Yes thanks to your eyes

"Ano nga palang pangalan mo?"

Sasagot na sana ako ng magsalita tong isa ko pang katabi

"Why did you ask?"

Masungit na tanong ni Parker kaya bahagyang napalunok tong isa

"Kasi magkaklase tayo diba? Kaya dapat alam ko mga pangalan nyo"

Medyo nahihiya nyang sagot

"We've introduced ourselves earlier, so you should know my name"

I boredly answered

"Ay oo nga pala, kung hindi ako nagkakamali ikaw si Seraphina"

Sabi nya at nginitian ako

"Aden Connor Parker"

Biglaang sabat nitong katabi ko kaya naputol ang pagtitig sakin nitong si Lex, nginitian din naman niya tong isa pagkatapos magpakilala pero isang masamang tingin lang ang isinukli niya.

"Bakit nga pala kayo nadetention?"

"Cutting classes"

Sabi nitong isa

"Binuhusan kasi ako ng pintura and also cutting classes"

Sagot ko naman

"Pintura? Bakit ka naman binuhusan ng-- teka! Ikaw ba yung nasa hallway kaninang umaga? Yung binuhusan ni Riley ng pinturang kulay black?"

Detailed pa talaga

"Tsk"

"Natatawa nga ako kasi na-misinterpret niya yata yung welcoming prank na ginagawa ng mga old students. Ako na humihingi ng sorry para sa kaniya"

"You know Riley?"

Tanong nitong katabi ko

"Oo, isang taon na mula nung lumipat sya dito sa Kalopsia Lunette. Naging kaklase ko sya last year. Mukha syang maarte pero maarte naman talaga sya. Lagi syang kasama ni Ami, hindi ko nga alam kung mag bestfriend ba sila o ano kasi lagi nyang tinuturing na sunod-sunuran si Ami"

Ami?

"Ang totoo nga eh, isa sya sa mga sikat dito sa Kalopsia Lunette, oo puro sikat ang nag-aaral dito sa Kalopsia pero isa sya doon. Dahil anak sya ng sikat na CEO ng Greta Corporation, bukod doon ay magaling sya pagdating sa fence fighting at archery. At sinasabi rin nila na maganda sya-- na hindi ko naman mahanap kung saang banda-- pero no offense. Sya rin yung tinuturing nilang role model dito sa Kalopsia Lunette lalo na sa shs-- sa hindi ko malamang dahilan-- at ayun nga, ipinagmamalaki din sya ng Kalopsia Lunette bukod kay Austin Balme-roun pagdating sa Sports"

Hindi ko alam ang isasagot ko dahil sa mga narinig ko

Seriously? Ilang taon lang kaming hindi nagkita at ganito na ang maririnig kong tungkol sa kanya?

"Nga pala, ako naman nadetention ako kasi natulog ako sa klase, nakakapagtaka nga lang na tayo lang yung napunta dito sa detention. Sabagay okay na toh kesa naman masuspended tulad ng mga nanggulo kanina sa canteen kanina, biruin mo first day of school suspension agad"

The Pieces Of The Mafia's HeartWhere stories live. Discover now