Chapter 4

1.3K 40 13
                                    

Chapter 4: Weirdo Flamingo

--- ᕕ( ᐛ )ᕗ

Seraphina's POV

"Ang laki laki mo na hindi mo pa alam kung paano hanapin yung classroom mo! Baka gusto mong samahan na rin kita sa loob para hindi ka umiyak?"

Dahil sa sinabi ni Jazel ay agad ko syang binatukan

Humingi kasi ako ng tulong sa kanya para mahanap yung classroom ko pero parang nagkamali ako na sa kanya pa ako nagtanong

"Grabe ka naman mambatok! May galit ka ba sakin?!"

"If you only knew"

"Teka nasaan ba kasi si Kuya Aden? Diba dapat magkasama kayo? Sa kanya mo nalang kaya itanong! Hindi yung pati ako iistorbohin mo!"

"I just asked if you could help me find my classroom, ang dami mo na agad nasabi"

Tinignan naman nya ako habang naniningkit ang mga mata

"Wag mong sabihin tinakasan mo sya?!"

Gulat nyang tanong habang nakaturo sa akin na parang nang aakusa at may pahawak pa sya sa bibig effect

Ang sarap nya bigyan ng Oscar award, award sa pagiging OA

"Just give me the directions"

Sabi ko sa kanya pero hindi nya lang ako pinansin

"Isusumbong talaga kita kay Daddy"

Sagot nya naman habang nakahalukipkip ang mga braso habang umiiling dahilan para mapangiwi nalang ako

"Eh kung isumbong kaya kita sa kanya na ikaw yung naka-gasgas ng pinto ng McLaren niya?"

Bigla naman nyang inagaw yung hawak hawak kong papel kung saan nakalagay yung schedule ko para sa buong maghapon

"Sa third floor pa yung classroom mo, sa may pinaka-unang pinto na makikita mo roon pagkasakay mo ng elevator"

Mabilis nyang pagpapaliwanag

Seriously? May elevator dito?

"I'll get going baka may makakita pa sa atin, you know that hindi tayo pwede makitang magkasama--"

"Blah blah blah alam ko na kaya yan! Ilang beses sinabi sa akin yan ni Ate Grazel, nakakarindi nga eh"

"Sumbong kita kay ate Grazel dyan eh"

"Sumbungera"

Rinig ko pang bulong nya at nakita ko pa sa peripheral vision ko na nagmake face sya

Pero hindi ko nalang sya pinansin at nagpalinga linga ako kung may tao sa paligid pero mukang wala namang nakakita sa amin

Paalis na sana ako ng pinigilan nya ako

"Wag mo akong isusumbong kay Daddy ah, malay ko ba kasing pataas yung bukas nung pinto nun"

Sabi nya at nagpuppy eyes

"It's not my probkem"

Sagot ko at mabilis na lumayo sa kanya

"Ate naman eh!!"

The Pieces Of The Mafia's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon