EXCERPT

1.7K 50 8
                                    

Panay ang tulo ng kanyang mga luha habang tinitingnan ang pakikipaglandian nito kay Yassy. He's flirting another woman again. Hindi na ito ang kasayaw ng binata sa isang erotic dance video. The woman is her batchmate in DMU kung saan siya nagtapos ng college. Ito ang crush ng campus nila noon. They are kissing, hugging and dancing each other. Subrang sakit ng dibdib niya. Pakiramdam niya nahati na ito sa dalawa. Lage na lamang ganito. Hanggang kailan ba siya magsasakrapisyo? Masasaktan?

Lasing na din si Liam. Ganito ang lalaking ito kapag nalalasing. Naghahanap ng babaeng malalandi. Ilang beses na niyang nahuhuli ito. Ano pa ba? For two years, may sampong beses o higit pa, maliban sa mga kaibigan niyang nakakita at mga chismis. Ang mga hindi niya nahuhuling moment na nakikipaghalikan ito sa iba't-ibang babae. Mga stolen shots na nakapost sa timeline at tagging ng mga friends nila. Nakakapagod na itong pagpapakamartyr niya.

Pinahid niya ang luha. Ilang beses na siyang nakipagsabunutan sa mga babae nito. Ilang beses na siyang nakipag-away dahil sa kasintahan. Ilang beses na din niyang nilunok yong pride para lang dito. Ilang beses na din siyang binungangaan ng mga kaibigan na hiwalayan na ito. Ilang beses na siyang tinawag na Tanga. Tiniis niya ang lahat ng yon dahil mahal na mahal niya ito. Pakiramdam niya, kahit anong gawin niya ay hindi parin sapat. Ano pa ba ang kulang?

Mabilis ng mga hakbang niya patungo sa kinaroroonan ng mga ito.

"Oh hi, Lev!" Bati sa isa sa mga kaibigan ni Dean, nakangisi pa ito, halatang na-eexcite sa gagawin na naman niyang pagpapahiya kay Dean o sa babae nito.

Alam ng mga group of friends nito na gago ang kaibigan nila at ilang beses na din siyang pinuprotektahan ng mga ito, pinayuhan na layuan at hiwalayan na lang ang kaibigan nila dahil hindi daw talaga ito magbabago. And yes, they are right. Hindi nga talaga magbabago ang mga taong manloloko hanggang sa mamamatay na lamang sila, just like Dean.

Hindi siya umimik at inagaw ang basong hawak ni Clay na punong-puno pa ng beer. Hindi ito nakakibo sa ginawa niya at walang babalang ibinuhos niya ito sa naglalandiang Dean at Yassy.

"Ah! My God!" Sigaw ni Yassy na halatang nagulat. Basang basa ang mukha nito na parang sisiw. Tinaasan niya ito ng kilay. Hinila si Yassy sa isa sa mga kaibigan ni Dean. Alam ng mga ito na walang nananalong babae sa kanya pagdating sa pakikipagsabunutan at suntukan.

Nagulat din din si Dean sa ginawa niya pero tila sanay na ito sa eksena dahil lage naman talagang ganito ang nangyayari—na nahuhuli niyang nakikipaglampungan ito sa ibang babae at humahantong sa away. Then, next few days they are okay once again. This is the cycle of their toxic relationship and she needed to break it. Nagpapanic itong binalingan siya upang magbigay na naman ng sorry at excuses. Just like the old Dean, same old same.

"Babe? Oh God.. Where have you been? Akala ko nasa Cebu ka—"

Isang napakalakas na sampal ang sinalubong niya dito. Hindi pa siya nakuntento at sinampal na naman niya ito sa kabilang pisngi. Inulit niyang muli dahil talagang hindi sapat ang mag-asawang sampal sa kapal ng mukha nito. Inulit niya ito ng inulit hanggang sa magsawa siya at mawala ang kalasingan ng gagong ito. Napapa-Ohh nalang ang nakakita at mga kaibigan nito. Halatang na-eenjoy nito ang bawat lagapak ng palad niya sa magkabilang pisngi nito. Natatawa pa ang mga kaibigan nito sa nasaksihan. Somehow, he deserves it.

"Ito isa pa." Ang pansampong sampal niya sa kasintahan.

Wala na siyang pakialam kung mgaviral itong ginawa niya, tutal sanay naman siya. Minsang tinatag na siya sa social media na dakilang tanga, which is true. It seems that all the nosy people here are taking video.

Bakit ba niya minahal ang lalaking ito? Walang bayag. Wala na din ang mga luha sa mga mata niya. Kusa ng sumuko ang luha. Sumeryoso ang mukha nito. Ngayon lang naman niya nasampal ito na hindi umiiyak o humahagulhol. Ngayon lang din niya nasampal ito ng sampung beses. Isa o dalawang sampalan lang ay natatapos na at walk-out agad ang drama niya. Pulang-pula ang dalawang pisngi nito. Nagising din ang kalasingan nito.

"I'm so tired of loving you Dean. Yes I am." Walang kapiyok-piyok niyang sabi. Walang luha at seryusong-seryuso. Dean is just staring at him. Nakaawang ang bibig nito pero hindi magawang makapagsalita.

Mabigat siyang humugot ng hangin at tiningnan ito ng maigi. "And I realized, na ang laki kong tanga na paulit-ulit mo akong sinasaktan at ginagago ng ganito. You don't deserve me. From now on, you won't see me again. Ipagpatuloy mo lang ang kasiyahan mo hanggang sa magtanda at magsawa ka." Pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. She's too tired to cry for nothing. Namanhid na siya sa paulit-ulit na sakit na dinadanas nito. And now she's done.

"Babe..." He was trying to reach her hand pero mabilis niyang iwinaksi ito.

"Now I'm giving you a freedom. Ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo. Enjoy your singlehood. Goodbye." Malamig niyang tugon sa mga mata nito na tila napahiya sa ginawa niyang paglayo nito.

Nawala din ang ngiti nito. He wasn't expecting this.

Pagkatapos niyang bitiwan ang mga katagang iyon ay iniwan niya itong natigilan. Wala din naman itong sinasabi sa tuwing nagagalit na siya. Nagsasalita lamang ito kung sinusuyo na siya. Nagsosorry pero hindi naman nangangako na pakakasalan siya o mamahalin hanggang sa pagtanda.

Just sorry and courting her again dahil sex lang naman ang habol nito. Palagi namang on and off ang relasyon nila kaya siguro nasanay na itong ulit-ulitin ang paglalandi sa iba't-ibang babae.

Pinilit niya ang sarili na layuan ito noon. Pero lage siyang natutunton kahit siya magpunta. Tatlong beses na siya nitong sinundan sa Davao, Palawan at Surigao. Malakas din kasi ang connection ng ex-boyfriend niya. Kasalanan din niya kasi pusong mamon ang pinapairal niya.

But not this time.

At may kilala siyang taong malalapitan na kahit anong hanap nito sa kanya ay hindi siya matatagpuan.

"Goodbye Dean Liam. Malayang-malaya ka na. At malaya na din ako sa mga sakit at pinaparamdam mo... Thanks for the love and memories." Marahas niyang pinahid ang luha sa mukha habang naglalakad sa masalimoot na lugar kung saan nahuli niya itong nakipaglampungan.

For the nth time, she gave up.

😘.

😘

The Playboy's Love AffairWhere stories live. Discover now