Teaser

28.3K 469 1
                                    

HALOS gumuho ang mundo ni Khalee Santiago nang mabatid na matagal na pala siyang pinagtataksilan ng live-in partner niya na si Anton. Ibinigay niya ang lahat sa lalaki, tinalikuran niya ang pamilya niya at ang marangya niyang buhay para lang makasama ito.

Ang sakit na naramdaman niya ay nag-udyok sa kanya upang malulong sa bisyo. Walang gabi na hindi siya naglalasing. Ngunit nang mapadpad siya sa Gentlemen’s Bar ay tila isang guwapong anghel ang natagpuan niya na nagtitimpla ng inumin niya gabi-gabi—Si Scotch James Miller—isang mistiso Mexicano na pinagpala ng ka-guwapuhan at ka-sexy-an. Ngunit isa rin pala itong anghel na may sungay at tulad ni Anton ay uhaw din ito sa babae.

Ngunit habang lumalaon ay may natuklasan siyang naiibang katangian sa lalaki. Hindi naman pala ito abusado. Namalayan na lamang niya ang kanyang sarili na nahuhulog na ang loob kay Scotch.

Pero bakit bigla ata siyang nagdududa? Pakiwari niya’y may iba pa itong pakay sa kanya kaya ito biglang nagtapat ng pag-ibig sa kanya.

Bartenders Series 6 Scotch (Completed) EditingWhere stories live. Discover now