"I don't know what you are talking about. Excuse me." Seryoso ko nang sabi sa kanya dahil hindi ko na gusto ang mga sinasabi nya saka ko sya tuluyang iniwan pero pinigilan nya parin ako.

"Bakit hindi mo ako kausapin para maintindihan mo ang lahat? Hindi ko maatim na masaya ka at ganito ang kalagayan mo habang ang kaybigan k-." Hindi nya naituloy ang sinsabi nya at malalim lang syang bumuntong hininga.

"Let's just talk Bella. I don't want to let out my bitch side here. Please." Pagpupumilit nito at hindi pa ako nakakasagot ay nahila nya na ako palabas ng venue. Dinala nya ako sa may lobby ng hotel.

"Ano pa bang dapat kong marinig sayo?" Seryoso nang tanong ko sa kanya. Dahil sa totoo lang ay ayokong may mababanggit sya sa akin na kahit na anong tungkol kay Damon dahil natatakot ako.

"Wala ka na ba talagang pakialam sa kanya?"

"Sino bang sy-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla nya akong sampalin.

Maybe I deserve her slap.

"His name is Damon, the man who loves you the most. The man who gives everything he has for you. The man who sacrifice everything and the man who set you free for the sake of your happiness! So, did you remember him now? Secretary Bella?" Naiinis na sabi nya sa akin saka nya ako binigyan ng isang sarkastikong tawa.

"Ito lang ba ang sasabihin mo sa akin?" Simpleng sabi ko at pilit na pinigilan ang nararamdaman ko. Gustong gusto kong kamustahin sya pero natatakot ako sa pwede kong marinig. Gusto kong malaman na naging masaya sya sa iba pero hindi ko alam, natatakot ako na makumpirma ko ang lahat nang panalangin ko para kay Damon. I am selfish I know but what would I do? This is how I feel and even I can't even understand myself.

"I thought you were an angel. Damon said that he found the girl who is too kind, too beautiful and too innocent but I guess he is wrong. He doesn't found the woman he is talking about because what be found is nothing but a selfish wicked witch." Madiin ang bawat salita na sabi nya sa akin kaya halos tumagos 'yon sa dibdib ko. Naiintindihan ko kung bakit ganito ang nararamdaman nya dahil kaibigan sya ni Damon. Pero sampung taon na ang nakakaraan pero bakit ganito parin sya? Huwag nyang sabihin na hindi parin nakakamove-on si Damon para magkaganito pa sya sa akin ngayon?

"Can't you get it? Ayoko nang may marinig na kahit na anong tungkol sa kanya. Ni ayaw ko nang marinig ang pangalan nya. Sa loob ng sampung taon ni hindi ko naisip na alamin pa ang nangyari sa buhay nya, kung ano nang nangyayari sa kanya. Dahil alam ko naman na kahit malaman ko kung ano man ang kinaharap nya, kahit malaman ko na nahirapan sya wala namang magbabago. And we are old now Rosian. We have no time to spend our whole life as a broken hearted. Gusto ko nang makahinga sa mga alaala nya."

"Damon doesn't deserve someone like you. Sana wala kang pagsisihan sa huli. Nasayang lang ang oras ko sa pagpunta sa walang kwentang katulad mo." Seryosong sabi nya sa akin saka nya ako basta na lang iniwan doon na nakatanga.

She is right. Maybe I don't really deserve someone like Damon. Yon nga ang naging dahilan kaya hindi nagkameron ng kami hindi ba? Masyado syang sobra sa akin at tulad ng sinabi ni Rosian, hindi ako karapatdapat para sa kanya.

Nang dahil sa pag-uusap naming ito ni Rosian ay para bang bumalik sa akin ng malinaw ang nangyari sa amin sampung taon na ang nakakaraan na para bang kahapon lang nangyari ang lahat. Dahil aaminin ko, nandito parin 'yong sakit.

Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Pinipigilan ko ang luha na nagbabadya sa mata ko dahil baka may makakita sa akin. Huminga ako ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili ko.

"Bella nandito ka lang pala. Hinahanap ka na ng mga guess. Nag-uumpisa na ang beading." Napalingon ako kay Cohen dabil kanina nya pa pala ako hinahanap.

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें