Chapter 40

8 0 0
                                    

Isang malakas na tunog mula sa alarm clock ko ang nag pagising sa akin kaya napatayo na ako at pinatay ang alarm clock. Agad naman akong bumangon at dumeretso sa banyo para maligo na.

Mabilis din naman akong natapos kaya lumabas na ako at nag bihis. Habang nag bibihis ako nakatanggap ako ng text mula kay kevin.

From: Kevin

Goodmorning!! Maligo ka na. It's time for our work.

To: Kevin

I'm awake and I'm finish my shower. Nag bibihis nalang. Goodmorning din.

Tinapos ko na ang pag bibihis ko at nag lagay ng konting kolorete sa mukha ko tsaka uminom ng vitamins. Nang matapos na ako tsaka ko inayos ang mga dadalhin ko at lumabas na ng kwarto.

Muntik pa akong matumba dahil sa pag kakagulat ko. Bwisit na kevin "Mag kakasakit ako sa puso neto kevin eh. Bakit hindi ka kumatok?"

"Tinatamad akong kumatok kaya hinintay nalang kitang makalabas" he said.

"Hayss.. Fine!! Let's go"

Nauna na akong nag lakad kay kevin. Nang makababa na kami sa ground floor agad naman kaming sumakay ng taxi papunta sa sight.

Habang naghihintay bigla nalang tumunog ang phone ko at tinignan kong sino ang tumatawag. Nag taka naman ako dahil sa pag tawag ni Engineer, Velasquez. Isa sa mga engineer ko. Kaya sinagot ko na yun.

"Hey!"

(Maam, Meron po tayong problema)

"Anong problema yan? About ba sa trabaho?"

(Opo maam)

"Fuck! What's wrong?"

(Nag rereklamo po ang cliyente natin. About sa mga materials)

"Bakit? Anong meron sa materials?"

(Pinapapalitan po nila ang materials na gagamitin. Ayaw daw po nila ng materials na binili namin. Pero kinakausap na po ni Mr.Stanley ang client. Don't worry madame)

"I guess maaayos ni daddy yan. Sige na go back to work. Andito na kami sa sight"

(Okay ma'am. See you soon po)

"Okay! see you soon"

Nang makarating na kami sa sight, Bumaba na kami at pumasok sa loob. Nakita kong nag uumpisa na silang buhatin ang mga kahoy na gagamitin nila kaya dumeretso na ako sa office ko para ilapag ang gamit ko.

Habang nag aayos nakarinig ako ng pag katok sa pinto kaya tumayo ako at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang nakangiting reaction ni Carl.

"Kailangan mo?"

"Wala! Tara na gala tayo sa sight" he said. "Tsaka patingin mo na din samin yung drawing mo. Daya mo eh kay kevin mo lang  pinakita"

"Sige, Wait lang tapusin ko lang yung ginagawa ko. Susunod na ako"

"Ano ba ginagawa mo? Tulungan na kita" pag piprisinta ni carl.

"Mag make-up. Marunong ka?"

"Hindi! Sige na.. Sumunod ka na lang.. Babye!!" he said bago umalis at lumapit kay kevin. Napahinga nalang ako ng malalim bago ko sinarado ang pinto at tinapos ang ginagawa ko.

*****

How Can I Move On [COMPLETE]Where stories live. Discover now