Wake Up 12

36 9 4
                                    


"She's on the stable condition." Nakahinga kaming lahat sa balita ng doctor.

Pumasok kami sa kwarto kung nasaan si Rose. Mahimbing itong natutulog. Good to know.

It's already 11 pm na pala. Lahat kami ay may klase pa bukas. Hindi naman namin pwedeng iwan si Rose dito sa hospital.

"We will spend the night here? Kung okay lang sa inyo?" saad ko. Tumango naman silang lahat. Naiintindihan din pala nilang hindi namin dapat iwan si Rose.

"Bibili lang ako ng makakakain may 7/11 naman malapit lang," saad ni Thunder at lumabas na. Sumunod naman sa kaniya si Louis para sumama.

Naiwan kaming apat nina Elvin, Alice at Megan.

"Sana matapos na to!" saad ni Elvin. Tumango naman ako. Sana nga.

Kinuha ko muna ang phone ko sa bulsa ko para e text si Mama para mainform siya na hindi muna ako makakauwi. Alam ko namang makakaintindi iyon.

Ilang minuto pa ay bumalik na sina Thunder at Louis na may dalang mga pagkain. Pinagsaluhan namin iyon at 'yon na ang nagsilbing dinner namin.

"My Mom called me a while ago. Kailangan ko raw umuwi," pagbasag sa katahimikan ni Thunder.

"Ako rin biglang inatake sa highblood si Tita," saad ni Louis.

"You can go home guys. Kami nalang muna ang magbabantay dito." Tumango naman sila. Sumama narin si Elvin. Naiintindihan ko naman sila at medyo strict ang parents nila. Hindi kagaya namin ni Alice at Megan. Si Megan ay tanging nakatira na lamang sa Tita niya habang si Alice ay ganun din.

"I don't know what's the curse of going inside that hunted house!" Saad ni Alice.

"I don't know too," tugon ko.

"Hindi ako makapaniwalang nangyayari saatin ito. Hindi nato normal right? Namatayan na tayo ng dalawang kaibigan," dagdag ni Megan. Impossible namang aksidente lang lahat ng 'yon. Danica wouldn't do that, Yohanne's death is not an accident.

"Kailangan nating maging alisto!" saad ko. Tumango-tango naman sila.

"CR lang ako guys," paalam ni Alice. Lumabas na ito at naiwan kaming dalawa ni Megan. Napasandal ako sa couch at inaantok na talaga ako.

"You can rest Far. Ako na bahala rito." Tanging tango lang ang nasagot ko at pinikit na aking mata at kinakain na ako ng antok.

Nagising ako sa ingay ng paligid. Iminulat ko ang aking mata at nagulat sa mga nurse at doctor sa loob ng kwarto. Anong nangyayari?

Nirerevive nila si Rose. Tarantang-taranta ang mga doctor. Pati ako ay kinakabahan na at ano bang nangyayari. Akala ko ba'y stable na si Rose?

Hindi na ako nakialam pa at wala naman akong maitutulong. Pawis na pawis ako. Napapikit na lamang ako sa kaba hanggang sa narinig ko na lamang ang pagtunog ng bagay na nagpahinto ng mundo ko.

"Time of death 3:32 am." Namanhid ang katawan ko at napamulat habang nakatitig sa walang buhay na katawan ni Rose. Tinabunan na ito ng kumot.

"I'm sorry iha. We did our best. Hindi rin namin alam anong nangyari. Stable na siya kanina at bigla nalang nagreact ulit ang katawan niya kahit nakuha na ang lason sa katawan niya," the doctor explained. Bumuhos ang luha ko at hindi makapaniwala sa nangyayari.

Panaginip lang to diba? This is just a nightmare! Ilang beses kong kinurot ang mukha ko para mapaniwala ang sarili ko na panaginip lamang ang lahat ng ito. Nguni't nasa realidad ako.

Wake up Where stories live. Discover now