Chapter 19

979 42 13
                                    

CHAPTER 19





"Yna, kanina ka pa tulala. Are you sure you're fine?"

Bigla akong napatingin kay Nathan na nagmamaneho sa tabi ko. Pauwi na kami sa bahay ngayon. Pag-alis ni Kenzo kanina ay siya rin namang pagdating ni Nathan.

"Ha?"

He sighed. "You're spacing out, Yna. Simula pagsundo ko sa'yo, parang wala ka na sa sarili."

"Ayos lang ako, Nath. Medyo napagod lang siguro sa trabaho." Pagdadahilan ko.

Sinuri ako nito. "Are you sure?"

"Yes, Nath. Thank you." Tumango ako.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Kenzo. Iniisip ko kung totoo ba talaga ang sinasabi niya. If that's the case, kailangan ko talagang ipakilala si Nathalia sa kaniya. Hindi ko naman ipinagkait si Lia kay Kenzo. Nag-aalala lang ako sa mararamdaman ng anak ko.

I sighed. I think, I don't have any choice. Kailangan kong kausapin si Lia mamaya sa mangyayari bukas.

Pagdating namin sa bahay ay unang lumabas si Nathan. Pinagbuksan ako nito kaya lumabas na rin ako.

"Gusto mo bang pumasok muna sa loob?" Tanong ko kay Nathan pagbaba.

Hinatid ako nito pauwi kaya naisip kong papasokin muna siya sa loob ng bahay at pakainin. Mahal pa naman ang gasolina.

Napasimangot ito. "Gustohin ko man ay hindi pwede, Yna. Tinawagan ako ni Daddy. Kailangan ako sa bahay before 7pm."

"Ganon ba? Dapat pala ay hindi mo nalang ako sinun---"

"I want to do it, Yna. Alam din naman ni Daddy na ikaw ang susundiin ko." Putol niya sa sasabihin ko.

Dahan-dahan akong tumango dito. "Uh, sige. Papasok na ako. Salamat ulit, Nathan."

"You're always welcome, Yna. Aalis din ako kapag nakapasok ka na."

I nodded my head before heading out at our gate. Pumasok na ako sa loob ng bahay at naabotan si Nanay Rica sa sala.

"Nay, asan po si Nathalia?" Tanong ko kay Nanay.

"Si Nathalia? Nasa kwarto niya, Yna. Naglalaro na naman siguro."

Tumango ako kay Nanay at ngumiti. Pumunta muna ako sa kwarto ko at nagbihis bago pumunta sa silid ni Nathalia.

Nakita ko si Lia sa sahig at nilalaro ang mga laroan niya pagdating ko. Naaawa ako kay Lia. She's playing alone. Minsan ko lang siya nasasamahan sa paglaro dahil sa trabaho. Si Nanay Rica naman ay madali nang napapagod kapag naglalaro sila ni Lia.

Napatingin ito sa'kin at ngumiti nang makita ako.

"Mommy..."

Lumapit ako dito at hinalikan ang noo niya. "Lia, I want to tell you something."

Kumunot ang noo nito at binitawan ang mga laroan niya. Kinarga ko siya at pinaupo sa binti ko.

"Lia, about your Dad. He wanted to see you."

Nakita ko ang lungkot at saya na dumaan sa mga mata niya sa sinabi ko.

"I want to see him too, Mom, but I am scared." Mabagal na sagot niya kaya hinawakan ko ang kamay nito.

"Don't be scared. Mommy is always here."

I gave her an insurance smile and she smiled back before hugging me. Niyakap ko ito at hinalikan ang tungki ng ulo niya.

"Forget what you saw on that day, Lia. Don't hate your Dad and be good to him." I added.

She slightly nod at humiwalay sa pagkakayakap. "Okay po. You told me to forget all the bad memories, and I'll do that, Mom." Ngumiti siya. "Besides, I want to start new memories with my Dad, Mom. A good and happy memories."

Wanting Her BackМесто, где живут истории. Откройте их для себя