❂13

15 4 0
                                    

Naiinip na ako sa paglabas ng baby ko. Gustong-gusto ko na siyang makita at mahagkan. Ano kaya siya? Boy or girl?
Magaan ang pakiramdam ko ngayon kasi nakita ko ang kahalagahan ko sa pamilya at sa mga kaibigan ko. Walang sawa nilang pinaparamdam sa akin ang pagmamahal. Tama ang Tatay ko. Kailangan kong kalimutan ang kahapon at isipin ang kinabukasan.

Ang natapos na ay mananatili sa nakaraan at hindi ko na kailangang ibalik pa iyon. I am now a "Strong woman" who knows kung ano ang tama at mali.

Mali na mahalin ko ang isang tao na hindi naman karapat-dapat na mahalin. Mali na ipagpilitan ko ang sarili ko. Wala ng bigat sa puso ngayon kasi I learned to accept the fact na sa ngayon "Talo ako"

I am not expecting anymore. Basta magpo-focus ako sa buhay ko. Pati sa mga tiwalang nasira ko. Loveless man ako, so what? I don't care! Hindi ako manghihinayang sa taong ako mismo ang sinayang.

***

Almost one week na rin akong hindi nagte-text kay Gleo. Sa isang linggong nagdaan, napakahirap. Ewan ko ba. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na hindi ko na siya pagtutuunan ng pansin. Madalas kong isipin na hindi ko na hahayaang saktan pa niya ako. Pero kahit ganon, affected pa rin ako. Hindi ko maiwasang hindi siya isipin.
Sumasagi sa isip ko ang naparaming katanungan. Naiisip niya kaya ako? Nagsisisi ba siya?

Ayoko ng ipaglaban ang karapatan namin ng anak ko. Hindi ko na kailangang maghangad ng pagmamahal mula kay Gleo. Mahal ako ni Lord kasi ramdam ko na ngayon ang pag-ibig niya. Sobra na ang pagmamahal na natatanggap ko mula sa kanya, sa pamilya ko at sa mga kaibigan ko. Kalabisan na kung maghangad pa ako mula kay Gleo.
Hindi siya ang deserving na mahalin. Siguro nga hindi talaga kami para sa isa't-isa.

Habang patuloy ang araw, oras at walang tigil na pagbuhos ng ulan, patuloy rin ang takbo ng buhay ko. Everybody takes different path at kung ano man ang mangyari sa buhay ko, iyon ay dahil pinili ako ni Lord para dito. Alam niya na kaya ko ito.

My Almost | ✓Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz