Chapter Five

12.7K 363 16
                                    

ALAS-ONSE na ay wala pa ang kapalitan ni Scotch na si Cognac. Isang linggo na rin na hindi niya napapansin si Khalee na umiinom sa bar. Kahit hindi siya on-duty ay namo-monator parin niya ang mga kostumer na pumapasok araw-araw sa bar dahil naka-log ang mga pangalan ng mga ito sa guard.

Naisip niya tuloy na baka naglaylo ang dalaga dahil sa mga sinabi niya noong huli niya itong ihatid sa bahay nito. Pero bakit bigla ata niya itong namimis? Gusto niya itong makita.

Pakiramdam niya’y walang buhay ang araw niya kapag hindi nararamdaman ang presensiya ng babae. Minsan naman ay naiisip niya na baka lumipat na sa ibang bar si Khalee.

Nang dumating na si Cognac ay agad siyang nag-asikaso. Maaga pa ang flight nila ng ninong niya bukas papuntang Davao.

Sakay ng kanyang motor siklo ay tinatahak niya ang daan patungo sa bahay ni Khalee? Ewan niya basta’t natagpuan na lamang niya ang kanyang sarili na naroroon na sa harap ng bahay ng dalaga.

Nakapatay na ang ilaw sa loob ng kabahayan. Imposible naman na natutulog na ang dalaga. Pinakiramdaman niya ang paligid habang nakasandal siya sa motor siklo. Mayamaya’y may narinig siyang yabag buhat sa likuran niya.

“James?”

Napakislot siya nang maulinigan ang pamilyar na tinig na iyon ng babae sa gawing likuran niya. Awtomatiko’y pumihit siya sa likuran at namataan niya si Khalee na maiksing maong pants at maluwag na t-shirt na puti lamang ang suot. Tsenilas lamang ang sapin nito sa paa.

At himala, hindi ito lasing. Maaliwalas ang mukha nito.

Hindi siya nakaimik nang lapitan siya nito. Mahinhin ang kilos nito at magaan ang ngiti.

“Napasagsag ka ata? Namimis mo ba ako?” simpatikang tanong nito.

Hindi siya kaagad nakaimik. Naglalakbay ang paningin niya sa kabuoan nito, lalo na sa dibdib nito na naaaninaw niya ang itim na bra nito.

“Ah, napadaan lang,” nasabi na lamang niya. Huling-huli na siya nito kaya bakit pa siya magkakaila na sinadya talaga niyang puntahan ito.

“Baka gusto mo munang pumasok,” kapagkuwa’y saad nito.

“Hindi na,” mariing tanggi niya.

Hinawakan nito ang kanang braso niya at hinihila siya nito papasok ng bahay. “Para kang others. Feel at home, dear,” anito.

“Anong gusto mong inumin?” tanong nito nang makaupo na sila na magkaharap sa sofa sa salas.

“No, thanks,” aniya.

“Men, parang ibang tao ka ngayon. Gusto mo ng juice? Coffee, tea, wine, beer, please…” anito.

“Tubig nalang,” nakangiting sabi niya.

“Okay.” Kapagkuwa’y tumayo ito at nagtungo sa kusina.

Pagbalik nito’y may dala na itong baso na may malamig na tubig. Iniabot nito iyon sa kanya.

“Siguro nagtataka ka bakit hindi na ako pumupunta sa bar ninyo,” mamaya’y wika nito.

“Bakit nga ba?” tanong naman niya.

“Nakakapagod din kasi. At—”

Mariing tumitig ito sa kanya. Sinagupa niya ang mga titig nito. “What?” aniya.

“I was disappointed. Tama naman ang mga sinabi mo noong nakaraan. Gusto ko lang maka-move-on kaagad kaya naisip ko na mainam na paraan ang paglalasing. Hindi pala,” seryosong wika nito.

Bumungisngis siya. “Napagdaanan ko na rin iyan,” aniya.

“Ang alin?” kunot-noong tanong nito.

Bartenders Series 6 Scotch (Completed) EditingWhere stories live. Discover now