Chapter 30 - Good Luck To Us, Bastards

Start from the beginning
                                    

Napagpasyahan ko na matulog muna sa biyahe dahil sa sumasakit na naman ang ulo ko. I don't know why I am feeling sick samantalang sa pagkakaalam ko ay hindi naman ako nakakaramdam ng mga ganito dati. I don't need to worry about my safety even if I only have a driver with me. This man is once a legendary reaper nuong mga kapanahunan niya. He was my mom's bodyguard at matagal na siyang nagtatrabaho sa pamilya namin. Bulletproof din naman ang kotse na gamit namin kaya okay lang. Kumbaga, 2 in one na ang kasama ko. 

Nagising ako na papasok na kami sa loob ng headquarters. Pagkalabas na pagkalabas ko sa sasakyan ay sinalubong na kaagad ako ni Sphinx na humahangos pa. 

"Boss, kakatapos lang po ng third exam." balita niya. He handled a sheet of paper to me. Binasa ko naman 'yun and I found out that from 15, there are only seven left. I checked those three bastards' names on the list at hindi ko na naiwasan na tumaas ang isang sulok ng labi ko nang makita ang mga pangalan nila sa mga nakapasa. Great. Really great. 

"Sphinx, give them a feast and after that, let them rest on their individual chambers. Be sure to assign some of our men to guard them, are we clear?" He bowed to me as a sign of respect and as a yes. I can finally go to sleep peacefully. With that I retired for the night. 

I woke up at exactly ten in the morning. I can't feel any pain from last night anymore kaya bumangon na ako para mag-ayos. Today was a very cold morning kaya nagjacket ako. Bago matapos ang araw na ito, malalaman na nila ang kung sino talaga ako. I smirked for that idea. 

I called the judges through phone and lucky they are all awake. I asked them to call the finalists as well to the observation room. Mahigpit ko ding pinagbilin na paupuin sila isa isa pero huwag sila ihaharap sa upuang uupuan ko. Binilin ko rin na lagyan silang lahat ng blindfolds para hindi nila ko makita pagpasok ko. 

Nang matapos ako ay tsaka ko naalala na hanapin ang isang red box. Mamaya ko na sasabihin kung ano ang laman nuon. Makailang minuto pa ay nahanap ko ito sa treasure box ko sa loob ng closet room. Wala naman akong paki kung mag-intay sila ng matagal. Aba dapat sila ang maghintay dahil kapag wala ako, wala rin ang mga pinaghirapan nila.

Lumabas din ako kaagad mula sa kwarto ko at tanging mga tunog lang ng sapatos ko ang maririnig sa mga koridor. Siguro nagtataka kayo kung bakit walang nakabantay na guard o maid man lang sa labas ng kwarto ko, well ayoko naman kasi na may nakabuntot pa rin sa akin hanggang sa pinakaprivate place ko. 

Pagkarating ko sa harap ng pintuan ng observation room, hindi na ako kumatok at pumasok na. Sa pagpasok ko ay nasilayan ko ang pitong mga lalaki na nakapasa. You read it right. Sa batch kasi nila, may walong babae lang. Sa kasamaang palad, walang nakapasok na babae. Tulad nga ng sabi nila, mas pangkaraniwan ang trabahong ito para sa mga lalaki. 

"Good morning, milady." sabay sabay na bati at yuko ng mga tauhan ko sa loob ng observation room. Kung tinatanong niyo kung gaano kalaki ang kwartong ito, well, parang pinagdikit na dalawang classroom siguro. 

Sumenyas naman ako sa kanila na okay na at maaari na silang tumayo muli ng tuwid. Inabot naman sa akin ni Brock ang isang mouth piece. Ito ang gagamitin ko for the last two tests. Sinet ko ang tone style nito sa pangbarakong lalaki na boses.

Wala naman nang duda ang galing at husay nila pagdating sa mental and physical challenges. So ngayon, it's time for them to reveal their real selves, their real feelings and their real stories. Dapat kilatisin ko ang bawat isa sa kanila kahit na para sa akin ay pasado na silang pito. 

"Here, I'll present the heiress' last two tests for all of you. This will not be a physical challenge nor a mentality test. Our boss prepared two questions that each one of you should answer. We are hoping for your outmost sincerity and honesty. May mga nakakabit din sa inyong lie detector tests para mas makasigurado." banggit ni Kash. Sumang-ayon naman ang pito at napansin kong napalunok sila maliban kay Dash. May mga names kasi sa mga upuan nila kaya nalalaman ko. 

Mhorfell Academy of Gangsters (Now Published Under PSICOM Publishing)Where stories live. Discover now