Chapter 1

56 2 5
                                    

Sunod-sunod ang paghihikab ko habang naghihintay na mapuno ng pasahero ang loob ng bus.Inagahan ko talagang magtungo sa terminal para siguradong makakuha ako ng ticket pauwi sa Isabela.Excited kasi akong umuwi sa amin,mag-iisang taon na akong hindi nauwi sa probinsiya. Naitakip ko ang palad sa bibig ko ng muli akong maghikab.Bumabawi pa lang ang katawan ko sa ilang araw na puyat,nagkasunod-sunod kasi ang deadlines ng mga paper works sa office.Buti na lang, na-approved ang two weeks leave na ni-request ko. Kaya,pinilit ko talagang tapusin ang lahat ng maiiwan kong trabaho para walang istorbo sa bakasyon ko.

Wala sa loob na napatingin ako sa pinto ng bus.Nakita ko ang pagsampa ng isang matangkad na lalaki. Nakasuot ito ng puting tshirt at itim na jacket.Yumayakap ang suot na maong na pantalon sa mahaba nitong mga binti.Hindi lang ang atensyon ko ang nakuha niya kundi maging ng ibang mga kababaihan sa loob. Nagpalinga-linga ang lalaki hanggang sa mapadako ang tingin niya sa pwesto ko.Kumalabog ng malakas ang dibdib ko nang humakbang ito patungo sa gawi ko.Walang imik na ibinaba nito ang sukbit na bag sa may paanan.Nawala ang natitirang hibla ng antok sa katawan ko nang tapunan niya ako ng isang mabilis na tingin bago walang anumang umupo sa tabi ko.

Lihim na napalunok ako ng matitigan sa malapitan ang mukha ng lalaki.The man gave a new meaning to the word handsome.His face is covered with whiskers that made him look dangerous.Hindi ko mahulaan ang edad nito pero pupusta akong hindi lalagpas sa trenta ang gulang nito.
Mula sa gilid ng mata ko ay patuloy na inoobserbahan ko ang lalaki. Nakapikit ito,magkakrus ang mga braso.Nagkaroon ako ng pagkakataong matitigan ng mabuti ang mukha nito.Makakapal ang kilay ng lalaki na binagayan ng itim na itim at mahahabang pilik.Matangos ang ilong at maganda ang hugis ng mapupulang labi nito.Napaigtad ako ng bigla itong gumalaw.Agad na nagbawi ako ng tingin.Umayos ako ng upo at sumiksik sa tabing bintana,pakiramdam ko biglang lumiit ang espasyo sa pagitan ng mga upuan namin.Tumatatama kasi ang braso nito sa akin,ramdam ko tuloy ang matigas na katawan nito.Parang bato sa tigas ang mga muscles nito sa katawan na natatakpan ng suot nitong jacket.Para pa nga akong napapaso sa sumisingaw na init sa katawan ng lalaki sa tuwing napapadikit ang balat ko sa tela ng jacket nito.

Kahit naaasiwa ay pinilit kong magmukhang komportable.Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit apektadong apektado ako sa presensiya ng katabi.Samantalang wala naman itong ginagawa,sa katunayan tulog na yata ito.Pinilit kong isinantabi ang nararamdaman. Malapit nang mapuno ang bus,mayamaya lang ay bibiyahe na kami.

Narinig kong nag-last call ng pasahero ang kunduktor ng bus,ilang saglit pa ay sumara na ang pinto niyon. Humugot ako ng hininga ng umusad na ang bus palabas ng terminal. Napatingin ako sa katabi,wala pa rin itong kagalaw-galaw mahimbing na yata ang tulog nito.Hindi kaya ito mangawit.Kahit nakasandal sa upuan ang likod nito ay unat na unat naman ito sa pagkakaupo.Kinastigo ko ang sarili,masyado ko yatang binibigyang pansin ang katabi.

Mahaba ang biyahe wala akong mapapala kung pag-aaksayahan ko ng oras ang kapwa pasahero.Isinandal ko ang ulo sa bintana ng bus saka pumikit.Sa isip ay pinaplano ko na ang mga gagawin pagkarating ko sa amin.Ilang sandali ang lumipas, hanggang sa tuluyan nang igupo ng antok ang buong kamalayan ko.

"Miss" tinig na pumukaw sa nahihimbing na diwa ko.

"Hmmm" ungot ko,ayaw kong magmulat ng mata.Kumportable sa pakiramdam ang sinasandalan kong upuan ng bus,amoy mabango at malinis.Sumiksik pa akong lalo.

"Miss" The voice was deep and clear napakasarap sa tenga.Mariin kong pinikit ang mata.

"Miss" ulit ng tinig this time may kasama nang mahinang yugyog sa balikat ko.

Mabigat ang mata na nagmulat ako. Sumalubong sa paningin ko ang seryosong anyo ng lalaki.Magkadikit ang mga kilay na nakatunghay ito sa akin.

Tuluyang nagising ang diwa ko nang mapagtantong nakasandal ako sa balikat niya.Agad ang pagkalat ng init sa magkabila kong pisngi.Mabilis ang ginawa kong paglayo.

The Unexpected YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon