Pero now, hindi ko na nabungaran ang mukha niya dahil nga wala siya.

Napatingin naman ako sa side table ng kama ko at nakita ko doon ang cellphone ko, bigla ko naman naisipan na i-text siya at mag good morning.

'Good morning honey, it's time to breakfast, always take care of yourself ok? Wag kang magpapagutom. I love you honey and i miss you😘😘'

Send-

Pagkatapos kong i send yun ay nagtungo ako sa aking gallery, at tinignan ang mga picture niya.

Halos siya ang laman ng gallery ko, pasimple ko lang siyang pinipicturan at kahit saan anggulo ay maganda pa rin siya... i miss her so much.

"I can't wait to see you my love" ngiti kong wika at hinalikan ko ang picture niya sa cellphone ko.

Kikilos na ako ngayon, ayoko ng patagalin ang lahat, kailangan kong makasiguro kung buntis nga ba si bernadette or hindi at kung buntis siya ay aalamin ko kung ako ba ang ama, kapag tama ang mga hinala ko katapusan na niya.

Mabilis naman akong bumaba ng kama at dumiretsyo sa cr.

ELISE'S POV

"Ate... ate... gising na daw sabi ni mama kakain na tayo bilis" rinig kong boses at ramdam kong hinihila pa ang braso ko.

"Hmm mica... mamaya na..." inaantok kong wika habang nakapikit ako.

"Bilis na ate lalamig na ang pagkain, naghihintay na sa atin si mama at papa sa hapag" ani niya pa.

"Haysss..." bumangon na ako pero nakapikit pa rin ang mata ko.

"Ate halika na" yaya ni mica at hinihila pa ang braso ko.

"Oo sige na susunod nalang ako" wika ko.

"Sige ate baba ka nalang bilisan mo ha?" Ani niya at tumango nalang ako narinig ko naman ang pag-sara ng pinto at tsaka ko minulat ang mata ko at kinusot kusot iyon.

"Ahhhysss" paguunat ko ng katawan.

"Anong oras na ba?" Wika ko tsaka ko kinuha ang cellphone ko sa ilalim ng unan.

Binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang isang text message mula kay cyrus, mabili kong inunlock ang cellphone ko at binasa ko agad ang message niya.

"Good morning honey, it's time to breakfast, always take care of yourself ok? Wag kang magpapagutom. I love you honey and i miss you😘😘"

-CYRUS

Napangiti ako ng mabasa ko iyon, napapansin ko lang... may problema kami ngayon pero hindi ako kinakabahan na maghiwalay kami kase alam kong hindi mangyayari yun, hindi kami maghihiwalay, pwera nalang talaga kung siya ang ama nung batang dinadala nung bernadette.

Aaminin ko naiinis ako sa babaeng yun, saan ba nakuha yun ni cyrus? Mukhang baliw na baliw sakaniya... ang sarap anuhin.. yung ano.. yung kaladkarin. Shit!! My mind aishh!!...

Iling iling nalang akong tumayo at pumunta sa cr.

FAST FORWARD

"Oh anak maupo kana" ngiting sabi ni mama ng makalapit ako sa mesa.

"Wow!... totoo ba to?! Fried chicken!" Manghang sabi ko... ngayon nalang ulit kami nag ulam ng manok dahil nga sa kahirapan.

"Mukhang mapapalaban tayo diyan" ani ni papa kaya natawa naman ako.

"Oy si mica nagsisimula na" gulat kong wika dahil nilalamutak na niya yung hita ng manok.

"Umupo kana anak baka maubusan ka ni mica" wika ni mama, agad agad naman aking umupo at kumuha ng manok.

FAST FORWARD

"Pansin ko ma... naninibago ako dito, parang ang daming nabago dito" wika ko habang nililibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bahay.

Pagkatapos kumain ay nagpunta kami dito sa sala para maupo.

Iba na yung bahay namin ngayon kesa nung dati, napansin ko rin yung tv namin, gosh lumaki, yung hagdanan namin semento na yung lababo ay tiles na at mga bintana ay naka jalousie na, gosh ngayon ko lang napansin.

"Mas maganda na po ngayon yung bahay natin ngayon kesa noon paano niyo po napagawa ito? Saan kayo kumuha ng pera" nagtataka kong tanong.

"Ahh anak hindi ko pala nasabi sayo... amm ang boss mo ang nagpaayos nito sa totoo nga lang hindi pa ito tapos ititiles pa itong sahig at babaguhin lahat ng nandito" paliwanag ni mama at ako naman ay napanganga, seryoso si cyrus? Teka bakit hindi niya sinabi sa akin? Haysss...

"G-ganun po ba?" Nganga kong wika.

"Nagpapasalamat ako diyan sa boss mo napaka bait" ngiting wika ni mama.

Bigla naman akong napatingin sa pinto ng may sumigaw doon.

"SISSY!!!!"

-To Be Continued.

My Possessive and Obsessed Boss (Tagalog SPG) |COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon