99

103 9 2
                                    

La Familia MARUPOK

10:27 PM

POKIENGINA ❣️: Congratulations, @PRETENTIOUS POKIE ❣️ sa bagong jowa. 😌😌😌 Nagsisisi ka na ba?

POKIE MASTER ❣️: Gagu! Hahahaha.

LEGENDARY POKIE ❣️: Sabihin mo sa'min yung totoo

LEGENDARY POKIE ❣️: Sinagot mo ba si Zeke kasi nahihiya kang bastedin siya in public o naaawa ka na sa kanya kasi mukha siyang kawawa

UNTAMED POKIE ❣️: hoy hahahahahaha

POKIE MONSTER ❣️: Grabe ka mamu 😂😂😂

NOT POKIE NO MORE ❣️: Pero curious nga din ako ate K 👀 ano ba feeling mo kanina?

Di ko alam.

NOT POKIE NO MORE ❣️: huh???

Nanghingi ako advice sa Fix Me nung nakaraan. Sabi nung kausap ko, kung hindi ako sure sa feelings ko kahit na alam ko naman na maraming bagay ang kagusto-gusto sa kanya, ibig sabihin hindi pa buo yung nararamdaman ko talaga sa kanya.

Parang kinukumbinsi ko lang yung sarili ko na good catch siya pero yung puso ko ayaw talaga. Nung habang ina-advisan ako ng ganun nung kausap ko, naisip ko na baka hindi ko nga talaga siya gusto. Baka naaawa lang nga ako sa kanya. Baka pinipilit ko lang sarili ko na gustuhin siya.

Ready na ko patigilin si Zeke sa panliligaw niya sa akin kasi ayaw ko na siya paasahin. Tapos naka-receive ako ng message sa college friend ko. In-invite niya ko ng dinner with our other friends nung college. Nag-usap kami saglit tapos sabi niya, isasama nila yung partners nila sa dinner. Tinanong niya ko kung may bf ako. Si Zeke yung naisip ko.

Sabi ko I'll bring my bf sa dinner. Hindi pa naman kami ni Zeke. Pero nung time na decided na sana kong patigilin si Zeke, bigla kong naramdaman na siya yung tipo ng lalaki na gugustuhin kong kasama sa mga event na pupuntahan ko. Parang biglang pina-realize sa akin nung college friend ko na hindi totoong wala akong nararamdaman sa kanya. Tinatago ko lang kasi ayaw ko, kasi natatakot ako, kasi pakiramdam ko hindi pa ko handa.

Nung minessage ko si Zeke para sabihin sa kanya na isasama ko siya sa dinner ko. Sinabi ko rin sa kanya na ipapakilala ko na siya sa friends ko. Nung time na yun, sobrang excited ako. Parang after dating for so long, ito na yung hinihintay niya. Yung maging kami.

Tapos biglang ang reply niya sa akin, imi-meet niya si Nica. Nasaktan ako. Nasaktan ako na habang may kami, may Nica pa pala siya. Malay ko bang secretary niya yun?

NOT POKIE NO MORE ❣️: Alam mo ba ate K kinabukasan nyan nag-dinner kaming lahat with Nica kasi sinabi na samin ni Zeke yung plano niyang proposal para sa'yo. Singit ko lang 😂 matagal na namin alam.

POKIE MONSTER ❣️: Trueeee sobrang cute ni Zeke nakakatuwa na tinuloy niya yung dinner satin kasi gusto niyang ipaalam na gustong gusto niya si ate KC at pinakilala niya pa satin si Nica. Di ko nga alam na si Nica manager ni Dax sa Délicieux. Ang pake ko kasi nasa pera lang na sustento ni Dax. Malay ko ba sa negosyo niya 😂😂😂

POKIENGINA ❣️: Bwisit! Hahahahahaha 🤣🤣🤣

POKIE MASTER ❣️: POTA! HAHAHAHAHA.

LEGENDARY POKIE ❣️: so anong ibig sabihin ng kwento mo Kang? ang haba haba wala naman yung sagot sa tanong ko

Gusto ko na si Zeke.

Kahit kabaliktaran siya ng gusto ko.

Kahit sobrang extra niya.

Kahit sobrang kulit niya.

Gusto ko na siya.

At hindi ako napilitan na sagutin siya kahit gusto ko simple lang.

Kahit anong klase ng proposal, kahit sobrang extra pa nyan, basta si Zeke ang gumawa

Basta siya yung magtatanong...

Oo ang isasagot ko.

Oo, gusto ko na rin siya.

Seen by everyone

Making Gene Ezekiel Fix MeWhere stories live. Discover now