Nakatingin lang ako sa kaniya at hindi alam ang isasagot.

"Gusto kitang lapitan pero nakikita kong masaya ka kay Kenzo. I am not that dumb na gulohin ang relasyon niyo kahit alam kong masaya ka sa kaniya." Pilit itong ngumiti. "That is why I want to fight this time, Yna. Gusto kong subukan kahit walang kasiguraduhan."

"I don't know what to say." I replied and awkwardly laughed.

Hindi ko inakalang ganiyan ang nararamdaman niya. Hindi ko siya napapansin nong college kami. Masyado akong naka-focus kay Kenzo noon.

Biglang dumating ang order namin kaya nagsimula na kaming kumain. Masarap ang pagkain na inorder ni Nathan. Tama lang ang pagkakatimpla ng mga ito.

Napansin ko sa sulok ng mata ko na tumingin siya sakin. "How's the food?" He asked.

I smiled at akmang sasagot nang biglang tumunog ang chime ng pintoan hudyat na may customer na dumating. Ang posisyon ko ay nasa harapan ng pintoan kaya malaya kong nakikita kung sino ito.

Kumabog ang dibdib ko at may kirot akong naramdaman nang makita si Kenzo na papasok habang nakapulopot naman ang kamay ni Jessa sa braso niya.

What are they doing here? Bakit sila magkasama? Is this the reason why Kenzo was busy these past days?

Hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa kanila hanggang sa dumako ang tingin ni Kenzo sa gawi ko. Lumaki ang mata nito sa gulat at parang hindi alam ang gagawin. Napatingin siya kay Nathan at bigla nalang dumilim ang mukha nito.

Napansin ata ni Nathan na natigilan ako kaya napatingin din ito sa likoran niya.

"Yna..." Nag-aalalang banggit ni Nathan sa pangalan ko.

Tumingin ako sa kaniya at pilit na ngumiti. "I'm sorry. Ano nga ulit 'yung tanong mo, Nath?" Tanong ko at pilit na winaksi sa isipan sila Kenzo.

Hindi ako nito sinagot at sinuri lang ang mukha ko. Bumuntong hininga siya bago ngumiti. "Nothing. Gusto mo bang umalis na tayo?" Nathan suggested.

Umiling ako sa kaniya bago sumubo ng pagkain.

"Bakit naman tayo aalis?"

"Yna..."

"Nathan, I am fine."

Tumango ito sa'kin at ngumiti.

Hindi ko maiwasang lingonin sila Kenzo at halos mapatayo ako sa gulat nang makita sila na nakatayo sa gilid ng lamesa namin.

"Yna, ikaw pala 'yan." Maarteng bati ni Jessa bago dumako ang tingin kay Nathan. Bahagya itong napanganga ng masuri si Nathan. "May ibang kasama ka pala. You looked good together, right Kenzo?"

Napatingin ako kay Kenzo at nakita ko lang itong madilim ang mukhang nakatingin kay Nathan.

"They fucking don't." Kenzo answered in a cold tone.

Nathan smirked. "You as well looked good together." Nakangising ani Nathan habang nakatingin kay Kenzo, halatang inaasar.

Napansin ko ang pagkuyom ng kamao ni Kenzo kaya nagsalita na ako.

"As you can see, we're eating. If you're here to eat, please find another seat and let us eat our lunch."

Nadako ang tingin sa'kin ni Kenzo at tinitigan ako. Nakita ko sa mata nito ang sari-saring emosyon. Ako lang din ang unang umiwas ng tingin dahil hindi ko ito kayang matitigan ng matagal.

"Babe, let's go. Let's just find another restaurant, iyong walang disturbo." Jessa said then rolled her eyes.

Kami pa talaga ang disturbo? Luh. Kami nga ang nauna dito.

Hinila niya palayo si Kenzo at hindi man lang ito pumalag. Nakatingin lang ako sa papalayong likod nila bago sila tuloyang mawala sa paningin ko.

I suddenly heard Nathan's sigh. "You love him. You still do."

"Huh?"

Ngumiti ito sa'kin kahit nakikita ko ang sakit sa mga mata nito. "You still love Kenzo."

It's not a question. It's a statement from him.

Agaran akong umiling sa sinabi niya.

"I don't." Mabilis kong sagot.

Pilit itong tumawa sa naging sagot ko. "I hope so too, Yna."

Hindi ako makapagsalita at nakatingin lang sa kaniya. Kahit hindi niya sabihin, nakikita ko sa mata niyang nasasaktan siya.

"Nathan..." I uttered his name.

Ngumiti siya. "I'm fine, Yna. Don't mind me." 

Bumuntong hininga ako at sasagot na sana nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa at binasa ang text.

From Mom:
Hi, anak. How are you? Are you free after your work? Pumunta ka dito sa mansyon. We have something to confess.

Nangunot ang noo ko sa nabasa. My mom called me anak. It's the first time she called me that. Ano na naman kaya ang gusto nila?













Wanting Her BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon