Chapter 2

41 2 5
                                    

Makailang beses akong muntik na masubsob habang tumatakbo buti na lang at mahigpit na hawak ng estranghero ang kamay ko. Nagpapatangay na lang ako sa kung saan ako hilain ng lalaki.Puro kakahuyan at damuhan ang daan na tinatahak namin.

"Oh,God help us please!" nahihintakutang usal ko.

Pansamantalang tumigil ang lalaki sa pagtakbo iginala nito ang tingin sa paligid.

"I think nailigaw na natin sila" ani nito.

Nagpatuloy kami sa paglalakad sa walang tiyak na direksyon.Mistula kaming nagpapaligsahan sa paghahabol ng hininga dahil sa pagod.Noon ko lang din napansin na magkahugpong pa rin ang mga kamay namin.I feel a voltage of electricity run through my viens para akong napaso,kung hindi sa higpit ng hawak nito ay baka nabawi ko ang kamay ko. Mabilis din naman niyang binitiwan ang kamay ko nang makarating na kami sa mas patag na bahagi ng gubat.

Nanghihinang umupo ako sa ugat ng malaking kahoy na naroon.

"Paano tayo ngayon?" naiiyak na tanong ko sa kanya.

Nagkibit-balikat lang ito,looking unconcerned kaya naman hindi ko maiwasang makadama ng matinding inis sa lalaki.

"Kasalan mo to!" matalim ang matang paninisi ko sa kanya.

"What are you talking about?" kunot-noong tanong niya.Tumayo ako at namaywang na hinarap ko siya.

"Kung sana nanlaban ka nang mas maaga,hindi mangyayari sa atin ito!"

Tinignan niya ako na tila hindi ito makapaniwala sa sinabi ko.I know I was so stupid para isisi sa kanya ang bagay na yun but I can't help it.

"Napaka imposible ng sinasabi mo, Miss."Umiling ito at tinalikuran ako.

"Talaga naman,kung ginamit mo sana yang baril mo sa loob pa lang ng bus eh di wala sana tayo rito!" nanggagalaiting sigaw ko.

Marahas ang ginawa nitong paglingon sa banda ko.Nasa anyo nito ang matinding iritasyon halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi ko.

"Tingin mo kung ginawa ko yun sigurado ka bang makakaligtas tayo?" gigil na sabi nito sa akin.

"Anong silbi ng baril mo kung hindi mo naman nagamit!" hindi nagpapasindak na sagot ko.

Tinignan niya ako ng masama, nakaramdam ako ng munting takot sa pagdilim ng mata nito at pagtatagis ng mga bagang ng lalaki.

"Malabo kang kausap,hindi mo lang ba naisip na maraming tao ang madadamay.Kung inaalala mo ang kapakanan mo,paano naman ang ibang mga pasahero!"

Naumid ang dila ko sa sinabi ng lalaki.Parang napahiya ako sa sarili ko.Totoo naman ang sinabi nito, kung nanlaban nga ito hindi naman nito matitiyak ang kaligtasan ng iba.

"Where are you going?'' natatarantang tanong ko nang talikuran niya ako.

"Kung saan malayo sa isang imposibleng babaeng katulad mo!" malakas na sigaw niya.

"Iiwan mo ako rito!?"

Wala akong narinig na sagot,patuloy lang ito sa paglalakad na tila wala nang balak na isama pa ako.

Kinakabahang iginala ko ang paligid.Medyo padilim na,makakaya ko bang mag isa sa lugar na ito.

"Mr.wait!" mabilis na habol ko rito.

"Where are you going ba? Sasama ako sa iyo.Alam mo ba ang daan palabas?"

Tumigil ito sa paglalakad at pormal ang mukhang humarap ito sa akin.

"Hindi!" masungit na sagot niya.

"Hindi mo alam kung nasaan tayo?" dismayadong tanong ko.

Isang sarkastikong ngiti ang pinakawalan nito. "Wag kang mag alala nasa Pilipinas pa rin tayo kaya ipanatag mo ang loob mo"

Pagkatapos sabihin iyon ay iiling-iling na nagpatuloy ito sa paglalakad. Sumunod ako agad sa likuran niya,wala akong pakialam kung nagmukha akong paslit na takot maiwan ng magulang sa higpit ng kapit ko sa laylayan ng damit niya.

"Paano kung nakaligtas nga tayo sa mga holdaper pero magiging pagkain naman tayo ng mababangis na hayop dito sa gubat!?" nahihintakutang sabi ko sabay hila sa dulo ng damit ng lalaki.

Walang interes na nagkibit lang ito ng balikat.

"Paano kung may mababangis na hayop pala rito! Ayaw kong mamatay, sa loob ng bituka ng mabangis na hayop!''

"Pwede ba Miss,tumigil ka sa kakasatsat.Sa lahat ng pinaka-ayaw ko iyong madaldal" iritado ang tinig na baling niya sa akin.

"Hindi ka ba natatakot na bigla na lang tayong atakihin ng mabangis na hayop kung sakali?" hindi makapaniwalamg tanong ko.

"Pwede ba, Miss,tumigil ka na rinding-rindi na ang tenga ko boses mo.Kung hindi ka pa titigil ako mismo ang gagawa ng paraan para tumahimik ka!"

Hindi ko napigil ang pagtaas ng kilay sa sinabi niya. "At anong gagawin mo,tututukan mo ako ng baril?"

Huminto ito sabay lingon sa akin.

"Hindi,I will kiss you hard hanggang sa mamanhid ang mga labi mo!" seryoso ang tinig na sabi niya.

Nanlalaki ang mga mata ko sa narinig, agad ang pagkalat ng init sa mukha ko.Hindi ako nakapagsalita.I saw his lips curve upward bago nakakalokong ngumiti.

"B-bastos!" sigaw ko nang mahimasmasan ako sa saglit na pagkagulat.Namumula ang mukhang nilampasan ko siya habang nagngingitngit ang loob na nagpatiuna sa paglalakad.

Pero bakit parang nakaramdam ako ng munting kiliti sa katawan sa isiping hahalikan ako ng estranghero.Ipinilig ko ang ulo at tahimik na pinagpatuloy ang paglalakad takot ko lang na totohanin ng lalaki ang sinabi nito.

The Unexpected YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon