❂02

39 5 0
                                    

Days passed. Natapos na ang summer vacation. Back to school na naman. Nawala na siya sa isip ko.

I was busy talking about my summer vacation with my friends. Napahinto ako sa pagsasalita ng pumasok na yung adviser namin sa classroom. I feel nervous the moment she said that the section is rumble. Alam ko na naman pero hindi pa kasi sure yung dati. Ngayon, sure na sure na. Napahiwalay tuloy yung iba kong friends.

Nalulungkot ako pero mas nangibabaw yung gulat at kaba ko when I saw him entering our classroom. Tama! Si Gleo nga ang pumasok sa room ng St. John kung saan magiging classmate ko siya.

Oh my heart! Hindi ko ma-explain kung anong nararamdaman ko. Basta sa puso ko, hindi ko kayang mag-concentrate na kasama si Gleo. At that time, nagpapasalamat ako na naubos ang time ko at ang isang buong araw sa mga kwentuhan at discussions. Halos nawala na sa isip ko si Gleo.

Bigla ko lang siyang naalala noong tinawag ako ni Nalyn "Jomariz tawag ka"

"Nino?" tanong ko pabalik.

"Ayun oh" sabi niya habang itinuturo si Gleo.

Si Gleo ang nagpapatawag sa akin. He was smiling at me na parang anytime ay malulusaw na ako. I don't know kung nag-blush ba ako. Alam ko kasi na may crush siya sa akin. Instead of pansinin siya, dinedma ko lang siya kagaya ng palagi kong ginagawa. As if wala lang talaga sa akin.

Nagpapanggap talaga ako! Everyday siyang nagpapapansin sa akin, saying "Hi" and "Hello"

Sobrang speechless ako kaya deadma lang talaga ako. Nahihiya ako sa kaniya. Nalilito rin at baka kung ano pang sabihin ng iba naming classmates. Pinanindigan ko talaga na hindi siya pansinin. At hindi ko alam, hindi namalayan na sa bawat araw na nagpapapansin siya sa akin, mas nahuhulog na talaga ang puso ko sa kaniya.

Akala ko kasi, it was just a "puppy love"

Hindi naman kasi ito ang first time ko na ma-inlove pero bakit ganito? Ibang-iba yung feeling kaysa sa mga naging crush ko noon.

I was so happy kasi inlove na ako sa kaniya pero it is a secret. He doesn't even know na may feelings na rin ako sa kaniya. Palagi ko siyang naiisip. Everytime na naalala ko ang mga pagpapapansin niya sa akin? Natatawa talaga ako at natutulala.

Oh gosh. I'm totally inlove with him. Every night siya ang laman ng dreams ko. Kinikilig talaga ako kasi lovestory ng isang prinsesa at prinsipe ang tema ng panaginip ko. At siyempre ako ang prinsesa na iyon.

Doon sa panaginip ko, iniligtas ako ni Gleo sa umaapoy naming bahay. Binuhat niya ako palabas. Sumugod siya sa apoy just to save me. And that is our intimate moments. My dreams. Sa panaginip lang pala.

Bago ako matulog ay siya ang naiisip ko at hindi na ako magtataka na pati sa panaginip ay kasama ko siya. Kung pwede nga lang na hindi na magising pa. I was really hoping na sana totoo na lang ang lahat ng iyon pero imposible naman.

Bigla akong na-sad kasi hindi ko naman siya pinapansin. Pero ok na rin sa akin dahil kahit sa dreams ko lang ay nakakasama ko pa rin siya. Sa kabilang banda, parang mali yata ang paglilihim ko ng feelings ko for him. I was so unfair sa kaniya at the same time, sa sarili ko.

Kung bakit ba kasi ipinanganak ako na mahiyain. Hmmp!

My Almost | ✓Where stories live. Discover now