"D'yan ka lang," biglang sabi ni Viggo at dare-daretsyong lakad papunta sa training ground, buti na lang talaga at laging walang araw at makulimlim sa emperyo na 'to kaya hindi alintana sa kaniya ang init.

"Excuse me sir," sagot niya sabay tango sa heneral at nakita ko ang pagkainis ng heneral sa abalang aming dinadala sa kaniya.

"Ano na naman ba? Pwede bang dalhin mo na lang ang alaga mo sa kwarto niya at wag nang palabasin? Sakit sa ulo 'yan! Wala pa kong tulog dahil sa inyong dalawa," reklamo niya agad kay Viggo at tinutukoy niya ang paghahanap nila sa 'kin kagabi.

"Ah ganun? Gusto mong patulugin kita habang buhay?" Tanong niya sa heneral na kinagulat ng lahat ng mga squire at knight na nag-eensayo sa training ground.

"Ha? Anong sabi mo?" Mayabang nitong tanong kay Viggo habang pinapatunog nito ang kaniyang kamao.

"Sabi ko kung gusto mong patulugin kita ng habang buhay?" Sagot ulit ni Viggo at napangisi ang heneral sabay udyok ng sapak kay Viggo ngunit agad niya itong naiwasan.

Agad naman kaming napasinghap at halata sa mukha ng mga nanonood ang takot dahl sa kilala si heneral Luna bilang walang awa at malupit na heneral.

"Aba't nakailag ka!" Hiyaw ng heneral ngunit hindi nasisindak ninto si Viggo.

"Teka, gusto ko lang magbigay ng kasunduan," sagot ni Viggo na lalong nagpagulo sa mukha ng heneral.

"Ano!" Hiyaw ninto at hinawakan lang ni Viggo ang kaniyang batok at nag-isip habang nakatingin sa malayo.

"Gusto ng master ko na matuto akong humawak ng espada, kaya pagnanalo ako hayaan mo kong gamitin ang training ground at ang mga gamit dito," sagot niya na nagpabigla sa 'kin.

"Hahahaha! Sige papayag ako dahil alam kong hinding-hindi ka na makakaapak pa sa lugar na 'to!" Hiyaw niya at muling sinugod si Viggo ng sundok na kinatatakot naman ng mga bisita ni Kesiha dahil sa gulat.

Ilang beses niyang sinalubong si Viggo ng suntok ngunit lahat iyon ay sunod-sunod niyang na iwasan.

"Wala ka na bang gagawin kung hindi umilag ha!" Sigaw ng heneral at bawat suntok niya naman kay Viggo ay siyang hiyawan ng mga knight na nakapaikot sa kanila at nanonood.

"Tapusin mo na 'yan heneral Luna!" Sigawan nila at pagbubunyi sa kanilang heneral samantalang ako rito sa kinatatayuan ko ay pawang nanginginig na sa kaba, halos hindi tumigil ang panlalamig ng mga palad ko sa takot at sa anong pwedeng mangyari kay Viggo.

Napatingin ako kay Keisha na ngayon ay tinatago ang ngiti niya sa pamaypay na hawak niya, nakatingin siya sa 'kin at kitang-kita ko ang pagtawa sa mga mata niya.

Napakagat ako sa aking daliri, ito siguro ang nais niyang mangyari, ang magalit ang heneral sa 'min at magkabuo kami ng kaguluhan na maaaring makarating sa Duke.

Ang tanga ko rin kasi! Bakit ako nagpadala sa galit at talagang hinamon pa siya, saka ko lang na realize na pwede itong pagmulan ng gulo.

"Viggo tama na 'yan!" Sigaw ko sa kaniya ngunit dahil sa lahat ng sigawan sa paligid nila ay parang wala siyang naririnig.

"Pag-ilag na lang ba ang kaya mo!" Sabi ng heneral sabay suntok sa mukha ni Viggo na agad niyang sinangga ng kaniyang braso.

Blood Contract with her Royal VillainessWhere stories live. Discover now