Chapter 10

4.1K 113 1
                                    

Chapter 10

Pagkarating ko sa Supreme Student Government Office ay kaagad nila akong pinagbuksan ng pintuan. Mukhang nasilip nila sa cctv iyong pagdating ko. Inangat ko ang braso ko at ipinunas iyon sa aking sintido. Pawis na pawis ang noo ko. Malamang na mukha na akong dugyutin.

Inilapag ko sa sahig ang kahon na dala ko at naghahabol ang hininga silang tinignan pagkapasok ko. Wala namang napalingon sa akin, and I'm thankful for that. Lahat sila ay abala sa kanya-kanyang gawain.

Daig pa nilang office worker sa sobrang busy nila ngayong umaga. Kaya ayokong nagiging officer, mapaschool man iyan o classroom pa lang. Dodoble talaga iyong responsibilities mo as a student.

"That's the paper works—Mrs. Texas told and asked me to bring here." ani ko sa taong pumansin sa akin dito.

"Oh, thank you. But where is Professor Sudalga?" I shrugged my shoulder. Hindi ko naman kase talaga alam kung nasaan siya ngayon.

Silently, my eyes can't help but searched for the SSG president. When I noticed he was not here in their quarter, I looked at the SSG treasurer who was starting to hand over the papers to her co-officer. Pasimple akong umalis sa harapan niya at pumasok sa opisina ni Prince.

Naabutan ko naman siyang nagtatanggal ng suot niyang necktie. Ang kamay niya ay nakahawak na sa pinakabuhol nito habang abala naman ang kaliwa niyang kamay sa paghawak doon sa mga frame na nakadikit sa wall.

"Good morning." Pagkuha ko sa atensyon niya, and he instantly turned to where I am. Our eyes met. But his forehead furrowed as he looked at me, confused.

"What are you doing here Miss Morgan?" He asked, still frowning.

"Here," I handed him the sky flakes I was holding, and kind of averted my gaze.

"What is it?"

"Let's just say, I know how to acknowledge those people who help me." I murmured while peering at the frames he had looked at earlier. 

Hindi ko nakita ang reaksyon niya, pero nararamdaman ko namang natigilan siya.

I gently skimmed the medals that hanging on the flank. Parting my lips, my eyes narrowed because most of it are brain opposition. Quiz B, math and science testing, literature, sports, and much more.

I'm not familiar with other symbols, but I guess it really existed. I'm not interested in participating in any activities/program inside or outside of our school. My brain intellect is just enough for perseverance whether to pass or not.

Aaminin ko man o hindi tamad akong mag-aral, pero may time naman na hindi rin. Sa katunayan, nakakasagot ako lagi sa mga recitation. Pero hindi ganun ka-amusing iyong mga answers ko. Sa quiz at test ay sakto lang din naman. Iyong tipong talinong pang-estudyante lang talaga.

Tumataas lang ang grade ko kapag may presentation, project, or reporting dahil doon ako magaling. Hindi kase ako mahiyain tulad ng iba, pero never akong sumali sa mga activities na parang may competition.

Sa totoo lang, naiinis ako kapag may mga student na naglalaban-laban para sa academic objectives. Iyong tipong dahil gusto nilang makapunta sa ranking, o maging top achiever ay nagiging desperada sila. 

Hindi ko rin naman sila masisisi, sa performance task at grade kase malalaman kung sino talaga ang magaling at mahusay—which is nagbibigay ng image or nagpapataas ng ego ng isang estudyante. Ayun nga lang ay nagkakaroon ng kompetisyon na dapat hindi naman nangyayare. Nandito kami sa school para mag-aral at hindi mag-away. Matuto at hindi magpasikat lang, makinig at hindi magmayabang.

I LIKE YOU, SIR!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon