance" wika niya naikinagulat ko "Can i... can i court you?" Tanong niya na mas lalo kong ikinagulat WTF!!!

What should i do?.

ALTHEA'S POV

Habang nakapila kami ni ruby ay bigla siyang nagsalita.

"So matagal niyo na palang kilala si elise" wila nito.

"Oo, at mabait yan si elise pero may pagkasungit pero malambing sa amin yan" ngiti kong wika sa kaniya.

"Ahh" tanging sagot niya na may patango pa.

"Eh ikaw saan kayo nagkakilala?" Tanong ko naman.

"Ahh sa trabaho" sagot niya.

"So parehas pala kayong katulong?" Tanong ko

"Oo, pero hindi na katulong si elise" wika niya na ikinataka ko.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Kunot nok kong tanong

"Wag mong ipagsasabi ha?"

"Oo" sagot ko

"Personal maid ni sir cyrus si elise at nakakaramdam din ako ng kakaiba kay sir cyrus kase naging possessive siya kay elise, at sa tingin ko ay may ibang kahulugan iyon, at nalaman ko nalang na may gusto pala si sir cy kay elise at niligawan niya ito at isang araw nalaman ko nalang na sila na, alam mo ba... mag live in na sila ngayon pero wala namang nagaganap na kababalaghan" mahabang lintanya niya na ikinagulat ko.

Bakit hindi sinabi sa amin ni elise ito? Akala ko ba walang taguan ng sikreto? Ang dami pala niyang tinatago sa amin.

Paano na si kuya kapag nalaman niya ito?

Kase nga may gusto si kuya kay elise simula bata palang? Kaming dalawa lang ang nakakaalam nito.

Masasaktan si kuya kapag nalaman niyang may boyfriend na si elise, elise bakit ka nag tago sa amin ng sikreto? Hindi mo alam kung gaano mo masasaktan si kuya kapag nalaman niya ito.

ELISE'S POV

'Payagan mo siya, bigyan mo siya ng chance' bulong ng kung ano sa kanang tenga ko.

'Magtataksil kaba sa boyfriend mo? Alalahanin mo si cyrus, masasaktan siya'
Bulong naman ng kung ank sa kaliwa kong tenga.

SHIT!

Anong gagawin ko?

H-hindi naman yata tama na nagpaligae ako diba? K-kase nay boyfriend na ako, ganto ba talaga ang love? Ang gulo gulo! nakakalito!.

Dapat ko bang sabihin sa kaniya na may boyfriend na ako? Dapat ba?

'Oo elise' sabi ng isip ko

Alam kong magugulat siya kapag sinabi ko at masasaktan naman siya sa magiging desisyon ko.

"Can i?" Tanong niya ulit at nakikita ko sa mukha niya ang pakikiusap.

"Josh" tawag ko sa kaniya.

"Hm?"

Magsasalita na sana ako ng biglang dumating ang dalawa.

"Nandito na ang order" ngiting wika ni thea tsaka umupo.

Hindi na namin natuloy ang pag-uusap namin ni josh dahil nagsimula na kaming kumain.

Alam kong masasaktan ka sa sasabihin ko, pero ito talaga ang dapat, mahal ko si cyrus at hindi ko kayang magtaksil sa kaniya.

FAST FORWARD

Tapos na kaming kumain at infairness masarap ang ulam dito.

Mayamaya naman nagpaalam ako sa kanila na magccr lang ako.

Kahit hindi ko pa kabisado ang mga pasikot sikot dito sa university ay sinikap kong mahanap anh cr, ng mahanap ko ito ay dali dali akong pumasok sa cr ng babae.

Pagkatapos kong mag cr ay naghugas ako ng kamay, matapos kong maghugas ng kamay at magpunas nh tissue ay naisipan ko ng lumabas pero paglabas ko ay may bigla namang humila sa akin.

-To Be Continued-

My Possessive and Obsessed Boss (Tagalog SPG) |COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon