FM Squad
09:59 PM
Okay!!!
Boys Night Out
My treat.
Apol: Yon!
Dax: Gusto ko yan.
Gray: Saan?
Sa bahay ni Tyn 😂
Xtyn: Bakit? Anong ganap?
Gusto ko lang.
Xtyn: Ow-kay?!
Gianna: Bakit di kami kasama?
Boys Night Out nga, Gi.
Niqi: Tapos?
Nessy: 10:30 pa tapos ng shift namin ni Arrow. Sunod na lang siya.
Apol: Pasundo si pangga, please, pakihatid kanila Carol.
Abbi: Xavi nag-usap na kami sa GC, sasama kami kay Tyn sa bahay ng Mama niya.
Arrow: Love, okay lang ba kay Mama Au?
Arrow: Trip nila magsama-sama. Night out natin sa bahay ni Tyn, mag-slumber party sila kanila Mama Au.
Xavi: Okay.
Gabby: Ga, di na ko papahatid kanila Carol. Doon na ko sa bahay ng Mama ni Tyn para malapit ka lang.
Apol: Okay ga.
Sean: May date ako.
Tangina ang KJ
Date alas-dyes ng gabi?
Sean: Hehe.
Arrow: Date tas gabi? Parang sa curve yan ah.
Sean: Hoy hindi ah.
Dax: Mommy night out lang ako ah?
Gianna: Oo nga, nakapagplano na rin ako ng overnight sa bahay nila Tyn. Hindi pa sila napayag sa gc nakapag-empake na ko.
Nessy: Hahahaha!
Niqi: Iba ka talaga bestie.
Abbi: Xavi bakit ikaw susundo sa akin? Gusto ko si Awwow.
Gabby: Ay wow.
Bakit wala pa rin si Sebby?
Hoy nagpapaalaman na sa mga asawa nila. Nag-paalam ka na ba?
Ris: Yes, magkausap na kami.
Wow.
Niqi: sa PM?
Ris: Oo, personal siya nag-paalam sa akin. Magkausap pa kami.
Eh di sana all personal nagpapaalam.
Ang sweet niyo naman
Underground pa mag-usap.
Ris: Hahahaha! Ganito lang talaga to. Mas gusto niyang sa kanya ko malaman muna bago sa iba.
Nessy: Sweet.
Gabby: Sana lahat ng asawa ganyan. Yung isa kasi dyan nakarinig lang ng libreng alak, nakalimutan na magsabi. Kundi ko pa nabasa sa gc namin.
Apol: Hahahaha! Sorry na langga
Gabby: Tapos yung iba, pakihatid mga asawa nila sa pamilya, ako kay Carol pinahahatid.
Apol: Carol is family.
Gabby: Oo, pero si Abbi pinahahatid sa Mama ni Tyn.
Xavi: HAHAHAHA! Kanila Mama Au kasi kami nakatira ng mga kapatid ko ngayon. Pinapa-renovate ni Kuya Xy yong kwarto namin nila Yael sa bahay.
Gray: Baby sunduin kita?
Niqi: Wag na. Sila ate Ness na daw susundo sa amin. Doon na kami deretso kanila madam.
Xtyn: Okay lang mag-drive si Arrow? Dami niyo susunduin, kagagaling niyo pa sa shift?
Arrow: Magpapa-drive na lang ako kapag di ko na kaya. Pero okay lang, madadaanan naman namin sila.
Dax: Ano gusto niyong pagkain girls? Mamimili kami.
Xtyn: Okay na ko sa card, magpapa-deliver na lang kami. 😌
Gianna: Tama tama 🤣🤣🤣
Tangina ako magpapainom pero parang kayo pa masasaya kasi may mga pinagpapaalaman kayo ah?
Sean: Hahahahaha!
Hans: Oh? Magpaalam ka rin.
Tagal tagal mong susulpot tapos ganyan sasabihin mo?
Nakakatawa ka? 😃
Ris: Kalma. HAHAHAHAHA
Saya niyo all
Sana all
Sean: HAHAHAHAHA
Hoy wag ka tumawa
Patingin mo girlfriend mo sa'kin
Sama mo sa girls
Xtyn: Nah uh!
Bakit?
Xtyn: 😇
Hala!
Anong meron?
Share naman dyan
Seen by everyone except Hans Sebastian Villavicencio
TANGINA NIYO AYAW NIYO TALAGA SABIHIN
ANG DADAMOT NG MGA TAO DITO
NAKAKAGIGIL
Xavi: HAHAHAHAHAHA!
Gray: Madadamot naman pala.
Dax: Sana all generous
Seen by everyone