Chapter 37

2.6K 81 1
                                    

Chapter 37

Our activities ended, and 'yung isa sa team ng college student 'yung nanalo. Actually, they don't have a complete flag either, but they are the ones who have seen the most flags. Karamihan sa mga team hindi pa nakahap ng hanggang limang flag, gaya na lamang ng sa team namin. We only found four flags.

Shaking my head, I carried the black flag I found earlier and approached the winning college student. Well, I got one of the three missing flags on them. Sinabi ni Sir Duke kanina na pwedeng i-turn over 'yung flag na hindi sa team niyo para makakuha ng kahit na maliit na papremyo.

Nanghihinayang din naman ako sa candy na maaring makuha ko rito so..

"Thank you!" ani ko roon sa nagbibigay nung prize at masakit man ang paa ko ay mas mabilis ko pa ring nakuha 'yung isang supot ng lollipop. Nararamdaman ko kaseng ito rin ang balak piliin nung kasabayan ko.

Tinignan ko 'yung babae sa gilid ko nang subimangot siya ngayon. Mukhang gusto niya rin talaga ng lollipop.

With a small smile appeared on my lips, I took five lollipops and handed them to her. Although embarrassed, she thanked me but I just giggled at her.

I returned to my seat and sat down as soon as I caught sight of Sir Duke; who was on his way to the Hotel. Hindi ko makuhang umiwas ng tingin nang magtama ang mga mata naming dalawa. Bahagya niyang itinigil ang paglalakad. Nag-cross arm siya as if ready nanaman sa staring contest na tila palaging nangyayare sa amin.

Napatingin ako sa palligid. Kinakabahan ako dahil baka may makapansin sa ginagawa niya at gaya ko ay manibago sila. Pero mukhang wala naman kaya muli ko siyang nilingon. Naabutan ko naman siyang tahimik akong iniilingan. Sa asta niya ay mukha siyang amuse dahil ngayon pa ako nangamba.

Napanguso ako.

Napakadali naman niya akong basahin! Binuksan ko na lamang ang isang lollipop sa kamay ko.. habang ang atensyon ay nasa kanya pa rin.

Tumaas ang sulok ng labi niya.

Nag-init ang magkabilang pisnge ko. Sumisipsip ng lollipop akong nag-wave para magpaalam na sa kanya. Baka gusto na niyang magpahinga at iniistorbo ko pa siya.

Duke smiles at me genuinely as if already reading my thoughts. He stared at me softly until his eyes slowly darted to my parted lips. He suddenly gulped, and I'm not sure if he's aware na pinapanood ko lang ang reaksyon niya dahil mas lalo pang tumagal ang tingin niya roon.

Nangunot ang noo ko.

Gusto rin ba niya ng lollipop?

Napaiwas siya ng tingin. Hinanap ko ang mga mata niya pero naging mailap na ito. Tumalikod siya, pero bago siya pumasok sa Hotel nila ay nag-wave siya sa akin.

Napangiti naman ako.

Now, this is something. Sana naman hindi na ito mausog pa.

"Pahingi naman n'yan." Napaangat ang tingin ko kay Prince nang bigla nanaman siyang sumulpot sa kung saan.

Kumuha ako ng dalawang lollipop at inabot ito sa kanya gaya ng gusto niya. I'm in a good mood today. Mahina siyang natawa, at sinabi namang isa lang daw ang gusto niya.

"Isa nga lang.." aniya pa.

Napanguso ako. "Hindi naman kita pinipilit ah!"

He only chuckled.

Prince seat beside me.

"Hindi na nga pala ako makakasabay sa'yo sa bus.."

"Bakit?" tanong ko, at gulat siyang tinignan.

I LIKE YOU, SIR!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon