♕CHAPTER 5♕

Depuis le début
                                    

Agad siyang kinoronahan sa harap ng lahat katulad ng inaasahan ko, bahagya siyang lumuhod sa harap ng emperor at pinatungan naman siya nito ng tiara na tanda sa pagiging prinsesa niya.

"Diana Athena Eckheart, ay kinokoronahan bilang nag-iisang prinsesa ng Lumire Empire," anunsyo ng emperor at malakas akong pumalakpak na sinundan ng iba pang tao sa loob ng kasiyahan.

Kitang-kita ko ang kaba na bumabalot sa itsura ng mga taong nangapak kay Diana habang nag-aaral siya sa academy na 'to. Siguro kung hindi ko inalis sa kahihiyan kanina si Diana ay paniguradong malalagot lahat ng mga istudyanteng nanlait sa kaniya ngayon.

Habang suot-suot ni Diana ang gintong tiara na may mga dyamanteng kulay asul na siyang tanda ng royal family ay masaya naman akong pumapalakpak sa kinatatayuan ko bilang side character sa kwentong ito.

Hindi ko mapigilan ang saya ko dahil hindi rin naman pumasok sa isipan ko na masasaksihan ko ang isang importanteng kaganapan sa loob ng history ng empire na 'to.

Pagtapos ng ilang pag-aanunsyo at mga salitang binigay sa'min ng emperor para sa pagtatapos namin ay bumalik na rin kami sa kasiyahan at masayang bumaba naman si Diana sa entablado kasama ang emperor.

Kita kong naglalakad sila papalapit sa 'kin at nang magtama ang tingin namin ng emperor ay agad akong yumuko at nagbigay galang sa kaniya.

"I greet the emperor, the shinning sun of the empire," pagbati ko at pinakita ang pinaka magalang kong postura sa harap niya.

"Greetings my lady, nais ko lang magpasalamat sa lahat ng ginawa mo sa aking apo mula simula hanggang ngayon, nakita ko rin ang matapang mong pagsalba sa kaniya kanina," bulong niya sa mga huling salita na sinabi niya sabay ngiti sa harap ko.

Nahiya naman ako at mabilis na umiling. "Karangalan ko pong maging kaibigan si Diana your majesty," sagot ko at ngumiti siya. "Kahit na commoner ang tingin ng iba sa anak apo ko ay kinaibigan mo pa rin siya lady Kiera, hindi ko alam kung pano kita masusuklian sa kabaitan mo," sabi niya at napatawa na lang ako.

"Hindi na po kailangan, kaibigan ko po si Diana at iyon naman po ang normal na ginagawa ng magkaibigan hindi po ba?" Tanong ko pero sa kaloob-looban ko ay tuwang-tuwa na ko dahil nakuha ko na ang loob ng emperor, huwag ko na lang siya gagalitin at baka mapaaga pa ang pagkamatay ko.

"Nais ko sana bisitahin ang Romulus Estate bukas o sa mga susunod na araw, nais kong ibahagi mo ito sa iyong ama," sabi ng emperor at nagkatinginan lang kami ni Diana, alam kong alam niya na hindi kami ayos ng aking ama ngunit hindi ba't isa na itong oportunidad para mabago ko ang pananaw ni Duke Roman sa anak niyang si Kiera.

"Masusunod your majesty," maikli kong sagot at tumingin naman siya kay Diana.

"Kung ganoon, nais kong magsaya na kayo sa gabing ito, patuloy sanang tumibay ang pagkakaibigan niyo ni Diana," sabi niya at sabay kaming yumuko sa kaniyang harapan upang magbigay galang sa kaniyang pag-alis sa aming harapan.

Nang makalayo ang emperor ay nagkatinginan na naman kami ni Diana at parang gusto niyang sumigaw at maglabas ng saya sa 'king harapan at ganoon din ako sa kaniya. Kaya agad kaming pumunta sa terrace ng banquet hall at doon naglabas ng mga nais naming sabihin sa isa't isa.

"Omg! Prinsesa ka na talaga," sabi ko sa kaniya at tinignan maige ang suot niyang tiara na sobrang daming dyamante na kasing kulay ng mata niya.

Blood Contract with her Royal VillainessOù les histoires vivent. Découvrez maintenant