"What?!... Nakita ko palang siya 2 days ago sa isang fast food and hindi ko naman napansin na buntis siya... normal lang ang itsura niya... bro wag kang maniniwala kay bernadette, niloloko ka niya" lintanya niya, parang may bumuhay sa aking sistema ng marinig ko iyon, so... she's pretending?

"F*CK, kapag nalaman ko talaga ang totoo.. i will kill her" wika ko habang nagtatangis ang bagang ko.

"Bro... we know na since high school, may gusto na siya sayo... and she's so f*cking desperate to get you!, i will help you bro i will hire an investigator" wika niya

"Thanks bro, call me if may update na" ani ko

"K bro" tanging sagot niya at binaba ko na ang tawag.

I promise honey, kapag tama ang hinala kong hindi ko buntis si bernadette at kung buntis man siya ay hindi ako ang ama... i swear... i will f*cking kill her honey... walang pwedeng sumira ng relasyon natin.

FAST FORWARD

I miss her already, i want to hug and kiss her i'm so damn miss her😭

I will call her i'm so damn miss her...

Pero ilang minuto ang nakalipas ay hindi man lang niya sinasagot cannot be reach, i'm worried about her... ARGG!!! your f*cking b*tch bernadette i will kill you soon.

For now, hahayaan muna magpahinga si elise i will hire an investigator para bantayan siya, wala akong tiwala sa ibang tao lalong lalo na sa hayop na josh na yun ARGGG!!!

Naiisip ko palang kung ano ang pwedeng gawin niya kay elise nababaliw na ako.

I know uuwi si elise sa bahay nila kaya magkikita nanaman sila ni josh F*CK, isang maling galaw niya lang sa pagmamay-ari ko, mas mapapaaga ang biyahe niya kay bernadette... i swear!.

I wipe my tears before i drink wine.

I will never be yours.... bernadette.

ELISE'S POV

Kahit naka uniform ako ng pang maid ay bumiyahe pa rin ako, hindi ko nalang pinansin ang mga tinginan ng mga taong nakakasalamuha ko, ang importante ay makauwi ako ngayon.

"Manong ito po ang bayad" ani ko sa driver ng tricycle pagbaba ko

Nang mabigay na ang sukli ko ay umalis na ang driver, ako naman ay isa isa ng sinusukbit ang mga dala kong bag tsaka na ako pumasok sa iskinita namin.

Habang naglalakad

"Ay si elise tignan niyo"

"Wow ganda pa rin niya bro"

"Nasa langit na ba ako bro? May nakita na kase akong anghel"

"*Witwit*" sipol

Bulungan ng mga kalalakihan dito pero hindi ko nalang sila pinansin tuloy lang ako sa paglakad.

"Ay jusko mare si elise oh!"

"Ay oo nga, ngayon ko nalang ulit siya nakita, ang ganda pa rin niya jusko"

"Hindi talaga kumukupas ang gandang ito ni elise"

"Kaya nga ehh, naiiba talaga siya sa pamilya niya"

"Baka ampon"

"Ay oo nga baka nga"

"Malayo kase ang itsura niya sa mama at papa niya, siya lang yung maputi sa pamilya nila"

"Nako posibleng ampon nga siya"

Bulungan ng mga chismosa dito

AMPON? Palaging yan ang topic nila wala ng ibang mapagkwentuhan, alam kong naiiba ang itsura ko sa pamilya ko, pero hindi ako ampon alam ko yan hindi ako AMPON.

Nginitian ko nalang sila at umakto na walang narinig.

Nang mapadaan ako sa tapat ng bahay nila josh ay nakita ko sila ng kapatid niyang si althea na nakaupo sa labas ng bahay nila may bench kase doon nakaupo sila sa tapat ng tindahan nila.

'DEFEAT'

"Hoy kuya! bwisit ka talaga argg"

"Galingan mo kase" nangaasar na saad ni josh kay thea.

Naglalaro na naman sila ng ML haysss... tinignan ko si josh parang normal lang sakaniya ang lahat pagkatapos ng mangyaring paghalik niya sa akin sa mall, totoo nga bang may gusto siya sa akin? Haysss... miss ko na agad si cyrus.

Wala na talagang ibang laman ang utak ko, puro si CYRUS nalang.

Wala akong maisip ngayon kung hindi siya, sorry kung hindi ko na matutupad ang pangako ko kay ma'am christine...

Hindi ako marunong lumaban sa pag-ibig ehh tanga tanga ko, tsaka ano bang laban ko sa babaeng yun, buntis siya at ako nobya lang ni cyrus kahit labag man sa loob ko ang lahat ay magpaparaya nalang ako, may iba ng tungkulin na dapat gampanan si cyrus, sana maging masaya siya sa magiging pamilya niya.

Hindi ko pa rin siya makakalimutan nandito pa rin siya sa puso ko... magiging maayos din ang lahat... magpapahinga muna ako sa ngayon.

Nang makarating ako sa bahay ay may nakita akong naglalaro ng chinese garter sa tapat ng bahay namin, at... at... nakita kong tumatalon doon si mica! WTF!.

Nanlaki naman ang mata ko, diba may sakit siya? Jusko!

Lalakad na sana ako ng may maalala ako.

Ay wait... sabi ni mama na operahan na siya... so... magaling na siya?... magaling na si mica?! Jusko!... salamat talaga sa tulong ni cyrus hinding hindi ko makakalimutan yun.

Dali dali akong bumaba sa hagdan na bato para makapunta sa bahay.

"Mica!" Tawag ko kay mica kaya naman napahinto ito sa pagtatalon at ng makita niya aki ay mabilis siyang tukbo palapit sa akin at dinambahan ako ng yakap.

"ATE!!!" Masayang ani niya, pinantayan ko naman siya at hinawakan sa magkabilang braso.

"Magaling na ang mica-cay ko" ngiti kong sabi sakaniya.

"Naoperahan na ako ate kaya magaling na ako, nakakapaglaro na nga po ako ehh" ngiting wika niya.

"Mabuti naman ay magaling kana.. masaya akong nakikitang naglalaro kase ang mga kalaro mo" ani ko

"Kaya nagpapasalamat po ako sa boyfriend mo kase sabi ni mama ay siya daw ang nagpaopera sa akin" ngiting ani niya, nginitian ko lang siya.

Nararamdaman ko yung pangingilid ng luha ko, kapag naaalala ko yung kanina parang dinudurog ng pirapiraso ang puso ko... sobrang sakit.

"Ate ok ka lang?" Alalang wika ni mica kaya naman nabalik ako sa reyalidad.

"Wag ka pong umiyak ate" wika niya

"Haysss ano kaba masaya lang si ate kase magaling kana" ngiting wika ko "Nasan nga pala sila papa at mama?" Tanong ko sakaniya

"Nasa loob sila ate nagluluto ng ulam" sagot niya "Ate, bat nga pala meron kang dalang mga bag, umalis kana ba sa trabaho mo? At bakit hindi mo kasama yung boyfriend mo?" Pagtatanong niya.

"Umalis na ako sa trabaho ko, dito na ulit ako titira namimiss ko na kase kayo ehh" ngiting wika ko sakaniya, hindi muna dapat nilang malaman ang totoo.

"Mica halika na!" Tawag sakaniya ng isa niyang kalaro.

"Sige ate lalaro lang kami" paalam niya.

"Oh sige basta wag masyadong tatakbo ha kakagaling mo lang" paalala ko tumango lang naman siya at pinuntahan na ang mga kalaro niya.

Magiging ok din ang lahat... hindi naman nawala ang tiwala ko kay cyrus... buong buo pa ang tiwala ko sakaniya hanggang ngayon... hindi ko alam kung madali lang bang mag move on... pero sa palagay ko hindi... dahil hanggang ngayon mahal na mahal ko parin siya.

Tumayo naman ako at para pumasok na sa aming munting tahanan.

WELCOME BACK HOME ELISE...

-To Be Continued

My Possessive and Obsessed Boss (Tagalog SPG) |COMPLETEDWhere stories live. Discover now