Chapter 25

8 0 0
                                    

7 Days ago..

Ngayon na ang kasal ng ex kong tukmol ayoko nga sana pumunta dahil wala naman akong gagawin dun. Ngingiti lang tapos papalakpak at papanoorin yung dalawang mag lampungan sa harap ko kaso mapilit ang parents ko. Mawawalan daw ako ng allowance kapag hindi ako sumama at dahil mahal ko ang allowance ko kaya sasama ako.

"Jessica anak! Bilisan mo na diyan at baka malate tayo sa kasal" Sigaw ni mommy mula sa baba.

"Opo.. Pababa na"

Nang matapos na akong lagyan ng kung ano-ano ang bag ko lumabas na ako ng kwarto at sinalubong ako ni kuya.

"Oh, Baka mamaya may dala kang bomba diyan sa bag mo ah" Natatawang saad ni kuya.

"Oo meron pero hindi ko papasabugin sa simbahan o sa reception kundi sayo"

Inirapan ko nalang si kuya at bumaba na para puntahan sila mommy. Sumunod naman si kuya sakin habang natatawa pa.

okay.. Naasar na naman niya ako..

Lumabas na ako ng bahay at sumakay na ng kotse. Sumunod naman na sumakay si kuya. Pinausog pa nga ako dahil hindi daw siya kasya kasi mataba ako.

Sana totoo..

Tahimik lang ako habang nasa biyahe kami papunta sa simbahan at nang makarating kami dun agad naman na pumarada si dad at bumaba na kami.

"Bessy!!" Sigaw ng mga kaibigan ko. Wow ah kala mo matagal na hindi nag kita napatingin silang tatlo sa bag ko at napakunot ang noo tsaka tumingin sa akin kaya napataas ang kilay ko sa kanila

"Anong laman ng bag mo?" Tanong ni Ashe sakin. Kaya mas lalong tumaas ang kilay ko.

"Baka may bomba yan ah at pasabugin mo ang buong simbahan. Wag ganon sis" Kelly said.

"Oo nga.. Sayang naman yung kasal" Emily said.

Napairap ako sa kanila ng marealize ang ibig nilang sabihin "Alam niyo.. Para kayong si kuya drake, Bakit ba ang big deal sa inyo na nag dala ako ng bag?"

"Nag iingat lang tayo sis. Baka kasi alam mo na" Ashe said.

"Anong akala niyo, may dala akong bomba? Hindi ako sindikato mga buang"

"Akala lang naman namin" Kelly said.

"Kung nag dala man ako ng bomba kanina ko pa pinasabog. Ayoko ngang umattend dito sa kasal eh"

"Eh bakit umattend ka pa?" Emily asked me

"Because I love my allowance. Ang sabi ni mommy sakin kapag hindi daw ako sumama tatanggalan daw niya ako ng allowance this week. Eh ayoko naman non wala na akong pera"

Natawa naman sila at inaya na ako sa pila dahil mag uumpisa na ang ceremony. Partner ko si kuya kaya bwisit ako. Paano ba naman kasi nang aasar na may bomba daw ang bag ko.

Parang mga tanga amp.

After an Hour's

Nakikinig lang kami sa pari at nanonood ng kasal. Naboboring na ako. Kainis talaga dapat talaga hindi na ako sumama eh kaso mahal ko ang allowance ko kaya no choice.

Isang oras lang ang bawat kasal pero parang dalawang oras na ang wedding ceremony nila. Nagugutom na din ako.

"Kayo ngayon ay ganap na mag asawa na. Sana ay matupad niyo ang inyong mga ipinangako sa bawat isa. You may now kiss the bride" Rinig kong sabi ng pari. Napatingin ako sa kanilang dalawa hindi ko alam kung paano nangyare na tumulo nalang bigla ang mga luha ko.

Nasasaktan ako..

Nasasaktan akong makitang maging masaya siya sa iba. Na dati ako yung nginingitian niya, Na dati ako yung nagiging dahilan ng kasiyahan niya, Na dati ako yung andiyan para sa kanya pero ngayon.

Iba na..

Iba na ang taong mahal niya, Iba na ang nag papasaya sa kanya, Iba na ang nginingitian niya at iba na ang taong nasa tabi niya.

Hindi ko na napigilan ang sakit kaya napatakbo nalang ako bigla palabas ng simbahan. Alam kong madaming nakakita pero as if i care.

Nasasaktan ako ngayon kaya wala akong pake kung maging issue man ako. Narinig ko pa ang pag tawag ni kuya drake at ng mga kaibigan ko sa akin bago ako tuluyan na makalabas ng simbahan.

Naupo na lang ako ng tuluyan na akong makalayo sa simbahan. Naramdaman ko ang pag tulo ng luha ko galing sa mata ko napayuko at hinayaan ko nalang na umagos sila. Mapapagod din naman sila sa pag bagsak eh

"Jessie!" Tawag sa akin ng kung sino mula sa likod ko. Kaya napatingin ako dun at bumungad sa akin si kuya na halatang nag aalala sa akin.

Hindi ko alam kung paano pero bigla nalang akong tumakbo palapit kay kuya at niyakap ito habang umiiyak. Hinagod naman ni kuya ang buhok at likod ko para lang i-comfort niya ako.

"Shh.. Don't cry!! I know you are hurting now. Pero jessie please don't cry na. Naiiyak din ako sayo eh" he said.

"Masakit kuya.. Akala ko okay na ako. Akala ko masaya na ako at nakalimutan ko na siya pero bakit masakit pa rin. Masakit na makitang yung dating akin. Napunta na sa iba"

"Shh.. I know you'll be okay. Not now but I know someday. Malay mo makahanap ka ng iba. Nang mas higit pa sa kanya. Yung mamahalin ka, yung gagawin kang prinsesa, yung aalagaan ka at higit sa lahat yung hindi ka sasaktan at hindi iiwan" Nakangiting sabi ni kuya habang hawak ang dalawang balikat ko.

"Pero kuya.. Mahirap ng makahanap ng katulad niya"

"Tama ka, Mahirap makahanap ng kagaya niya pero alam ko na mas higit pa rin ang bago. Mas ipaparamdam niya na dapat yung kagaya mo ang pinipili at hindi sinasaktan" he said.

Hindi ko alam pero gumagaan ang loob ko kapag si kuya ang kausap ko. Yung tipong handang makinig sayo. Yung handa kang pangaralan yung tipong magaling mag advice at swerte ako dahil siya yung kapatid ko. Handa siyang pakinggan lahat ng problema ko at siya lang ang matatakbuhan ko kapag nasasaktan at hindi ko na kaya talaga.

"Thank you kuya!! Swerte ko talaga sayo. Kasi ikaw yung kapatid ko. Pinapagaan mo yung loob ko"

"Syempre! I'm you're brother at ayokong nakikitang nasasaktan ka ng dahil sa kanya" he said.

"Thankyou talaga kuya. I need to rest"

"Okay!! Mag papaalam muna ako kila mommy na ihahatid kita sa bahay ngayon. Susunod nalang ako sa reception" he said bago ngumiti at pumasok sa loob.

Kailangan ko na talaga siya palayain. Ayokong masaktan lalo ng dahil sa kanya. Napapagod na ako at hindi ko na kinakaya.

*****

How Can I Move On [COMPLETE]Where stories live. Discover now