Chapter 3

40 2 6
                                    

Nang tuluyan nang kumalat ang dilim ay tahimik lang kaming naka upo sa lilim ng mayabong na puno ng acacia.

"Nagugutom na ako!" Hindi nakatiis na saad ko.Wala akong nakuhang sagot mula sa lalaki.

"Narinig mo ba ako?" untag ko sa kanya.

"Hindi ako bingi" masungit na sagot nito.

"So saan ka kukuha ng pagkain?"

"Bakit ko po-problemahin ang pagkain mo? Hindi kita responsibilidad Miss" ani nito sa matigas na tinig.

"Dapat lang na ikaw ang maghanap nang kakainin natin dahil ikaw ang lalaki!'' naiinis na sagot ko sa kanya.

Hindi ito sumagot sa sinabi ko. Humugot lang ito ng malalim na hininga.

"We have'nt taken anything since this afternoon,kasalanan mo kung mamatay ako dito ng dahil sa gutom"pangungunsensiya ko sa kanya.

"Try to get some sleep, for now tiisin mo muna ang pagkalam ng sikmura mo.Hahanap ako ng makakain natin pagsikat ng araw bukas" ani nito sa mababang tono.Hinubad nito ang suot na jacket saka inilapag sa damuhan.

"Sleep" utos nito sa akin.Pinagpag pa nito ang inilatag nitong jacket.Kahit papaano ay nabawasan ang inis na nararamdaman ko sa lalaki sa nasaksihan kong ginawa niya.May konting gentleness din naman pala sa katawan ang lalaki.

Wala naman akong nagawa kundi sundin ang utos nito.Humiga ako at pinikit ang mata,sinubukan kong matulog.Hanggang sa mahabang sandali ang lumipas hindi pa rin ako dalawin ng antok.Tumagilid ako ng higa,pilit inaaninag sa dilim ang bulto ng masungit na lalaki.Sa tulong ng liwanag ng buwan ay natagpuan ko ang bulto nito,nakasandal ang likod nito sa katawan ng puno.Pikit ang mata pero sa tingin ko ay gising naman.Malakas akong tumikhim para kunin ang atensiyon niya.Hindi naman ako nabigo dahil agad na nagmulat ito ng mata at tumingin sa gawi ko.

"Tingin mo makakalabas pa tayo rito?" puno nang pag aalinlangan ang tinig na sabi ko.

"Wag kang mag-alala Miss,malawak man ang gubat na ito alam kung mahahanap din natin ang daan palabas.Sigurado akong nai-report na sa mga awtoridad ang nangyaring insidente, maaaring sa mga sandaling ito ay pinaghahanap na tayo ng mga pulis at sundalo."

"Paano kung hindi?" hindi ko mapigilan mag isip ng negatibo dahil sa sitwasyon.

"Miss,magtiwala ka lang, makaka- survive tayo.I will make sure of that.''

"Call me Shantal" wala sa sariling pagpapakilala ko sa lalaki.

Humugot muli nang malalim na hininga ang lalaki."Matulog ka na Shantal bukas din ay makakaalis na tayo rito" ani nito.

Awtomatikong gumihit ang ngiti sa labi ko naging tunog maganda ang pangalan ko nang bigkasin iyon ng lalaki.

"Unfair naman yata.Alam mo na ang pangalan ko pero yung sa'yo hindi ko pa alam" nakalabing sagot ko.

"Ridge" maikling sagot niya.

Napangiti ako.Tunog matigas kasi ang pangalan ng lalaki.Kasing-tigas ng mga muscles nito sa braso.

Lihim akong natawa sa naisip bago muling nagseryoso.

"Good night,Ridge" halos bulong na sabi ko.

"Night, Shantal" narinig ko pang sagot niya bago tuluyang lamunin ng antok ang diwa ko.

Mataas na ang sikat ng araw ng magising ako.Bumalikwas ako ng bangon ng matantong nag iisa ako sa lugar.Kinakabahang iginala ko ang tingin,nabawasan ang nararamdaman kong kaba nang makita ang puting tshirt ni Ridge na nakasabit sa manipis na tangkay ng ligaw na damo.
Mabigat ang katawan na nag-inat ako.
Nananakit ang likod at balikat ko sa tigas ng higaan ko.

Nakarinig ako ng kaluskos sa bandang unahan mayamaya pa ay lumitaw ang bulto ng taong inaasahan ko.Why do I have this feeling na parang nae-excite akong makita siya.That's so nice feeling that gets you excited to see someone that makes your heart flutter upon the sight of him.

Napalunok ako ng tumambad sa akin ang ayos ni Ridge.Marungis ang mukha at katawan nito.Bahagya itong nakangiti,itinaas nito ang kanang kamay sadyang pinapakita sa akin ang bitbit nitong isang buwig ng hinog na saging,sa kaliwang kamay naman nito ay naroon ang dalawang piraso ng buko.

That very moment I started to notice how attractive he was under the sun. His broad shoulders and muscled chest glistining with sweat.He was really tall maybe 6 something.I've also notice his dark,mischievous and mysterious eyes.It reminds me of a dark forest at night.

Tila natuyuan ako ng laway sa lalamunan ng tuluyan nang makalapit si Ridge sa tabi ko.He meet my gaze,I get chills when I catch a good glimpse of his chiseled chest and hard-rock abdomen.

"Good morning" bati niya.Parang nahihipnotismong nakatitig lang ako sa gwapo niyang mukha.

"Breakfast?" untag nito sa pagkatulala ko.

Ibinaba niya ang bitbit na saging.Agad ang pagkalam ng sikmura ko pagakakita sa hinog na prutas.Walang pangingiming nilantakan ko agad ang mga iyon,nakadalawang piraso ako agad dala ng matinding gutom.

Nakita ko ang pagdukot niya sa bulsa ng suot nitong pantalon.Mula roon ay inilabas nito ang isang swiss knife. Binuksan niya iyon at tumambad sa paningin ko ang ibat-ibang klase ng cutting tools.

Kumunot ang noo ko.My curiousity arise.Subalit hindi ko na isinatig ang pagtataka kung bakit may dala itong ganun bukod pa sa baril nito.Inisip ko na lang na malaking tulong sa amin ang pagdadala nito ng bagay na iyon.

"Salamat" nakangiting sagot ko nang iabot niya sa akin ang bagong balat niyang buko.Napawi ang uhaw ko ng makainom ng matamis na sabaw niyon.

"Buti at may nahanap kang makakain natin" ani ko habang kumakain ng saging.

"Nag-ikot ako kanina at nadiskubre kong maraming punong namumunga sa gubat na ito."

Napabuntong-hininga ako."Do you think we could ever get out of here?"

"Yes" tipid na sagot niya sabay sulyap sa akin.Kahit kinakabahan ay pilit na sinalubong ko ng tingin ang makakalas butong titig niya.

"Erase the worries in your mind, Shantal.Gagawa ako ng paraan para mailabas kita rito.That's a promise" maluwang ang ngiting sabi niya.

Tila pumalya ang tibok ng puso ko sa ngiting iyon ni Ridge.

Can you smile more often because you look so good when you smile like that, piping usal ko.

The Unexpected YouWhere stories live. Discover now