Wake UP 9

44 10 1
                                    


Lahat sila ay napatingin sa akin. Nalilito at bakas sa mga mukha nila ang takot at pangamba.

“Maaaring hindi talaga nagpakamatay si Danica,” saad ko.
“Alam kong hindi niya magagawa yon at posibleng may tumulak sa kaniya,” dagdag ko.

“Do you mean pinatay siya ng evil spirit?” tanong ni Louis. I silently nodded.

“Pero pano? Wala naman silang nakita na kasama ni Danica that day?” pahabol ni Megan. I made a heavy sigh.

“Sinaniban siya,” saad ko. Halos mamutla na sila habang nakikinig sa akin.

“No way,” takot na saad ni Thunder.

“And it's possible na ang isusunod sana niya ay si Rose but thankfully napigilan namin  siya ni Megan,”wika ko. Napatingin sa akin si Rose. Bakas sa mukha nito ang takot at kaba.

“Ako ang isusunod niya sana? What the fuck?” natatarantang saad ni Rose.

“Maaaring nasaniban ka kanina. Mula sa tawa mo kanina at yong pagtawa mo sa haunted house ay parehong-pareho that's only mean na napossessed ka for the second time,”  seryosong saad ko.

“F*ck!” sigaw ni Rosa.

“What should we do?” natatarantang tanong ni Megan.

“Walang hihiwalay sa grupo,” tugon ko. Napatango naman sila.

“Paano pag umuwi na tayo sa bahay?” tanong ni Rose. They're attention turned to mine it's like I'm their older sister at naghihintay sila sa instruction ko. Wala man akong pakialam minsan but I want to protect my friends.

“Magpakatatag kayo. If you need to pray then pray. Be strong wag niyo hayaang pangunahan kayo nang takot.” I'm not a religious person but that's the only armor we have this time. Tumango naman sila.

After that ay niyaya kami ni Louis na kumain at gutom na siya. Ganun naman din ang iba kaya naisipan naming kumain muna. Hindi naman namin iniwan si Rose mag-isa at since okay na naman ang pakiramdam niya at konting sugat lang naman ang natamo niya ay sumama na siya saamin.

Hindi kagaya noon ay kami ang pinakamaingay sa buong canteen nguni't ngayon ay tila napipi kami at niisa sa amin ay walang nagsasalita.

Sa tuwing tinitignan kami ng mga estudyante ay nakikita ko ang awa sa kanilang mga mata.

“Nakakamiss.” Pagbasag sa katahimikan ni Elvin. Tumango naman ang mga kasama ko. Absent ngayon si Alice kaya mas lalong tahimik ang grupo.

Hapon na kaya nama'y ibig sabihin nito ay uwian na. Parang walang buhay parin ang mga kasama ko habang sabay-sabay kaming naglalakad patungo sa gate.

“I will ride taxi nalang kasi pupunta ako sa coffee shop namin, sorry Far I can't be with you,” saad ni Rose,tumango lang ako bilang tugon.

“Ako rin, sabay na ako sayo Rose,” saad ni Megan tumango si Rose at sabay na silang nag abang ng taxi.

“May pupuntahan pa ako eh. Nagapapasundo si Mom,” Thunder stated.

“Maybe I will ride a taxi too,” Elvin answered. Tumango naman si Louis bilang pag sang-ayon. Napatingin naman silang lahat sa akin ng hindi ako umimik.

“Ikaw Far? Mag taxi ka nalang din kaya?” offer ni Elvin. I shook my head malapit lang naman bahay namin kaya di na kailangan pa.

“No need. I'm fine.” Tumango naman silang lahat. “Take care guys,” dagdag ko. Nakasakay na sila Rose at Megan at sumunod naman si Elvin at Louis habang si Thunder ay tumungo na sa parking lot at nandoon ang sasakyan niya.

Huminga ako ng malalim bago nagsimulang maglakad. Nakayuko lang ako at hindi tinitignan ang mga sasakyang nakakasalubong ko.

Abala ako sa pag-iisip ng nagulat ako nang may humawak sa balikat ko. Agad kong tinignan iyon at nakahinga ako ng malalim nang makilala ko ito.

“Bella,” sambit ko. Siya ang pinsan ni Megan 'yong weird sa school.

“Nagsisimula na siya,” saad niya. She's just staring at my eyes. Kinakabahan ako sa seryosong mukha nito. What's with her? Sinong magsisimula?

“Who?” Tanong ko pabalik. Bumalik siya sa kaniyang sarili kaya bumitaw na ito sa pagkakahawak sa akin at umiling.

Akmang maglalakad na siya paalis nang ako naman ang humigit sa braso niya. Alam kong may-alam siya. She's not an ordinary weird student sa campus namin, she knew something.

“Sino ang sinasabi mo?” determinadong tanong ko.

“Kailangan niyong mag-ingat sapagka't hindi basta-bastang ligaw na espiritu ang kalaban niyo, kaya niyang kumitil ng buhay gaya ng isang kaibigan niyo. Be careful who you trust for.” Tila namutla ako sa sinabi niya. Si Danica ba ang tinutukoy niya? Tama nga ba ang hinala ko? Hindi nagpakamatay si Danica kundi may tumulak o sumanib sa kaniya?

Marami pa akong tanong kay Bella nguni't tumakbo na ito papalayo sa akin. Her words affect me a lot.

“Farrah! Kanina ka pa tulala diyan!” Nagulat ako nang sumigaw na si Mama. Kanina pa pala ako nakatitig sa kanin. Masyadong lutang ako sa rami ng iniisip ko.

“Ano bang iniisip mo ha? Nagbreak ba kayo ng jowa mo?” tanong ni Mama. Nandito na naman tayo sa jowa thingy na 'yan.

“May iniisip lang ako Ma. At wala akong jowa,” tugon ko at sinimulan ng sumubo ng kanin.

“Oh siya, tapos na ako kaya ikaw na bahala dito sa mesa ilagay mo nalang sa ref ang matitirang ulam at iinitin ko pa' yan bukas.” Tumango ako sa sinabi ni Mama. Minadali kong tinapos ang pagkain ko at sinunod ang sinabi ni Mama.

Agad akong dumiretso sa kwarto ko at kinuha ang cellphone ko. Nagchat ako sa gc namin.

Nagtanong ako kung kumusta sila. Nakahinga ako ng malalim ng nakasagot silang lahat. Mas lalong dumami ang iniisip ko dahil sa sinabi sa akin ni Bella kanina.

Humiga na lamang ako sa aking kama at nag isip sa among dapat gawin.

Kailangan niyong mag-ingat sapagka't hindi basta-bastang ligaw na espiritu ang kalaban niyo, kaya niyang kumitil ng buhay gaya ng isang kaibigan niyo. Be careful who you trust for.”
Nag echo na naman sa tenga ko ang sinabi kanina ni Bella. May alam ba siya? Ano pang alam niya? Nakwento ba ni Megan sa kaniya? Pero ang alam ko'y hindi sila masyadong close at imposible namang e oopen-up ito ni Megan sa kaniya.

Ilang beses ko ng pinilit ang sarili kong pumikit nguni't hindi talaga ako makatulog.

Natatakot ako, natatakot ako na baka paggising ko wala na ang mga kaibigan ko.

Wake up Where stories live. Discover now