Wake Up 3

66 12 1
                                    

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinap ang Google. Tinandaan kong maigi kung ano ang mga salitang iyon. I don't know what's those words means.

Medyo hindi clear saakin pero pinilit ko talagang alalahanin. Los mataré a todos. Napangiti ako nang maalala ko na ang mga salitang iyon ngunit agad din itong napawi nang makita ko ang kahulugan nito. "Papatayin ko kayong lahat." Nanindig ang balahibo ko at kinakabahang inoff ang cellphone ko.

Tulala lang ako buong subject kaya palaging ako ang natatawag ng nga guro para magbasa o di kaya'y sumagot sa tanong nila.

Isinasawalang bahala ko nalang muna ang nalaman ko kanina nguni't palagi itong bumabalik sa aking isipan. Sa tuwing naalala ko ito ay kusang tumatayo ang aking balahibo.

"Hoy Ms. Lutang!" nagulat ako nang yugyugin ako ni Elvin. Sinamaan ko ito ng tingin. Umatras naman ito at natakot yata.

"Bakit ba lutang ka kanina pa Far?" tanong ni Louis. Natatawa pa ito.

"Ah wala 'yon sadyang hindi lang ako nakatulog kagabi," tugon ko.

"Paraw mawala 'yang pagkalutang mo arat libre ko sa canteen!" sigaw ni Alice kaya naghiyawan sila. Tumayo na kaming lahat and as usual ay magkasama na naman kaming lahat. Pumasok na rin si Alice ngayong araw ngunit mukhang may nag iba sa kaniya. Kung noon ay hindi ito masyadong maingay ngayon naman ay halos sa kaniya lahat ng tawa.

"Okay ka lang ba talaga?" tanong ni Megan at kinagat na ang burger niya.

"Oo naman.ngumiti ako sa kaniya to assure that I am okay even if I'm not. Nababagabag talaga ako. Ewan ko.

"Guys punta kayo bahay mamaya, byernes naman ngayon eh wala kasi si Tita so akin ang buong bahay!" sigaw ni Alice.

"Orayt ako na sa beer madlang people!" sigaw ni Louis. Go na go din to sa inuman eh.

"Ako na sa baso," saad ni Elvin. Binatukan naman siya ni Alice.

"May baso kami gago!" inis na wika ni Alice. Nagtinginan naman kami ni Megan. Pati rin pala siya napansin din pala niya ang  pagbabago ni Alice. Dati rati kasi ay malungkot ito kapag umaalis ang kaniyang Tita mas pipiliin pa nga niyang sumama kaysa magpaiwan ngayon naman ay tila sayang sayang ito at umalis ang kaniyang tita.

"Hey yow guys!" Napatingin ako ng dumating si Yohanne at Rose. Holding hands pa sila ni Rose. As always.

"Aba nandito na ang jejeng magjowa," saad ni Danica. Binatukan naman siya ni Rose.

"Gaga, inggit ka lang!" sigaw ni Rose at walang pakialam sa mga tao sa paligid.

"Oh right men may party mamaya sa bahay nila Alice, go kayo ha," salaysay ni Louis. Napangiti naman si Yohanne.

"Punta ka ba Thunder?" tanong ni Yohanne. Sa grupo kasi mas close si Yohanne at Thunder habang si Elvin at Louis naman.

Tumango naman si Thunder bilang tugon.
"Kayo ba girls?" ibinaling naman ni Elvin ang atensiyon niya saamin.

"I'm in!" sigaw ni Danica. Sagot nalang naming dalawa ni Megan ang hinihintay nila.

"Wag nga kayong Kj! Ako na magsasabi sa mama mo Far! Alam ko namang papayagan si Megan eh," saad ni Rose. Kilala kasi nito ang mama ko. At siya rin palagi ang pinagpapaalam ko sa mama ko pag may lakad kaming mga magkakaibigan.

"Sige," sagot ko. Tumango nalang din si Megan, pag pupunta kasi ako ay ganon din siya.

"Owshi! owshi!" sigaw ni Elvin. Napatawa nalang kami sa reaksiyon niya.

Wake up Where stories live. Discover now