CHAPTER 81 ヽ(=^・ω・^=)丿

Start from the beginning
                                    

"I smell some trouble. Who's that biycy anyway? Hindi niya ba kilala si Siberia? For real eh tayo ngang lahat eh kilala siya.." Hindi ko pinansin ang bulong bulungan nila. Pero basi sa naririnig ko ay kagaya ko ang babaeng ito. at alam kong hindi din siya basta basta pero one thing that I'm sure.. Mas mataas ang katungkulan ko sa palasyo kisa sa babaeng ito.

"Narinig mo naman siguro ang sinabi ni venjoe kanina diba? Narinig mo naman kung sino ang pinili niya? Akala ko ba malinaw na ang lahat sayo? Ibabalik ko lang ang sinabi mo ah. Gusto mo bang ipamukha ko sayo kong sino ang pinili niya? Gusto mo bang ulit ulitin kong sabihin na sa ating dalawa ay ako ang pinili niya? So.. Nanganga hulugan lang yun na sa ating dalawa eh ako ang may mas karapatan sa kanya. Hindi pa kayo officially break diba? Ah don't worry kapag maayos na or kapag okay na ang 'boyfriend' ko ay sasabihin ko sa kanyang hiwalayan ka niya. Don't worry bibigyan ko kayo ng space o oras para sa officially break up niyo." Pagka sabing pagkasabi ko nun ay inalis ko ang kamay niyang nakaalalay sa boyfriend ko.

Hindi ko naman intension na sabihin sa kanya yun napilitan lang ako dahil ayaw niyang tantanan ang boyfriend ko. Akala mo kung sino. Oh well anyway sh deserve my word kaya Sana matauhan na siya at huwag ng lapitan si venjoe dahil nag iinit lang ang ulo ko. Oh well sino ba naman ang natutuwa kung may umaaligid aligid na peste sa boyfriend mo. Duh.

"Break up was not on my vocabulary miss delo santos. Ito ang tatandaan mo. Ipasok mo sa kukute mo. Ang akin ay akin. Alam kong may nararamdaman pa saakin si venjoe kaya hindi ako Susuko o titigil sa kakasuyo sa kanya. Sige lang paasahin mo ang sarili mo sa kahibangan mo. Tandaan mo ako.. Ako lang ang mahal ni venjoe. At alam kong natatakpan lang ang pag mamahal niyang iyan ng galit. Kaawa awa ka.. Panakip butas ka lang niya. Tandaan mo ako lang ang mahal at girlfriend ni venjoe.. Lahat gagawin ko bumalik lang siya saakin. Kung kailangan kitang patayin mabaling lang ulit ang attention niya saakin ay gagawin ko. I won't hesitate to kill you for the sake of our love." Biglang nanlamig ang buong katawan ko dahil sa malamig niyang boses. Ramdam ko ang authoridad sa boses niya. Namalayan ko nalang na nawala na pala siya at akay akay niya si venjoe papuntang clinic.

Sino kaba siberia! I need to know you! Kailangan kong kilalanin kung sino ang magiging Kalaban ko. Hindi ako papayag na siya ang manalo sa larong inumpisahan ko. Mag tutuus tayo siberia. Sa ngayon pababayaan muna kita sa ginagawa mo pero sisiguraduhin ko kung sino kaman ay pababagsakin kita at ibabaon ng paulit ulit hanggang sa hindi kana makabangon pang muli.

**

Hay naku! Graveng effort ang ginawa ko makapag update lang. Basta ah sinabi kona na kapag bukas ay hindi ako makapag update nangangahulugan lang na sira na battery ko. Pinag titiisan ko na nga lang at hindi ko alam kung makakabili ba talaga ako ng new battery this Sunday.. Kaya hinihiling ko na sana malawak ang pag intindi niyo..

Hmm.. Enjoy & happy reading :)

**

Don't forget to vote, comment and follow! Dahil hindi ko i po post ang next chapter kapag wala ni isang Vote and comment! Pasensyahan nalang tayo mwuahhh😚

For more update just visit my Facebook page @tomenesakira

Thank you babies!

♥♥t o m e n e s a k i r a♥♥

This Man Stole My Heart (Season 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now