Chapter 36

8 0 0
                                    

7 weeks ago..

Pitong araw na akong nag papatakbo ng kumpanya. Minsan bumibisita si Ashe at si Ismael dito sa building. Wala kasi sila Kelly at Emily nasa ibang bansa sila dahil dun na sila titira kasama ang family nila.

Si ashe naman, siya lang ang andito dahil si tito kid at tita mae nasa london. Nag paiwan si ashe dito dahil sa pagiging model niya.

Napatingin ako sa pinto ng may biglang kumatok dun "Come in"

Narinig ko ang pag tunog ng doorknob hudyat na papasok na ang kumakatok sa pinto ko. Bumungad sa akin ang secretary ko habang nakangiti.

"Maam.. We have a new project" she said. Ngumiti lang ako sa kanya habang hinihintay ang sunod niyang sasabihin "Mag papagawa po ng mall ang client natin"

"Saang lugar yan? May binigay ba silang picture kung gaano kalaki ang lupang pag tatayuan ng Mall?"

"Opo maam" she said.

"Can i see?"

Ibinigay niya sakin ang papel kung saan naka drawing ang laki ng lupa. Napatingin naman ako sa kanya bago mag salita "Accept this project. Paki tawagan na din ang engineer natin at papuntahin mo dito para makapag usap kami about sa project"

"Okay maam" she said bago lumabas ng office ko. Napatingin naman ako sa cellphone ko ng bigla iyong tumunog bumungad sa akin ang pangalan ni Ismael kaya sinagot ko na agad yun.

"Yes, Babe"

(Wala lang.. I miss you! Lunch break ko kasi kaya naisipan kong tawagan ka)

"Hmm.. Okay.. I miss you too"

(Kumain ka na?)

"Hindi pa pero mamaya kakain na ako. Masyado pa kasi akong busy eh. Lalo na't may bago kaming project na gagawin"

(Oww.. Congrats babe!! Alam kong kayang-kaya mo yan. Pwede ba akong bumisita sa site kapag break time ko at wala akong gagawin?)

"Pwede naman basta may dala kang pag kain hehe alam mo na gutumin ako"

(I know right.. Tsaka alam kong kaya din yan asikasuhin ni Kevin)

"Yeah! Kaya parehas kaming busy this week. Hayss.. Sana maging successful ang gagawin naming project"

(Magiging successful yan. Tiwala lang.. I trusting you alam kong magaling kang Architect. Kaya nga mahal kita eh)

"Baliw ka talaga.. Sige na! Mag meeting pa kami for the project. Bye!! See you later"

(Wait.. May baby time ba later?)

"If you want. Fine"

(Yown!! Bye babe.. I love you)

"I love you more"

Pinatay ko na ang tawag at ibinaba ang cellphone sa lamesa. Tinignan ko naman ang drawing ko. Soon ako naman ang mag papagawa ng bahay kay kevin.

Narinig ko ang pag katok sa pinto at pag bukas non. Ngumiti ako kay kevin na agad naman niyang sinuklian. Naupo siya sa sofa ako naman tumayo at sumandal sa lamesa ko.

"Can i see the details?" He said.

"Uhmm.. Yeah!" Ibinigay ko sa kanya ang details at tinignan naman niya yun.

"Malaki siya ah, Kailan sisimulan to?" he said.

"I think this week na kapag natapos ko na ang design"

"Okay! Tawagan mo nalang ako. By the way kailan mo balak bumisita sa site. Para naman macheck mo yung ginagawa namin na bahay. Mamaya hindi mo naman pala gusto yung mga tiles at semento na ginagamit namin" he said.

"Buang.. Kilala naman kita. Puro imported gagamitin mo. Pero siguro kailangan ko ng bumisita. Ano? Sabay na tayo?"

"Sige ba! Tara na" he said. Tumango nalang ako bago kinuha ang bag ko at cellphone. Sabay kaming lumabas ng office ni Kevin.

"Alice" Tawag ko sa secretary ko "I need to go to the site now. You take care of the company. Okay"

"Sige po maam. Take care" she said.

"Thank you"

Umalis na kami ni Kevin at pumunta sa parking lot. Tsaka sumakay ng kotse. Nauna siyang lumabas sa akin kaya sinundan ko nalang siya.

Mabilis naman kaming nakarating sa site. Pinarada ko muna ang kotse sa gilid at bumaba na. Nakita kong maayos ang pag tatrabaho nila kaya hindi ko na kailangan mag react sa kanila.

"Maam, Jessie" Napatingin naman ako sa tumawag sa akin. Ngumiti ako kay Carl na agad din naman niyang sinuklian

"Ngayon lang po kayo ulit bumisita dito ah" he said.

"Yeah! Medyo busy kasi sa kumpanya. By the way how's work?"

"Ito malapit na matapos. Balita ko po may bago na namang project ah" he said.

"Hey! Jessie. Wear it, just in case something goes wrong and doesn't hit your head" kevin said.

Ngumiti lang ako sa kanya at kinuha ang hard hat tsaka ito sinuot "Thank you"

"Engineer, Lopez. Go back to your work. Tama na daldal" Kevin said.

"Pwede 5 minutes engineer?" Carl said.

"Okay.. Ililibot ko muna si jessie dito sa site. After your 5 minutes go back to your work huh" Kevin said.

"Engineer.. Pwede sumama?" Carl said.

"At bakit?!" Kevin said.

"Sige na please.." Carl said.

"Arghh!! Fine" kevin said at nauna ng nag lakad sa amin kaya sumunod nalang kami sa kanya ni carl.

Naglibot lang kami dito sa site hanggang sa ipakita sa akin ni kevin ang mga ginagamit nila. Natuwa naman ako kasi ang gaganda ng mga binili nila. Inaya ako ni kevin sa office niya si Carl naman bumalik na sa trabaho niya dahil tapos na ang 5 minutes break niya.

"So, How's Ismael? Nasabi mo na ba sa kanya na aalis ka dahil sa project na gagawin mismo sa new york?" He asked me.

Huminga ako ng malalim at kumuha ng tubig sa water dispenser bago siya harapin "Hindi pa.. Siguro mamaya. Pag uwe ko sa condo"

"Wag mo ng patagalin yan jessie. Kailangan mo ng makapag paalam sa kanya. 5 days nalang ang natitira" he said.

"I know.. Ilang months ulit tayo dun?"

"I think, It's 6 months and so on. Hindi naman agad-agad matatapos ang mall eh" he said.

"Yeah, I know. Siguro sasabihin ko sa kanya mamaya"

"Good! So ano? Babalik ka na ba sa kumpanya?" he said.

"No.. I want to rest na. Siguro uuwe na ako sa condo"

"Okay! Take care" he said. ngumiti lang ako sa kanya at nag paalam na para umuwe. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang pag punta ko sa new york for the project.

Bakit kasi ang kumpanya ko pa ang napili ng kaibigan ni kuya na nasa New york.. I don't have choice. Sana lang pumayag siya

*****

How Can I Move On [COMPLETE]Where stories live. Discover now