"Krista tama ba?" Tanong ko sa kaniya at agad naman siyang tumango.

"Yes my lady," saad niya at napahalukipkip na naman ako, "may alam ka bang desenteng ayos sa buhok? 'Yung magugustuhan ng lahat?" Tanong ko sa kaniya at agad naman siyang umiling.

"Mga gawaing bahay lang po ang kaya kong gawin my lady, ngunit kung naghahanap po kayo ng mag-aayos sa inyo ay nakahanda na po ang lahat sa loob ng inyong silid, 'yung damit na lang po na hihiramin niyo kay lady Keisha ang kulang," sagot niya sa 'kin na kinagulat ko.

"Totoo ba? Pinadala ba ng Duke?" Tanong ko sa kaniya at agad naman siyang siyang umango.

"Yes my lady, nakahanda na po ang lahat sa inyong silid, nakapili na po ba kayo ng damit na ipapahiram ni kady Keisha?" Tanong niya at agad akong umiling.

"Ayaw ako pahiramin ng bruh— ay ayaw niya kong pahiramin eh, hayaan mo na gagawan ko na lang ng paraan," sagot ko sa kaniya at kahit na mukha siyang nag-aalala ay tumango na lang siya sa 'kin at ako naman ay dumaretsyo na sa aking silid.

Katulad ng sabi ni Krista, nakahanda na lahat ng aking mga gagamitin sa pag-aayos ng aking mukha at pati na rin ang mga alahas. Damit na lang talaga ang kulang ngunit dahil sa pagtataray ni Keisha sa 'kin ay parang may namumuong plano na naman sa utak ko.

Napangisi ako at tumingin sa mga katulong na nasa aking harapan, halatang kinilabutan sila sa mga ngiting iyon na aking kinatawa.

"Mas magiging maganda ang mangyayari hehehe," bulong ko sa sarili ko habang isa-isa na silang napapalunok sa takot.

Rinig sa loob ng Romulus Estate ang ingay nang pagmamartya ng mga royal guards na kasama ng emperor para sa pagdalaw nila.

Kabado na ang lahat ngunit hindi nila ito pinapahalata para na rin sa pagiging profession nila sa trabaho, maraming butler at maids ang nakapila sa labas para salubungin ang emperor at prinsesa ng Lumire Empire, at sa dulo ng pila na iyon ay nakatayo kaming mag-anak at iniintay sila.

Pero itong tatay at nanay ko ay hindi mapakali dahil sa ginawa ko, halos hindi na alam ng Duke ang gagawin niya dahil sa itsura ko.

"Kiera Deidamia, bakit ganiyan ang suot mo? Halatang sobrang luma na at kupas na kupas ang tela ng damit na iyan," pigil na pigil na sermon sa 'kin ng Duke habang nakatayo pa rin kami at iniintay ang pagpasok ng karwahe sa main mansion.

Hindi mawala ang kaba sa mukha niya pero hindi niya naman ito pwedeng ipahalata lalo na't palapit na nang palapit ang karwahe sa aming harapan.

"Patawad po your grace, ngunit hindi po kasi ako pinahiram ni Keisha ng damit," sagot ko at nagkunwari pang naluluha dahil sa kahihiyan habang nakatingin kay Keisha na namumutla na sa kaba.

"Keisha, ano bang iniisip mong bata ka? Bakit hindi mo pinahiram ang kapatid mo ng damit ha? Darating na ang emperor tapos ganito ang ayos ng kapatid mo na kaniyang sinadya para bisitahin rito?" Tanong ng Duke at halatang galit na galit ito sa paborito niyang anak na medyo kinatuwa ko.

Maldita na kung maldita pero nararapat lang sa kaniya ang mapagalitan ng Duke.

"All hail for the emperor and princess!" Sigaw ng isang lalaking nakayuniporme na puti, isang tanda na isa siyang royal guard.

Blood Contract with her Royal VillainessWhere stories live. Discover now