❂14

14 4 0
                                    

7 months na ang tiyan ko. Sobra na siyang magalaw. Everytime na kinakausap ko siya, hindi ko maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko. I was so excited to know kung babae ba siya o lalaki. Kahit maging ano man siya, mamahalin ko siya.

I will be a mother and father para sa kanya. Ako ang bubuo sa pamilyang kailangan niya.

Ano ngayon kung ayaw ni Gleo? Of all guys, siya na yata ang hindi natuwa na magiging Tatay na siya. Unfair siya!

Sabi niya hindi siya handa. Bakit ako? Handa ba ako? Pareho lang naman kami pero ako nakapag-adjust ako sa mga bagay na hindi ko pa alam, na bago para sa akin.

Ngayon ako nagising sa katotohanan na wala na akong dapat asahan mula sa nag-iisang tao na minahal ko.

Ayoko na talagang umasa dahil wala rin namang aasahan.

Sana lang hindi na kami magkita. Sana hindi na mag-krus ang landas namin.

I hate him!

I hate you, Gleo!

***

October 24, 2012 ganap na alas-tres ng hapon noong isilang ko ang aking anghel. Ang aking Unica Ija. Pinangalanan ko siyang "Klea"

Thirteen days na siya sa piling ko ngayon. I'm so happy kasi mommy na ako. Mommy na talaga ako. Ramdam ko ngayon ang saya na nararamdaman ng bawat ina matapos magsilang ng sanggol.

Nagpapasalamat ako sa Diyos na kahit apat na araw akong nag-labor, normal ko siyang naipanganak.

Sa bawat puyat ay mas na-challenge ako. Nagbre-breast feed din ako kaya "super sexy" ako. HAHAHA

I don't mind if ayaw ni Gleo na makita ang anak niya. Ang mahalaga ay kinakaya kong gampanan ang pagiging ina at ama sa anak ko na katulong ang aking pamilya.

Blessing ang baby ko sa buhay ko at sa aming pamilya. I never felt guilty sa lahat ng nangyari. I love my baby Klea so much. Kaya wala na akong ibang mahihiling pa.

Habang pinagmamasdan ko ang anak ko sa pagtulog niya, kapag nagigising siya, maging sa pag-iyak at pag-ngiti niya ay natutuwa ako. Ganito pala ang feeling na maging isang ina. Hindi maipaliwanag ang nararamdaman. Sa bawat pawis habang inaalagaan ko siya, mas nacha-challenge talaga ako. Lalo pa at ako lang ang nagsisilbing magulang niya.

Hindi naman ako pwedeng maging Fairy God Mother para i-magic na dumating si Gleo.

Alam naman ni Gleo ang papel niya sa buhay ni Klea.

Almost nine months and thirteen days after I gave birth to my baby, walang Gleo na naglakas-loob na kumustahin ang batang ipinagkaloob sa amin.

Mula noong nagdalang tao ako...wala siya. Wala si Gleo sa tabi ko. Wala siya noong mga oras na kailangan ko siya. Wala siya noong sinugat ang buo kong katawan at hindi ako makalakad. Sobrang maselan ang pagbubuntis ko at doon sa point na manganganak na ako... wala rin siya.

Lahat ng paghihirap ko, napalitan ng saya noong isilang ko si Klea. Masaya ako kasi hindi na ako mag-isa. Kapiling ko ang anak ko. Kung sasabihin ni Gleo na kawalan siya? Hindi! Hindi siya kawalan.

Ang Panginoon ang bahala sa amin ng anak ko. Dahil alam ko na mahal na mahal niya ako at hindi niya kami pababayaan.

Challenging maging Mommy and Daddy. I don't mind kung anong iniisip ng isang tao around me. Either pag-tsismisan nila ako or kawaan.

Hindi ko naman kasi nararamdaman ang awa sa sarili ko. Never. Kasi ginusto ko rin naman. I'm really happy everytime na ngumingiti ang anak ko. I consider her as a blessing to me at the sametime sa family ko. Early gift siya sa akin ni Lord this coming christmas. Kagaya nga ng palagi kong sinasabi, wala na akong mahihiling pa. Kontento na ako sa buhay ko with Klea.

Lahat ng bagay ipinagpapasalamat ko na. Salamat na lang din kay Gleo Cruz dahil kung wala siya, wala sana akong Klea ngayon.

Mahal ako ng Diyos kasi binigyan niya ako ng pamilya na walang sawa ang pagmamahal sa akin, mga kaibigan na patuloy ang suporta at siyempre isang anghel na mamahalin ko, iingatan at aalagaan na makakasama ko sa buhay ko.

My Almost | ✓Where stories live. Discover now