Synopsis

9.2K 158 6
                                    

Synopsis

Allyna Martinada is not your ordinary girl. She is a lady who hates the word commitment. She is the girl who has a hobby and a job that anyone could not even imagine.

Ang akala ng mga nakakakilala sa kanya ay isa lamang siyang simpleng blogger, but none of them knows what her real clients often called her—babaeng bayaran. But she is not the kind of woman who dances naked inside the club. Her customers are not the pervert guys who are unfaithful to their wives; her customers are usually the parents or the relatives of those married couples who got married under wrong circumstances.

Pinaniniwalaan niyang lahat ng subjects sa trabaho niyang ito, sa kasamaang palad, ay ikinasal nang hindi naman nararapat. She needs to believe it, all the time. Para patuloy niyang maatim ang trabahong ito—ang manira ng pamilya at buhay may-asawa. Kunsabagay ay wala na rin naman siyang konsensya, matagal nang nilamon ng kinalakhan niyang trabaho.

"You should never fall in love, Allyna."

The one and only rule for this job is to never commit her feelings or fall in love to any one of her subjects. Pero tila lahat ng bagay ay may hangganan...

Just like a cliff that usually leads you to fall so hard, nahulog si Allyna sa bangin na likha ng isa sa mga naging biktima niya. Si Gerard, the guy who taught her to love and be loved in return. And just when she thought that everything was real and perfect, bigla na lamang siyang nagising mula sa isang matinding bangungot.

Sabi nga nila, what goes around, comes back around.

Nalaman niyang pinaikot at binalak lang pala siyang gantihan ng kaisa-isang lalaking minahal niya nang totoo. Ang lalaking handa niyang pag-alayan ng lahat, kahit na ang pagbitaw sa kanyang nakaraan.

Magagawa pa ba ni Allyna na bumangon mula sa sariling burak?

Lalo na't may isang inosenteng anghel na madadamay sa katangahang nagawa niya para sa lalaki?

Marriage Wrecker #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon