"Iba talaga maging sikat noh." Sagot ko kay Xav, feel na feel ko talaga yung agwat namin. Hindi ko nga alam kung bakit nakikipag-kaibigan tong si Xav sa akin.

"Hindi naman kami sikat, baka lang humahanga sila dahil sa parangal na dala namin sa school tuwing nananalo kami sa basketball."

"Asus! Pa-humble effect pa ito. Pareho lang yan, marami kang tagahanga o sikat ka."

Hindi na pinansin ni Xav sinabi ko at ngumiti nalang.

"Hatid na kita sa room ninyo Ang." Nakangiting paalam ni Xav sa akin.

"Naku! Huwag na, malapit na rin naman yung room namin. Tsaka baka marami pang maghinala diyan ng kung ano-ano  at masabunutan pa ang beauty ko. Hahaha."

"Subukan lang nilang galawin ka, hinding-hindi ko sila patatawarin. Ikaw lang kaya yung bestfriend kong babae."

"Tsar naman may knight in shining armor na pala ako."

"Oo naman noh. Ako pa!"

Nakarating na kami sa room ko at nagpaalam na si Xav tsaka umalis.

Bestfriend.. Bestfriend hmmm...

Nakikinig ako ngayon sa guro namin. Filipino ang subject at Ibong Adarna ang topic namin.

Haay, boring talaga tong subject na ito. Pero kailangan kong makinig para makakuha ako ng mataas na marka sa Prelims next week.

Nagpatuloy pa ang babae naming guro sa pagkukwento hanggat sa nag ring ang bell.

"Okay class dismissed!"

Hindi ko alam kung bakit pero hindi talaga ako nakapagconcentrate sa second and third subject namin. Parati kong naiisip ang katagang sinabi sa akin ni Xavier kanina..

BESTFRIEND KONG BABAE... BESTFRIEND KONG BABAE... Aaaah! I need to concentrate. Concentrate Angel! Concentrate!

RECESS TIME

"Bes, so kamusta na kayo ng Prince Charming mo?" Nakangiting tanong ni Ann sa akin.

"Bes naman eh! Alam mo namang imposibleng magkagusto sa akin yun. Prinsipe kaya yun ng school natin samantalang isang hamak na froglet lang ako. Haha."

"Uy hindi kaya imposibleng magkagusto sa iyo yun bes, maganda ka, matalino, simple at higit sa lahat mabait."

"Nasasabi mo lang yan bes kasi nga BESTFRIEND KITA." Inemphasize ko talaga yung best friend sa sagot ko.

"Bes, kahit na hindi mo pa ako bestfriend  alam kong hindi pa rin imposibleng magkagusto sa iyo si Xavier."

"Earth calling to Bes! Imposible nga yun, mahirap lang din kaya ako noh. Wala namang mayamang nagkakagusto sa isang dukha. Siyempre ang bagay sa kanila mayaman din."

"Hay naku bes, napakanega mo talaga. Basta ba’t boto ako kay Xavier para sa iyo."

"Bes, hindi nga mangyayari yang gusto mo kasi nga." Yumuko ako.

"Bestfriend lang ang tingin ni Xavier sa akin."

"Sino namang may sabi nyan bes?" Sabay hawak sa baba ko para tingnan ang mga mata ko.

"Siya bes. Sabi niya ako lang daw ang bestfriend nyang babae." Tsaka pilit na ngumiti.

"Ah... Eh... Marami namang patutunguhan ang mag bestfriends ah, pwede namang mag level up yan." Halatang pinapagaan ni Ann ang pakiramdam ko.

Nasaan na ang Prince Charming ko?Where stories live. Discover now