Chapter 47

6 0 0
                                    

Andito na kami ngayon sa condo ni ashe. Hinatid nila ako ditong dalawa at kasalukuyan na naghihintay sa pagkain.

Nagpa order kasi ako for us. Ayaw pa daw nilang umuwe. Pupunta pa nga yung mga girl nila dito later eh buti nalang at pumayag si ashe. Nasa meeting pa kasi siya hanggang ngayon mga gabi pa daw siya makakauwe.

Nakarinig na kami ng doorbell kaya si kevin na ang nag presinta na mag bukas ng pinto. Lumapit siya dun at binuksan ang pinto. Napatakip ako sa tenga ng makarinig ako ng tili galing kila stacy at lanie niyakap pa nga ako na parang ang tagal naming hindi nag kita.

"OMG!! You look fresh pa rin kahit may baby ka na. Sana all" lanie said. habang hinahawakan ang tiyan ko.

"Thankyou!"

"Kamusta? Patingin naman ako ng mga pinamili niyo sa baby mo" Stacy said habang naka pout. Tumango nalang ako at ibinigay sa kanila yung mga supot sabay naman nilang tinignan yun.

"OMG!! A girl? You're baby is a girl?" Gulat na sabi ni lanie. Tumango lang ako sa kanya kaya niyakap na naman niya ako.

"Parang bata. Gusto mo na ba ng baby love?" Natatawang tanong ni kyle kay lanie.

"Ako pa tinanong mo niyan ah. Bakit hindi mo tanungin sarili mo kung gusto mo na ba ng baby? Kasi ako oo. Eh ikaw?" Lanie said.

"Gusto na din pero wag muna ngayon. Si jessie muna. Hintayin natin manganak si jessie isusunod na kita" Pagbibiro ni kyle.

"Akala mo talaga totoo siya" Umirap lang si lanie kay kyle at tumingin sa akin "Hayss.. By the way jes. Umiinom ka ba ng mga vitamins mo?" Lanie asked me.

"Yeah! Umiinom naman ako wag kayong mag alala"

"Alagaan mo yang health mo ah para sa baby mo" she said.

"Yeah! I promise"

Nang matapos kaming kumain nanood lang kami ng movie dahil gusto daw ni stacy. Habang nanood kami ng movie napatingin kami sa pinto dahil bigla iyong nag doorbell nag katinginan pa kaming pito bago nagprisinta si kevin na siya nalang ang mag bukas.

Napahawak lang ako sa tiyan ko dahil biglang gumalaw yung baby ko yung tipong excited siya. Hindi ko alam kung bakit.

"Jes" Napatingin ako kay kevin na puno ng pag aalala kaya napakunot ang noo ko sa kanya "Andito siya" he said again.

Nanlaki lang ang mata ko at nataranta. Kaya pala gumagalaw yung baby ko dahil nararamdaman niya yung tatay niya. Shit paano na to.

"A-ano?"

"Pumasok ka muna ng kwarto. Tawagan mo si ashe. Bilis!" Pag uutos ni kevin sa akin. Agad naman akong sinamahan ni lanie at stacy sa kwarto at naupo sa kama.

"Shit, Kaya pala gumalaw bigla yung tiyan ko"

"Naramdaman ng baby mo ang presensya ng daddy niya" Stacy said. Napahawak nalang ako sa sentido ko at hinilot ito.

"Paano yan? Anong gagawin mo? Sasabihin mo na ba sa kanya?" Sunod-sunod na tanong sa akin ni lanie.

Huminga ako ng malalim at umiling "Hindi ko alam lanie"Nag sisimula ng pumatak ang luha ko dahil sa sobrang takot at pag aalala.

Paano kung malaman niya na may baby kami? Paano kung magalit siya kasi tinago ko sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Paano ba kase? Ito na ba yung oras?

Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako dahil sa ginawa niyang pangloloko sa akin. Parang bumalik din kasi sakin yung nangyare sa amin ni Elijah. Yung pangloloko din niya sakin.

"Jessie! Don't cry, magiging okay din ang lahat. Tinawagan ko na si ashe dahil hindi mo naman matatawagan yun sa sobrang pag aalala mo" Lanie said. At tumabi sa akin para i-comfort ako.

"Ang hindi ko lang alam. Paanong nandito si Ismael. Sino ang nag sama sa kanya?" Stacy asked.

"I think it's faye" Lanie said.

*****
Kevin POVS.

"Faye naman, Alam mong hindi pa handa si jessie na harapin si Ismael at mas lalong hindi pa handa si jessie na sabihin ang tungkol sa anak nila" Inis na bulong ko kay Faye.

"I'm sorry! Nagkita kasi kami sa isang fast food para bumili ng pagkain na dadalhin ko dito. Tinanong niya kasi ako kung saan ako pupunta edi sinabi kong dito sa condo nila ashe. Sorry na love, Wala naman kasi akong madadahilan. Mamimilit siya ng mamimilit" she said.

"Fine, If you want see jessie. Nasa kwarto siya. Pauwe na din si ashe dahil sinabi ko sa kanya"

"Okay! Pupunta muna ako sa kwarto" she said. bago tumayo at pumunta sa kwarto.

"Ismael, How's your flight? Nakauwe ka na pala?"

"Yeah! Hindi pa nga ako umuuwe sa condo. Kasi gusto ko sanang makausap si jessie ngayon, Nasaan ba siya?" tanong sa akin ni Ismael.

Mag sasalita na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun si ashe "Kevin, Where's jessie? Sabi mo may sakit siya?"

"Uhmm.. Nasa kwarto siya nag papahinga"

Tumango lang si ashe at napatingin kay Ismael "Ismael, What are you doing here?"

"I need to talk jessie, Pwede ko ba siyang puntahan sa kwarto?" Pagpapaalam ni ismael kay jessie. "Kakamustahin ko lang siya. If it's okay to you?"

"Uhmm.. W-Wait lang. Pupuntahan ko muna siya sa kwarto niya" Nauutal na sabi ni ashe bago nag paalam sa amin.

"Ismael, Alam mo naman na ayaw ka pang makausap ni jessie diba?"

"But i need to talk her, Handa na akong ipaliwanag sa kanya ang lahat" he said.

Huminga ako ng malalim bago tumango "Kausapin mo lang siya pero wag mo siyang gagawan ng milagro. May sakit siya"

Natawa ng sarcastic si Ismael bago tumango. Alam kong naiinis na siya ngayon dahil sa inaakto ko. Pero anong magagawa ko. Hanggat kaya kong protektahan si jessie. Po-protektahan ko siya kahit na bestfriend ko pa tong is ismael. Hindi pa niya pwedeng malaman ang tungkol sa anak nila.

Napatingin kami sa pinto ng kwarto ng bumukas iyon. Lumabas si ashe kasunod nila faye,lanie at stacy.

"Kausapin mo na! Sorry if natagalan. Ang hirap kasing pilitin ni jessie eh" Ashe said. Tumango lang si Ismael at naglakad na papunta sa Kwarto.

Agad na lumapit sila ashe sa amin at huminga ng malalim "Gosh! Ang hirap gumawa ng paraan na pwedeng mag painit kay Jessie"

Sabay-sabay kaming nag taka dahil sa sinabi ni ashe kaya napatingin sila samin "Alam ko nasa isip niyo, kaya tigilan niyo yan. Jinacketan lang namin siya para halatang may sakit talaga siya"

Agad naman kaming nag iwas ng tingin at kumain ng dala ni faye. "By the way, Kayo munang bahala dito kay jessie ah. Alagaan niyo siya. I have a meeting pa. Nag excuse lang ako. So I got to go see you later guyss"

*****

How Can I Move On [COMPLETE]Where stories live. Discover now