Chapter 1

20.6K 471 135
                                    

"The question is, Kaya mo pa ba silang alagaan? Imagine, you have 34 unwanted children in your house. Are you out of your mind?".. Maarteng tanong ni Dia saakin.

"Lower your voice Dia, nasa coffee shop tayo. And correction, they're not an unwanted children. I like them a lot! I want them.".. I said at himigop sa kape na order ko. 

"Gusto mo ba ulit mangyare ang nangyare sayo last year?".. She asked, tukoy niya sa nangyareng hindi ko inaasahan. 

"Of course  not Dia. Sino ba namang Ina ang gustong umalis ang mga anak".. Sabi ko at tumingin sa labas para iwasan ang tingin na ipinupukol niya saakin. 

"Oh see, what if! Paano lang kung ang 34 na batang iyan, na pinapaaral mo sa magandang school ay bigla kang iiwan kapag nakapag tapos na sila? Minsan ang tanga mo din".. Napasimangot lang ako at kinuha ang kamay niya.

"Here we go again".. Bulong niya sa sarili niya. 

"Look Dia, this is what I want, I love them like my own children. And this new girl. Kakaiba siya. Kawawa naman kapag hindi ko siya babalikan diba?".. Nadaanan kasi namin ang batang babae na nasa kalye at kumakain ng tira sa basura. Hindi ko masikmura ang lahat ng nakikita ko.

"What if magpagawa ka nalang ng isang bahay, kung saan sila pwedeng tumira. Of course may mga public schools somewhere na pwede mo silang ilagay. You have your money. God you're a Billionnaire at pinagkakasya mo ang 34 na bata sa bahay mo. Unbelievable!".. Napasimangot ako at yumuko.  

"Malaki ang bahay ko, kasya sila doon kahit na maging 50 pa sila".. Pag mamatigas ko. 

"But , I like your idea, so hanap ka ng engineers, patayo ka ng bahay na may 20 rooms, I'll give you the money ikaw na bahala".. Sagot ko.

"What?!"..

"What?".. Tanong ko..

"Unbelievable!".. Sabi niya ulit at para namang sumuko na siya sa kakulitan ko.

"In one condition, para ibigay ko sayo ang gusto mo na bawasan ang mga bata sa bahay ko"..  Ngumiti ako..

"Spill"..

"Let me adopt that kid, then you can do whatever you want.. At matitira siya sa bahay ko para naman hindi ako mag isa diba?". Tanong ko..  

"Kahit naman anong gawin ko mapipigilan paba kita?"..

"And I want you to make it legal. Give her my last name".. Huling hirit ko at humigop ng kape..

"I want her to be my Legal adopted daughter"... 

"No way Rosalia Michelle. No way,".. Natawa lang ako sa pagbanggit niya sa full name ko. Sa ganyang style niya talagang seryuso na siya..

"Don't worry Dia, kung mamatay man ako ng maaga 50 percent ng maiiwanan ko, ay sayo.". I said. 

"I don't care about your money or whatever, but that beggar? Are you sure? You don't even know her and now, you want her to be your so called Daughter?"..  she's now frustrated. 

"I want to"..  Yan nalang ang nasagot ko.

"Bakit ba kasi hindi ka nalang maghanap ng boyfriend? Ng asawa? Ng lalaki? Magpaanak ka nalang, that way mas maniniwala pa ako at mas magiging kampante". Tumawa ako ng mahina.

"Alam mo ang sitwasyon ko Dia, alam mo ang pinagdaanan ko. Don't question it, just, let me have that kid."..  I asked. Hinawakan ko ang kamay niya  para naman mapapayag ko na ang Best friend ko. 

"Okay"..

"Really?".. excited kong tanong..

 
"In one condition"..

ROSALIA'S DAUGHTER (COMPLETED)  Kde žijí příběhy. Začni objevovat