"Ganoon ba, hayaan mo sasabihin ko sa Duke na bigyan ka ng personal maid katulad ng kay Keisha," sagot niya at napangiti na lang ako, kumaway kami sa kaniya nang magsimula ng umandar ang karwahe.

Sinilip ko sa bintana ang Duchess at kumaway rin dito, bumalik ako sa pagkakaayos ko ng upo at sabay kaming huminga nang malalim ni Diana.

Nagkatinginan kami at sabay na natawa. Mukhang hindi lang ako ang kinakabahan sa gagawing graduation ball sa gabing ito.

"Kaya na'tin 'to Diana!" Saad ko sa kaniya at tumango rin siya sa'kin.

Habang nasa byahe ay pilit kong kinakalma ang sarili ko habang nag-iisip ng planong gagawin ko para mamaya.

Sa pagkakaalam ko ayon sa libro ay mapapahiya si Diana dahil sa mga kaklase niya at iba pang anak ng mga aristocrats na nasa loob ng kasiyahan.

Nakalimutan ko ang mismong eksena o pano nagsimula ang pagpapahiya nila kay Diana, ang alam ko lang ay matatapunan niya ng inumin ang isang mamahaling damit na suot ng isang anak ng Marquess.

Dahil doon ay mamatahin na siya ng mga tao at bubuhusan din ng alak sa mismong ulo niya, isang dahilan para lalong maging panget ang gabi niya.

Tanda ko rin na pinagtatawanan din siya ni Kiera patalikod at pasimpleng nag-uutos sa mga kaklase nila para alipustahin pa siya.

Kinoronahan siya nang basa ang kaniyang damit, tinawag siya sa entablado na ganoon ang itsura niya dahil huli na ang emperor para pigilan ang ginagawang pang-aalipusta sa kaniyang apo at ipagtanggol ito.

Dahil doon nagalit nang todo ang emperor at pinakulong lahat ng umalipusta sa kaniyang apo sa loob ng tatlong buwan.

Buti na lang hindi nadamay si Kiera doon dahil pinagtakpan pa rin siya ni Diana at ginawa naman itong daan ni Kiera para lalo gamitin ang kabaitan ng kaibigan niya.

Pero dahil ako na si Kiera ngayon ay hindi ko hahayaan mangyari ang bagay na 'yun, ako ang magtatanggol kay Diana para makita ng emperor na kakampi ako ng apo niya.

Isang hakbang paurong sa kamatayan ni Kiera ang makaiwas sa mainit na mata ng emeperor kaya naman dapat makuha ko ang tiwala nilang mag-lolo.

"Lady Kiera, malapit na tayo sa banquet hall," sabi ni Diana at napasilip din ako sa labas ng bintana at nakita kung gano kalawak ang malaking hardin ng academy na puno ng mga pulang bulaklak at mga karwahe na gamit ng iba pang mayayaman na istudyante.

Nanlamig ang mga palad ko nang tamaan ako ng katotoohanan na ito na talaga ang kinalalagyan ko, na hindi na 'to isang panaginip dahil andito talaga ako sa unang building ng lumang academy na sa panahon ko ay isa nang museo.

"Lady Kiera, tignan mo si sir Grimm," bulong ni Diana sa'kin at napasunod naman ako ng tingin sa direksyon kung saan tanaw namin ang isang lalaking may katangkaran, brown ang buhok ninto at tan naman ang kulay ng balat. Kitang-kita ko kung gano kaganda ang mga mata niyang kulay light brown na gabay sa makapal niyang kilay.

Parang nag skip saglit ang puso ko nang makita ko kung pano siya ngumiti sa kaniyang kausap.

Siya si sir Grimm Herveaux, isang Royal Knight at naging Heneral nang ihalal siya sa posisyon ni Empress Diana noong taong 1650. Ayon sa libro ay may pagtingin siya kay Diana at bago pa man makilala ni Diana si Viggo o 'yung bampirang papatay sa'kin ay si sir Grimm ang kaniyang hinahangaan.

Blood Contract with her Royal VillainessWhere stories live. Discover now