WTBSC 53

23 0 0
                                    

Maria Bella

"I know you're just lying! Tell me the truth Bella! The truth!" Sigaw nya sa akin at saka nya hinawakan ang magkabila kong balikat at bahagyang niyugyog ako.

"Ikaw ang sinungaling dahil niloloko mo na lang ang sarili mo ngayon na mahal kita kahit hindi naman."

"No. No Bella. I can't be wrong. Alam kong mahal mo ako! Gaano ba kahirap aminin 'yon para sayo?" Tanong parin nya sa akin pero walang emosyon ko lang syang tiningnan na para bang nakatingin lang ako sa kawalan.

"Why are you so cold now? Nagpapanggap ka lang. Alam ko nagpapanggap ka lang!" Sabi nito sa akin at bahagya nya paring niyuyogyog ang balikat ko habang nakatingin sa akin. Ni hindi ako kumikibo mula sa pagkakahawak nya. Pilit ko lang inilalampas ang tingin ko sa kanya at nagbibingibingihan parin sa lahat nang sinasabi nya.

"Why Bella? I've love you with my everything. Bakit kung kelan mahal na mahal na kita? Bakit? Tell me!" Sigaw nya sa akin at naging marahas na ang pagyugyog nya sa pareho kong balikat.

At ngayon, kitang kita ko na ang bawat sakit sa mga mata nya kasabay ng sunod sunod na pagpatak ng mga luha nya na para bang wala na itong katapusan. Kung hindi ko lang pinipigilan ang sarili ko ay baka kanina pa akong umiiyak sa harapan nya.

Buoong lakas ko namang tinaggal ang parehas nyang kamay sa balikat ko pero hindi ako nagtagumpay. Mas lalo lang 'yong humigpit at napayuko na sya sa akin. Kahit na pinipigilan nya ang impit nyang hagulhol ay naririnig ko parin 'yon kasabay ng pag-taas baba ng mga balikat nya. Habang naririnig ko ang boses nya sa ganitong paraan ay parang dobleng sakit ang nararamdaman ko.

"Tama na Damon." Mahinang sabi ko sa kanya pero nakita ko lang ang pag-iling nya sa akin habang nakayuko parin sya. Ang isang kamay nya na nasa balikat ko lang kanina ay ngayon ay nasa may batok ko na. Pilit nyang pinaglapat ang mga noo namin at wala na akong nagawa kundi ang pumikit na lang para pigilan ang luhang nagbabadya na sa mga mata ko.

"How can I stop Bella? Sabihin mo paano?! Dahil hindi ko kaya! You're all I need!"

"Huwag mo na akong mahalin. Lumayo ka na sa akin at kalimutan mo ako. Ipagpalagay mo na hindi mo ako nakilala. Burahin mo ako sa buhay mo. At pagkatapos non? Hindi mo na ako maaalala pa."

"Ganon 'yon kadali para sayo pero paano naman sa akin? Sinabi ko sa sarili ko na kapag nagmahal ulit ako ay gagawin ko ang lahat at wala akong sasayanging pagkakataon kaya heto ako ngayon! I'm begging you Bella! Sumama ka na sa akin! Don't leave me." Bulong nya sa akin. Sa sobrang lapit namin sa isa't isa ay nararamdaman ko na ang mga luha nya. Habang ang hawak nya ay parang pinapaso na ako.

"Ginawa mo na ang lahat. Wala kang sinayang na pagkakataon at ngayon nagmaka-awa ka pero wala parin. Walang nagbago Damon. Buo na ang desisyon ko at 'yon ay ang piliin ang kung sino talagang mahal ko simula pa lang. At sana maintindihan mo na hindi ikaw 'yon." Seryosong sabi ko sa kanya saka ko sya bahagyang itunulak palayo sa akin at bago pa sya makatunghay ay mabilis ko nang pinunasan ang luhang tumakas sa mata ko. Ayokong magkaroon sya ng pagkakataon na makita ang kahit na isang luha sa mata ko. Gusto kong ipaalam sa kanya na wala na sya sa akin ngayon para lubayan na nya ako. Ayoko nang pahirapan pa sya.

"I can spend my whole life waiting for you Bella. At umasa ka na kahit gaano katagal, even how many months and years Bella hihintayin kita. I can give you an assurance na kahit gaano katagal kapag bumalik ka na sa akin ikaw parin ang mahal ko."

"Hindi mo na kaylangan maghintay dahil wala ka nang hihintayin pa. Hindi na ako kaylanman babalik sayo Damon. At ang pagmamahal ko para sayo, ilusyon mo na lang 'yon ngayon." Malamig na sabi ko sa kanya. Sa mga oras na ito ay gusto ko na lang tumakbo palayo para matakasan sya. Nawala lang ang atensyon ko sa kanya nang may marinig akong tunog ng isang helicopter. Lumingon ako sa labas ng kotse at nakita kong papunta 'yon dito. Naramdaman ko naman na hinawakan ni Damin ang mukha ko at pilit na pinaharap sa kanya.

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя