❂09

22 4 0
                                    

July 9, 2012

Ewan ko ba kung dapat ba akong matuwa dahil ok na kami ni Gleo. Hindi ko alam kung tama na nakikipag-mabutihan na naman ako sa kaniya. Wala akong alam na dapat kong gawin. Mahirap man pero tinanggap ko na rin na ayos na kami.

Susugal ba ako dahil mahal ko siya o susugal ako para sa anak namin?

Aminado ako na mas sumigla ako at sumaya sa simpleng pagbabago ni Gleo. Nabawasan ang bigat sa dibdib ko. I really wish na sana magbago pa siya. Na sana someday ma-realized niya na gusto niya rin pala ako.

Grabe. Ang hirap umasa sa isang bagay na hindi ako sigurado na matutupad. Gusto kong maging totoong masaya na walang pag-aalinlangan sa nararamdaman niya para sa akin. Mahal na mahal ko si Gleo. Isang malaking challenge sa buhay ko ang buksan ang puso niya para mahalin niya rin ako. Hindi ko alam kung ano at paano ko gagawin na muli siyang maging akin.

Tsk. Tsk. Tsk.

Ang hirap ng sitwasyon na ganito pero parang wala lang sa akin ang lahat. Kahit ulitin ko ang lahat ng mga nangyari at ang sakit na pinaramdam niya, ang pag-iwan sa ere at ang pagbibintang na may iba akong boyfriend na posibleng ama ng dinadala ko.

Hindi ko lubos maisip na darating sa puntong gugustuhin ko nang mamatay. Lumabas ang kahinaan ko na tumayo at lumaban. Naging lampa ako ng dahil sa pag-ibig na 'yan.

Sinabi sa akin ni Gleo na walang kulang sa akin, na maganda ako. Kaya lang hindi pa siya handa. Ok naman kaming dalawa. Habang tumatakbo ang oras, mas lalo kaming nagkakasundo. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan. Ayoko na masaktan pa. Baka this time kasi, hindi ko na kayanin pa.

God knows how much I love Gleo. Mahal na mahal ko siya pero ayoko ng masaktan ulit. Pagod na ako.

My Almost | ✓Where stories live. Discover now