"Siguro kasi naniniwala siya sa kwento ko dahil mas kilala kita kesa sa mga taong nagpapakalat ng mga usapan na iyon, saka kahit totoong sugarol ka noon ay hindi ka na nila nakikita sa mga casino ngayon na halos gabi-gabi mong pinupuntahan noon," sagot niya at parang ako naman itong nahiya sa mga pinaggagawa ni Kiera sa sarili niya noon.

"Pero nakakapagtaka lang talaga dahil kahit ganoon, parang kinakampihan ako ng emperor," sagot ko sa kaniya dahil hindi maitatanggi na umayon lahat ng plano ko dahil sa tulong ng emperor.

Hindi ko naman planado ang mabigyan ng duke nang malaking halaga na ngayon ay ginagamit ko na sa pagbili ng mga bagong damit at para na rin mabili si Viggo mamaya.

"Siguro pareho lang kami ng tingin at pagkilala sayo," sagot niya na nagbigay sa puso ko ng saya, patuloy kaming nagkwentuhan at asaran habang inihahatid kami ng karwahe pabalik sa royal palace at ako naman ay sa aming estate.

Nang makarating ako sa main mansion ay agad akong sinalubong ng Duchess na lagi niyang ginagawa, at katulad din nang aking nakasanayan ay agad akong bumeso sa kaniya.

"Kamusta ang pamimili ng mga damit kasama ang prinsesa, anak?" Tanong niya sa 'kin at hinubad ko naman ang puti kong gwantes at tinuro lahat ng mga pinamili ko na ngayon ay buhat-buhat na ng mga katulong paakyat sa aking silid.

"Naging masaya naman po, at bumili rin ako ng regalo para sa inyo," sagot ko na agad niyang kinatuwa, maliit na regalo para sa walang sawa niyang pag-aalaga sa 'kin.

Pumanhik kaming dalawa sa loob ng silid ko at isa-isang sinukat ang aking mga pinamiling damit, tuwang-tuwa lang ang Duchess habang pinapanood ang kaniyang anak na sukatin ang bawat pinamili nitong mga damit.

Mabilis na lumipas ang oras, hindi ko na mamalayan na papalapit na nang papalapit ang pagkikita namin ng bidang lalaki sa storya.

Medyo kabado ako aaminin ko, ngayon na hawak ko na ang halagang kailangan ko ay ngayon naman ako tinamaan ng takot, kinakabahan kasi ako na baka imbes na mapalayo ako sa kamatayan ko ay lalo itong mapalapit sa 'kin kung bibilhin ko si Viggo, ngunit kung hindi naman ako ang unang makakabili sa kaniya ay mas malaki ang prusyentong mamamatay ako sa kamay niya.

"Idagdag pa sa problema ko ay kung saan ko siya itatago pagtapos ko siyang bilhin, hindi ko naman pwedeng sabihin na may kinupkop akong alipin, tapos hindi pa nila pwedeng malaman na bampira ito," pagkausap ko sa aking sarili habang pabalik-balik sa harapan nang malaking orasan sa aking harapan.

Kagat-kagat ko ang aking daliri habang nag-iisip ng maaring gawin, ngunit bago pa ko makaisip ng paraan ay nagulat ako sa pagtunong ng orasan sa aking harapan.

Alas dose na ng madaling araw, ito na ang oras na iniintay ko para makapuslit sa loob ng mansion, agad kong sinuot ang aking biniling salakot (coat) at marahan na pinihit ang seredula ng pinto, agad kong nilingon bawat gilid ng pasilyo at nakitang wala itong katao-tao, tahimik ang paligid at halatang nagpapahinga na bawat tao sa loob ng mansion.

Maingat at dahan-dahan akong pumanhik pababa ng hagdan saka nagtungo sa likod ng mansion kung saan madalas tulog ang bantay.

Nakakawindang, halos solong-solo ng memorya ko ang bawat hakbang na aking gagawin sa pagtakas, para bang araw-araw nga itong ginagawa ni Keira noon.

Nang makalabas ako sa likod ng mansion ay agad akong nagtungo sa paradahan ng karwahe, doon nakita ko ang isang lalaki na may sigarilyo sa kaniyang bibig habang nakatakip ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang sumblero. Nakasandal ito sa karwahe na tila ba may iniintay, at kung tama ang mga natatandaan ko gamit ang memorya ni Kiera, ito si Mang Solomon, ang kutsero na katandem niya sa pagtakas.

Blood Contract with her Royal VillainessWhere stories live. Discover now