❂01

61 5 0
                                    

Simple lang akong tao na marunong magmahal at kadalasan nasasaktan. But thankful din ako na once na nasaktan ako, natututo ako na itama ang lahat ng pagkakamali ko.

Tahimik lang ako at suplada pero mabait naman ako. Iba't iba man ang impressions ng ibang tao sa akin, simple lang talaga akong babae. Hindi perpekto pero mapagmahal na tao.

I am also a person who loves adventure. I consider all my problems as adventure in my life. That is why I really enjoy it.


»»----- - -----««

Almost three years bago ko muling nabuksan ang lumang diary ko. I was so innocent at that time when I was inlove with my schoolmate... Gleo.

Third year ako that time at palagi akong kasama ng bestfriend kong si Nori. She's a long time friend of mine since elementary.

Everytime na mapapadaan ako sa room nila Gleo, palagi siyang nagpapapansin through Nori. Hindi ako nagkakamali na sa tuwing makikita niya ako ay palagi niyang tinatawag ang pangalan ko na kaagad din naman niyang nakakalimutan.

"Jomariz"

Mahirap nga sigurong tandaan.

Gleo is a guy na hindi naman masasabing sobrang gwapo pero siya ang typical guy na nagustuhan ko. Siguro dahil magkaiba kaming dalawa? Siya kasi yung lalaking pasaway at papansin but despite of all his attitudes, masasabi ko na kinikilig ako sa mga 'yon.

Isa siyang mahusay na basketball player sa batch namin. Kilalang-kilala siya sa campus. Kahit sinong teacher hindi makakaiwas sa pagiging pasaway niya. I don't know kung bakit of all girls in the campus, napansin niya ako.

I admit na gustong-gusto ko kapag nakikita ko siya at makikita niya ako. And then, gagawa siya ng reason para lang mapansin ko siya. Through that, na-inlove na yata ako sa kaniya. Kahit na sa palagay niya ay deadma lang siya sa akin, ok na 'yon. But deep inside me, hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko.

Ang lakas ng tibok ng puso ko kapag nakikita ko siya.

Natatandaan ko pa...

Isang araw na lang at malapit nang magpasukan. Excited ako na makita ang mga classmates ko and also my tropapits-ang aking mga kaibigan. Iniisip ko rin kung may bago kaya kaming classmates from other section.

Ano kayang section ko? Classmates ko pa rin kaya ang mga dati kong classmates?

Well, I have a lot of questions in my mind and even thinking about Gleo- a guy who always wants to know my name.

Naisip ko siya kasi balita ko rumble ang section. So there's a possibility na maging classmate ko siya. O my heart! Parang bibigay ang dibdib ko sa sobrang kaba sa naiisip ko.

Ayokong maging classmate si Gleo dahil ayokong ma-distract ako lalo na ang puso ko.

My Almost | ✓Where stories live. Discover now