Wake Up 4

60 13 9
                                    


Hindi ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko. Tila tumaas lahat nang balahibo sa aking katawan.

Ilang sandali pa ay bigla nalang natumba si Alice, mabuti na lamang at agad siyang nahawakan ni Megan.

Okay ka lang? Para kang nakakita ng multo diyan, ” nag-aalalang tanong ni Megan. Umiling ako sa kaniya at tinulungan nalang siyang ibaba si Alice.

Hindi ako naniniwala sa espiritu o multo dahil I never seen one before but I think this is not good anymore.

Masakit pa ang ulo ng mga kasama ko habang inaayos namin ang sarili namin para umuwi na.

“Damn this hangover!” reklamo ni Alice at ininom ang kape na sa harapan niya. Nakayakap parin si Rose kay Yohanne ngayon at share pa sila sa iisang tasa,Sana all.

Si Megan naman ay abala sa cellphone niya. Tulog parin si Elvin at Louis, gising na 'yan kanina nguni't umidlip ulit. Habang ako ay umiinom ng kapeng sobrang pait. I just can't get over about what happened last night.
Those words are not a joke. Hindi naman coincidence' yon right? It's in my dream at 'yon din ang sinabi kagabi ni Alice.

There's f*ckin wrong here! And I don't like it anymore.

***

It's sunday morning at wala akong balak na magsimba though I know to myself that I trust Him but wala lang talaga ako sa mood.

I received a text from Megan na aalis daw kami ngayon at treat niya so I say YES, libre na 'yan.

I dressed up at umupo muna sa couch. Nag log-in ako sa social media account ko and I scroll up and down. Nahinto ang pagscroscroll ko ng inagaw ang atensiyon ko ng isang viral photos of a boy na nakakaawa ang mukha, a suicide?

'The boy was possessed by a bad spiritʼ
Sabi ng pamilya niya ay umihi lamang daw ito sa isang balite and after that ngumingisay-ngisay na raw ito at nag iba na ang boses so they asked help sa isang albularyo and after that naibalik naman sa dati ang lalake but he's not like before marami na ang nagbago sa kaniya and after few days nakita na lang siyang nakabigti na maraming pasa at may nakasulat sa likod niya. It was a latin word at nang e translate nila ito ay nagimbal ang kaniyang pamilya.

“I killed him, and you're next.” that's the exact translation. It's still a mystery pero hindi naniniwala ang kapulisan na may involve na bad spirits or any paranormal activities sa kasong iyon dahil ang paniniwala nila ay kusang kinitil ng biktima ang kaniyang buhay.

Do bad spirits can really harm us? Maybe our faith in God will protect us.

Natulala ako sandali. I remembered Alice after we came from that haunted house, there's something between the way she act at mas lalong lumakas ang loob ko dahil sa nangyari kahapon. Oh crap! I wanted to forget about those ideas but I just can't, my guts told me na may hindi tama sa lahat.

“HOY! Lutang ka na naman po!” Napakurap ako nang makita ko si Megan sa harapan ko. May daladala itong sling bag sa kanang balikat niya at nakahawak naman sa cellphone ang kaliwang kamay niya. Nandito na pala siya, hindi ko man lang napansin ang pagdating niya.

“I'm sorry. May binasa lang kasi akong post kanina,” rason ko. Tumango naman siya.

“Oh siya, tara na,” Tumayo na ako mula sa couch at kinuha ang susi sa mesa. Kinuha ko muna lahat nang nakasaksak bago kami umalis.

“Saan tayo pupunta?” tanong ko.

“Mall tayo kasi may bibilihin lang akong school supplies then punta tayo sa katabing coffee shop.” Tumango ako bilang pag sang-ayon.

Pumara ako ng jeep at huminto naman ito. Naunang umakyat si Megan at huli naman ako. Napatingin ako sa matandang nasa tabi ko, nakapikit ito. Una ay akala kong natutulog ito nguni't nang may sinambit ito ay napagtanto kong nagdadasal pala siya.

Hindi ko napansin na kanina pa pala ako nakatitig sa kaniya. Nagulat ako nang biglang  dumilat ang matanda. Tumitig ito sa akin at napakunot ang noo. May dumi ba ako o nagalit siyang tinitigan ko siya.

“Iha.” Tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan ng hawakan niya ang kamay ko.

“Po?” magalang na tanong ko.

“Mag-ingat ka,” saad niya. Hindi ko alam nguni't may kahulugan ang sinabi ng matanda. Naweweirduhan ako sa ginagawa niya.

“Mag ingat po saan?” takang tanong ko. May alam ba siya? Saan ako mag iingat? O kanino?

“May masamang espiritu ang nakasunod sainyo at wala siyang planong tantanan kayo hangga't hindi kayo namamatay. Gumising ka iha! Isa itong masamang bangungot! Kailangan niyong makalabas!” Natulala ako sandali sa narinig ko. Malamig na hangin ang humaplos sa balat ko. Tila lahat ng balahibo ko sa katawan ay tumayo at nangangatog na ang aking tuhod.

“Okay ka lang?” napatingin ako kay Megan.
Umiling lang ako sa kaniya. Kakausapin ko pa sana si Lola ngunit nawala ito sa tabi ko. Nakababa na ba siya? Hindi naman huminto ang jeep.

“Sino kausap mo diyan?” dagdag tanong ni Megan. Mas lalong kumunot ang noo ko. Hindi niya ba nakita ang matanda?

“Napansin mo bang bumaba na 'yong matanda na katabi ko?” tanong ko kay Megan. Napakunot naman ang noo nito.

“Ha? Sinong matanda? Wala ka namang katabi kanina ah?” mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni Megan. Umiling ulit ako sa kaniya para hindi na siya magduda pa.

Nakarating na lang kami sa mall at lumabas lumilipad padin ang isip ko. Sino ang matandang iyon? Bakit? Saan ako gigising?

“FARRAH! Kanina ka pa tulala ha!” sa isang libong pagkakataon ay lutang na naman ako.

“Okay ka lang ba talaga?” nag aalalang tanong ni Megan.

“Iniisip ko lang kasi about sa ano birthday ni mama,” pagdadahilan ko. Ayokong sabihin kay Megan at baka hindi siya maniwala sa mga sasabihin ko.

“Ah 'yon ba? Naku malapit na pala no? Sige tulungan kita diyan, ako na sa cake!” excited na saad ni Megan. Ngumiti ako sa kaniya.

Humigop ako sa kape ko.

“By the way Far, may eshashare lang ako sayo,”  panimula ni Megan. Nagtatakang tinignan ko siya, that ano look.

“Noong nakaraang araw pa'to eh lagi kasi akong nananaginip ng masama. Lahat ng panaginip ko kung sa story pa iisa lang ang theme,lagi kasi akong pinapatay.” Napatingin ako sa kaniya. Parehas pala kami I also dreamt about someone is killing me.

“Tapos medyo weird nadin ang pakiramdam ko kasi feeling ko always may nakamasid sa akin after nating pumasok sa haunted house. Whether you believe it or not Far but  I think yong mga nangyayari saakin ay konektado sa pagpasok natin sa bahay na 'yon. Noong una hindi ako naniniwala pero parang may mali,” she stated. We have the same feeling. Akala ko ako lang.

“I also experience it Meg, I think there's someone  from the other world want to play with our lives.”




A/n:
Sorry for the slow update. I've been busy doing some other stuffs. Wish me luck 🤧

Wake up Where stories live. Discover now