"Ano na naman ba kasi ang ginawa mo?" Bulong ko sa kanya. Pinulot ko ang natanggal niyang eye glasses. Ang daming nanunood sa kanya, pero wala man lang naka-isip na tulungan siya. Lagi naman. Wala ng bago. Pinatayo ko na siya, nang biglang may humawak sa kabilang kamay ni Josh. Nang tinignan kobsi Dion, ang may hawak no'n. Nakadungaw siya sa mukha ni Josh. Habang tinatanong kong ayos lang ba siya. Mabait din pala siya.

Nawalan ng malay si Josh. Kaya dinala namin siya sa clinic. Ang sabi ng nurse, magigising din daw 'to maya-maya. Baka daw napalakas ang pagkahulog niya sa hagdan, kaya bigla nalang 'tong nawalan ng malay, ngayon. "Kayo parin pala?" Biglang tanong ni Sofhia. Nandito sila ni Dion, sa clinic. Pinapa-alis ko na sila kanina pa. Pero ayaw nilang umalis. Gusto pa daw nila akong bantayan. Hindi naman ako 'yong nahimatay, pero ako ang babantayan? Weird!

"Oo. Ang strong ba?" Natatawang tanong ko.

Ngumiti siya, "No offense. Ano ba talaga ang nagustuhan mo sa kanya?" Seryuso niyang tanong.

Ngumiti naman ako. "Mabait siya."

"Tapos?"

Anong tapos?

"Tsaka mahal ko siya... Hindi siya gano'n ka-guwapuhan. Katulad niya." Sabi ko at tinuro si Dion.

Saan ko naman nakuha ang pagturo-turo na 'yon?

"Pero masaya ako sa kanya. Siya lang 'yong nagparamdam sa'kin na mahalaga ako. At siya 'yong taong mahal na mahal ako. Hindi niya ako itinuring na iba, kagaya ng turing sa'kin ng mga magulang ko. Hindi ko kailangan ng ibang lalaki at hindi ako magmamahal ng ibang lalaki, kong hindi naman siya 'yon. Basta sa'kin sapat na siya." Nakangiti paring sabi ko.

Ilang oras pa kaming nasa gano'ng posisyon. Naka-upo kami sa mahabang sofa, habang hinihintay na magising si Josh. Lumipas na ang lunch, pero wala paring Josh, na nagising. Puyat na puyat? Pina-una ko ng lumabas sila Sofhia at Dion. Baka kasi nagugutom narin sila. Nahihiya lang magpaalam at iwan ako dito.

"Gising ka na?" Masayang tanong ko.

"Anong nangyari?" Tanong niya at dahan-dahan na umupo.

"Ewan ko nga, eh. Nanghuli ka yata ng palaka, este naging palaka ka. Ay, hindi... mukha kang palaka. Naku! Mal–"

"Tumigil ka na." Nahihirapan na tumawa si Josh.

Tumawa naman ako, bago na-upo sa tabi niya, at ipinasuot ang eye glasses niya. "Ilan nakuha mong palaka?" Mapang-asar kong tanong.

Kaming dalawa nalang ang tao sa loob ng clinic. Maaga naman siyang natutulog, pero baka nga puyat siya. Inabot na kasi ng hapon ang tulog niya. Naisip ko na nga kanina na dalhin siya sa hospital, kasi hindi pa gumigising. Pero ang sabi ng nurse pahinga lang daw ang kailangan. Pahinga na umabot ng alas kwarto ng hapon? May gano'n bang pahinga? Tinatanong ko pa. Nangyari na nga kay Josh.

"Dalawa lang. Sayang, kulang ulam natin mamaya." Natatawang sabi niya. Tumawa nalang din ako. Ang korni ng joke niya.

"Josh, punta tayo sa park." Sabi ko habang naglalakad kami palabas ng school.

"Ano'ng gagawin natin doon?"

"Manghuhuli tayo ng palaka, pandagdag sa ulam natin mamaya." Agad akong napatingin sa kanya ng tumigil siya sa paglalakad. Masama ang tingin niya sa'kin. Kaya tumawa ako ng peki. "Biro lang... Ayaw ko kasing umuwi muna. Pakiramdam ko pinagkaka-isahan nila ako sa bahay." Paliwanag ko.

Pinag-siklop niya ang kamay namin. "Tara. Tapos street foods tayo. Diba paborito mo 'yong kikiam?" Nakangiti niyang tanong at sinundot ang pisngi ko. Kunwari naman na pinag-isipan ko ang isasagot. Pero, ako 'tong nagyaya tapos ako pa talaga mag-iisip kong tuloy kami o hindi. Ngumiti ako sa kanya at tumango, bago kami sabay na naglakad papunta sa sakayan ng jeep.

"Kuya, benteng fishball, benteng kikiam, tapos sampu po dito, tapos dito pa, tapos 'yan pa po." Sabay-sabay na sabi ko at pinagtuturo ang bibilhin ko.

"Ang dami naman." Angal niya, habang pinapanood ang pagpulot ni kuya sa mga pinili ko.

"Dalawa naman tayong kakain." Sabi ko, bago nagpaalam sa kanya. Naglakad ako palapit sa nakita kong tindahan hindi kalayuan kay Manong na nagtitinda ng fishball. Bumili lang ako ng dalawang coke, 'yong tag-15 at tubig na tag-20.

"Sabi ko, tigil-tigilan muna ang pag-inom ng coke. Mamaya mag-kasakit ka niyan." Sabi niya, habang binabayaran lahat ng binili naming pagkain.

"Last na." Natatawang sabi ko.

"Narinig ko na 'yan... Salamat, Manong." Nakangiti namang inabot ni Kuya ang pagkain namin. Yamm! Yamm!

"H-hindi talaga..  nakakasawa na k-kumain ng ganito." Sabi ko habang ngumunguya ng kikiam. "Akin nalang 'to, ah... Isa, dalawa, tatlo, apat. Limang kikiam nalang ang natira. Ang bilis mo namang kumain." Nakabusangot kong sabi kay Josh, habang umiinom siya ng tubig.

"Nahiya naman ako sa dalawang nakain ko." Sabi niya.

"Dalawa palang? Bakit, lilima nalang ang natira?"

"Ako pa talaga ang tinanong mo. Bakit 'di mo tanungin 'yang matakaw mong tiyan."

Tumawa lang naman ako. Nagugutom na kasi talaga ako. Hindi ako nag-lunch kanina. Kasi nga binantayan ko si sleeping beauty, habang natutulog... Ay, mali. Dapat sleeping handsome. Oo. Guwapo siya sa paningin ko, kaya tatawagin ko siyang handsome. "Dito muna tayo. Hanggang sa lumubog ang araw." Sabi ko. Nasa may gitnang bahagi kami ng park at sa gitna nito, may nag-iisang matayog na puno ang nakatayo dito. Oo, literal na nasa gitnang bahagi siya at nag-iisa. Wala ka ng makikitang ibang puno na malapit dito. Halos magkakalayo na ang agwat ng mga puno na nakatanim rito. Naka-upo kami sa may mga damuhan at parehong nakasandal sa may puno. Hinawakan ko ang kamay niya at nilaro-laro 'yon, bago ko isinandal ang ulo sa balikat niya. Habang nilalaro ang kamay niya, ramdam kong napakalambot nito.. Ang sabi ng iba, kapag malambot ang kamay hindi daw nagtatrabaho. Mali sila, nagtatrabaho sila, pero alam lang talaga niyang alagaan ang sarili nila.

"Ten years from now, bumalik tayo dito, ah. Papanuorin ulit natin ang paglubog ng araw." Sabi niya, habang deretso ang tingin sa papalubog na araw.

"Puwede naman tayo na araw-araw pumunta dito, para panuorin 'yan. Bakit kailangan may pa-ten years from now ka pa?" Sabi ko at napatitig na din sa tinitignan niya.

Tama nga sila. Sunset is a proof, that endings can sometimes be beautiful, too. Napangiti ako ng tuluyan ng lumubog ang araw.

Vote and comment guy's ❣️

ANG BOYFRIEND KONG LAMPAWhere stories live. Discover now