Napangiti ako sa inaakto niya. Nathalia is an understanding child. Pilit nitong iniintindi ang lahat kahit mahirap para sa kaniya.

Ipapakilala ko siya kay Kenzo bukas not because takot akong malaman ng media si Lia, but because Kenzo is his Dad and Kenzo's right, he have the rights for Nathalia.

Maaga akong gumising para maghanda sa trabaho. Our conversation last night with Nathalia went smoothly. Siguro ay pupuntahan ko nalang si Kenzo mamayang lunch para sabihin sa kaniyang dito nalang sila magkita ni Nathalia sa bahay.

Nagluto na ako at kumain pagkatapos. Naghanda na rin ako ng baon ko para mamayang lunch.

"Yna, pupunta ka na bang trabaho?" Dumako ang tingin ko kay Nanay at nakitang bagong gising palang ito.

"Opo, Nay. Pakisabi nalang kay Lia na umalis na ako. Naghanda na rin po ako ng pagkain."

Tumango si Nanay bilang sagot. "Oh sige, ako na ang bahala kay Lia. Mag-ingat ka."

"Kayo rin po, Nay." Sagot ko at naglakad na palabas.

Pumunta ako sa kotse at pinaandar na ito. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari mamayang gabi, pero sana ay maging maayos na ngayon ang pagkikita nila Nathalia at Kenzo.

Pumunta agad ako sa office pagdating sa Rill Shine para taposin ang trabahong kailangan kong gawin.

Pagdating ko ay wala pa rin si Lea. As usual, late na naman.

"Yna, lalabas kami mamaya pagkatapos ng trabaho. Sasama ka ba?" Pag-aalok ni Vivian.

"Baka kayo nalang. May gagawin pa ako mamaya pagkatapos eh." Pagtanggi ko kay Vivian.

"Magkatulad kayo ng sinagot ni Kenzo, Yna. Ganiyan na ganiyan din ang sinabi niya sa'kin nung niyaya ko siya kanina." Biglang singit ni Jake sa usapan.

Inaya niya rin si Kenzo?

"Inaya ko kasi siya kanina pero tinanggihan lang ako. Masaya niyang sinabing may gagawin pa raw siya." Dagdag na ani Jake.

"Nako, Yna ha. Baka naman kayo ang magkasama ni Kenzo mamaya." Pang-aasar ni Vivian.

Agad akong umiling at pati ang kamay ko ay iniling ko na ikinatawa naman nila.

"Duh! Nagustohan ka lang naman ni Kenzo dahil mayaman ka." Pagtataray ni Yena na ikinatigil ko.

Bigla kong naalala si Jessa sa kaniya at ang nangyari 6 years ago. Bumuntong hininga nalang ako at hindi na pinansin ang sinabi nito. Somehow, bigla akong nalungkot sa sinabi niya.

Lunch time na kaya naghahanda na ako para pumunta sa Hye Gloo. Hindi muna ako kumain at mamaya nalang siguro pagkatapos kong maka-usap si Kenzo.

"Yna, hindi ka ba talaga sasama sa'min mag lunch?" Pag-uulit na tanong ni Lea.

I nodded. "Oo, may pupuntahan pa kasi ako."

Nag thumbs-up naman ito sa'kin. "Sige, mauuna nalang ako sa'yo." Aniya na ikinatango ko.

Nilakad ko lang ang HG Enterprises since hindi naman ito masyadong malayo sa Rill Shine. Huminga ako ng malalim bago pumasok sa entrance.

Marami agad akong nakikitang empleyado dahil lunch break na rin naman ngayon. Patuloy lang ako sa paglakad papunta sa office ni Kenzo. Hindi ko pa naman nalilimutan kung saan ang daan.

Nang nasa labas nako ng office ni Kenzo ay kumatok na ako. Wala pang ilang katok ay narinig ko na itong nagsalita.

"Come in. It's open."

Kumabog ang dibdib ko nang marinig ang boses niya dahil sa lamig ng pagkakasabi nito.

Binuksan ko ang pintoan at nakitang nakatutok lang siya sa laptop niya. Hindi man lang ako nito dinapoan ng tingin.

"Ken..."

Tumingin ito sa gawi ko nang binanggit ko ang pangalan niya. Nakita ko kung paano lumiwanag at kuminang ang mata niya nang makita ako.

"Baby, you're here." Aniya na ikinatango ko lang.

Ayoko na sanang umupo sa sofa na nandito sa office dahil hindi rin naman ako magtatagal pero bigla akong nakaramdam ng pagod.

"Balak ko sanang taposin ang kailangan kong gawin para makapunta ako sa'yo mamaya bago ka umuwi." Dagdag na aniya.

Bigla kong naalala na 5pm nga pala natatapos ang trabaho ng HG Enterprises. Mas matagal kasi ang working hours nila since marami silang mga clients.

"5pm natatapos ang trabaho niyo, right?" Paninigurado kong tanong.

He nodded.

"Pero b-bakit nasa Rill Shine ka na kahit hindi pa nag 5pm?"

"Just because." Simpleng sagot niya.

"Don't tell me nagpapalipas ka ng gutom para matapos ang trabaho mo kaagad?"

He chuckles. "I won't tell you then."

He closed his laptop bago tumayo at lumapit sa sofa na inuupoan ko. Kinuha niya ang bag ko sa mga binti ko at pinalit dito ang ulo niya. Nanlaki ang mata ko sa ginawa nitong paghiga habang nakaunan sa binti ko.

"Kenzo."

"Just a few minutes, baby."










Wanting Her BackWhere stories live. Discover now